10

555 45 0
                                    

***

"Ang galing niyo!!" Sigaw ni Viena nang makababa kami ng stage.

Nakakahiya talaga siya kahit kailan.

"Ang ingay mo," sagot naman ni Knox sa kaniya. Akala ko ba hindi pinapalapit sakin itong lalaki na 'to?

"Manahimik nga kayong dalawa," sita naman ni Ajero na mukhang naiinis na dahil sa dalawa.

Nginitian ko lang silang lahat dahil sa hiya. Pasimple akong tumingin kay Ajero na ngayon ay nakatingin kay Pres ng masama. Ano na namang ginawa no'n sa kaniya?

"Pre, hiramin muna namin si Xiena ha," paalam ni Viena. Bakit ba kailangan niya pang magpaalam? Wala naman na kaming performance.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Pres na ako na mismo ang nag disisyon para sa sarili ko. Lumapit ako kay Viena at niyaya na siyang maglakad palayo doon, kasunod naman si Ajero na hindi mawari kung sasama ba o hindi.

"Tara na, saan ba tayo?" Tanong ko. Naiilang naman akong tumingin kay Ajero, gusto kong sumama siya kahit na alam kong hindi tama.

"Celebrate," si Knox na may kasama pang talon.

"S-sasama ka?" Tanong ko kay Ajero na nasa malayo ang tingin.

Nakapamulsa siyang tumingin sakin na nakakunot ang noo bago umiwas ng tingin nang hindi sinasagot ang tanong ko.

Anyare don?

Umalis ako sa pagkakahawak ko kay Viena dahil busy sila ni Knox mag bangayan at lumapit kay Ajero.

"Hoy," tawag ko dito pero hindi pa rin ako pinapansin, nilabas ko yung camera sa bag ko at sinuot yun. "B-bat ayaw mo'ko pansinin?" Tanong ko habang binubuksan yun.

Tiningnan ko ulit siya at ganon pa rin ang itsura niya, walang pinagbago, taka ko na siyang tiningnan.

"Ajero Luis Marfori o ALM o kahit ano pa mang tawag nila sa'yo, bakit hindi mo ako pinapansin!!?" Inis kong tanong dito at pati yung dalawa ay natahimik na rin.

"Fuck, don't shout," sabi niya at galit na tumingin sakin.

"Patay," sabi nung dalawa at nauna nang umalis. "May LQ ata ang mag jowa."

"Ano!?" Inis ko paring tanong, "bakit para ang laki ng kasalanan ko sa'yo?" Tanong ko dito. Hindi niya na naman ako sinagot at umiwas lang ng tingin, buti na lang dito kami banda sa wala masyadong tao huminto.

Inis na akong nababuntong hininga at tumalikod na para sana iwanan siya don dahil sa subrang inis, sino ba naman kase ang hindi magagalit kung hindi ka naman pinapansin nang wala namang dahilan, nakakapikon.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng sumigaw siya.

"I'm fucking jealous!" Sigaw niya na ikinatigil ko, hindi agad ako naka galaw at parang gusto ko na lang kainin ng lupa ngayon din.

Mali lang ako ng pandinig diba? Nagkamali lang ako.

Bakit siya magseselos? Kanino? Kay Knox ba? Wala naman kaming ginagawa eh, atsaka ano bang ginawa ko na ikinaselos niya? Pangpapanggap lang ang ginagawa namin ah, kasama ba'to sa pangpapanggap namin, wala namang tao dito?

Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at nakatitig na siya sakin, para akong kinakain ng mga titig niya na ayaw ko nang makitang muli.

"H-huh?" Tanong ko, pero bago pa siya makasagot ay may lumapit na sa kaniyang babae, at sa mukha ng babae ay mahinhin ito at nahihiya pa siya, may hawak siyang box na hindi ko alam kung anong laman.

"A-ajero," tawag niya dito.

"Bakit?" Kunot noong tanong ni Ajero.

"G-gusto ko lang ibigay ito sa'yo," nilabas niya yung box na tinatago niya sa likod niya at iniabot yun sa lalaki. Mukhang junior high pa lang dahil maliit.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon