21

437 40 1
                                    

N/A: Hi, sorry for the long update, busy kase ako sa school at congratulations sa lahat ng nakatapos sa exam, okay lang kahit hindi pasado at least we did pur best, again sorry and congratulations to all, mahal ko kayo 🤗❤️

***

Gulat si Inay nang umuwi ako ng bahay, hindi ko maintidihan kung ano ang kaniyang sinasabi dahil pumasok na kaagad ako sa CR para makaligo at makapagbihis.

Hindi niya naman ako tinanong paglabas ko, malamang na naintindihan niya na naman ako. Ayaw ko rin mag kuwento dahil maliit lang naman na problema yun.

Dapat kahit ako lang mag-isa ay kayanin ko. Hindi ko sa kanila pinahalata na pagang-paga na ang mata ko sa kaiiyak.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school dahil kailangan kong mag review para sa quiz namin, kailangang mataas pa rin ang makuha kong score.

Ilang saglit lang ay paunti-unti ng dumadami ang mga kaklase ko, kaniya-kaniya sila ng tanungan at kung ano-anong ginagawa. Samantalang ako nakaupo lang sa upuan ko at nakatulala.

Dapat 'di ba hindi masakit? Dapat balewala na yun sa akin dahil maliit lang naman na problema yun. Kinuha ko ang cellphone ko ng bigla yung tumunog.

From: Ajero
   Can we talk? Please 🥺

Habang nakatitig sa cellphone ko ay unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko, mabilis ko yung pinunasan bago nag reply.

To: Ajero
    Saan?

Mabilis naman siyang nagreply.

From: Ajero
   I'm outside of your room.

Mabilis akong napatingin sa labas ng pinto ng makita ko siya doon na nakatayo at nang magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang ngumiti at kumaway.

Tumayo ako para puntahan siya, hindi ako tumitingin sa mga mata niya ng makalapit ako.

"Can we talk?" Kunot noo niyang tanong.

"Kaya nga ako nandito." Sagot ko naman.

"Ahm... tungkol kahapon-"

"Ayus na yun, 'wag mo ng alalahanin," putol ko sa kaniya.

"But... it's not okay for me,"

"Alam mo naman pa lang hindi okay bakit ginawa mo pa?" Mabilis kong tanong, bahagya siyang napaatras dahil sa pagsagot ko.

"I know I was wrong, kaya nga nandito ako ngayon para humingi ng tawad," dagdag niya at lumapit sa akin ng ilang hakbang.

"Ayus nga lang, wala naman akong karapatan para magalit sa'yo, choice mong mas kampihan siya, choice mong saktan ako kahit hindi mo alam." napatingin ako sa baba ng third floor, nakikita doon ang ibang istudyante na dumadaan.

"I'm sorry,"

"Huwag kang mag sorry, hindi naman tayo 'di ba? walang tayo, hindi pa nga kita sinasagot eh," natatawa kong sagot sa kaniya.

"Ede sagutin mo'ko ngayon din, para magkaroon ka ng karapatan sa akin, para kahit akong gusto mong ipagawa sa akin magagawa mo, sagutin mo ako..." natahimik siya sandali. "kase hindi ko na kayang makita kang hawak ng iba habang ako nasasaktan sa gilid." Dagdag niya, mabilis akong lumingon sa kaniya pero nakayuko na siya, hindi ko makita ang kaniyang mukha.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon