16

460 37 0
                                    

***

Nakatitig ako ngayon sa kisame ng bahay namin dahil iniisip ko pa rin yung nangyaru kanina, hindi ko lubos maisip na gagawin niya yun, nang mskauwi kami ay tahimik lang at walang umiimik dahil nahihiya, pati siguro siya nahiya rin o nailang dahil sa sinabi niya.

Pa'no na yung pagpapanggap namin na mag jowa? Tuloy pa ba?

"Ate matulog kana, kung ano-ano sinasabi mo diyan." inis na tinabunan ni Yna ang mukha niya. Napahinga na lang ako ng malalim bago pinilit makatulog.

"Blooming mo ah," puna sakin ni Viena ng maupo ako sa upuan ko. Inirapan ko lang siya at binuklat ang aklat. "Oh? Bigay ng boyfriend mo," taka ko siyang tiningnan pero inirapan niya lang ako, inabot naman niya sakin yung paper bag.

Kinuha ko yun kahit nagtataka, hindi naman niya ako pinansin at nag cellphone na lang, tawa pa siya ng tawa. Pasimple kong sinilip ang cellphone niya at nakitang kausap niya sa chat si Knox.

"Pa'no na si Gab?" Tanong ko dito, galit naman siyang tumingin sakin.

"Anong pa'no siya? Eh siya nga yung crush ko, nambu-bwisit lang itong si Knox," tinuro niya pa yung cellphone niya, "ano bang laman niyan?" Kinuha niya sakin yung paper bag at siya na ang nagbukas non.

"Tingnan mo kung anong laman," utos ko dito.

"The hell," sigaw niya na ikinagulat ko, pati mga kaklase namin ay napatingin samin, ngumiti lang ako ng pilit at sinabing wala lang yun.

"Ano ba!? Makasigas ka parang nakakita ka ng multo," sita ko dito.

"Shutakang bakla ka, tingnan mo yung binigay niya," nilabas niya yun sa paper bag at laking gulat ko nang makitang cellphone yun.

Hindi agad ako nakasalita at tiningnan kong cellphone nga, pero gago, cellphone nga, binuksan ko pa at ang mag malala ay iPhone yun.

"Lakas maka iPhone ni anteh, actually ako dapat magre-regalo sa'yo niyan eh, kaso naunahan ako ng shuta mo," inirapan niya pa ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa regalo ni Ajero, nahihiya ako dahil hindi naman niya kailangang gawin yun.

Nung mabuksan na namin ni Viena ang cellphone sakto namang may nag text doon.

From: Pogi kong bf❤️
    Punta kang court.

"Taray ng boyfriend mo," tinawanan ako ni Viena pero kinuha ko lang yung cellphone sa kaniya at nag reply kay Ajero.

To: Pogi kong bf❤️
    Para saan ito?

Mabilis naman siyang nag reply.

From: Pogi kong bf❤️
      Gift ko, may sasabihin ako sa'yo mamaya, kaya pumunta ka sa ayaw at sa gusto mo.

Hindi ko na siya nereplyan dahil dumating na yung guro namin, nilagay ko yun sa bulsa ko, hindi pa rin naman natatapos ang pang aasar sakin ni Viena kaya bwisit na bwisit ako.

"Ano kayang name mo sa cellphone niya?" Tanong niya sakin ng makababa kami ng first floor.

"Pwede ba, tumahimik kana!?" Tinawanan niya lang naman ako, humawak pa sa braso ko ang walanghiya at hinila na ako.

Bumili lang kami ng tubig sa cafeteria at dumiretso na sa court. Pupunta rin siya dahil niyaya siya ni Knox.

Kapag talaga itong dalawa na ito nagkatuluyan ako unang tatawa, hindi ako titigil kakatawa hangga't hindi siya umiiyak.

"Ready kana makita yung pogi mong bf?" Tinawanan na naman niya ako, hinampas ko siya pero puro lang siya tawa.

"Kapag ikaw inasar ko, humanda ka talaga," banta ko sa kaniya, hindi niya naman ako pinansin at tawa lang siya ng tawa.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon