28

404 35 0
                                    

***

"What are you doing?" Gulat kong nabitawan ang bouquet kasama ng paglapat ng mata doon ni Ajero. "And why are you holding this bouquet!?" Galit niyang tanong.

Dahan-dahan siyang yumuko at kinuha yun mula sa baba.

"I...I didn't mean that, may hinahanap lang ako, y-yung bag ni Leo," kinakabahan kong sagot.

"Mukha bang bag ang bulaklak!?" Tanong niya, galit na talaga siya. Mabilis akong umiling sa tanong niya, "Tsss," umalis siya sa harapan ko dala-dala ang bouquet.

"Wait!" Sigaw ko sa kaniya, kailangan kong malaman ang totoo.

"Ikaw ba ang nag-iiwan ng crochet flower sa table ko at yung nagbigay kanina?" Kinakabahan kong tanong. Pinilit ko talagang 'wag ma utal dahil nakakahiya.

"I'm not that fucking insane!" Sagot niya naman bago tuluyang pumasok sa loob, napatango ako doon bago napaupo sa kotse niya.

Tama, hindi nga siya baliw para gawin yun, he's not that stupid, pero bakit may ganoon siyang bulaklak? Napahilamos ako sa mukha ko bago pinunasan ang luha ko sa mata.

"Hindi ka pwedeng umiyak Xiena, hindi pwede," mabilis akong tumayo at hinanap ang bag na sinasabi ni Leo, nakita ko naman yung kaagad at pumasok na sa loob na parang walang nangyari.

"Thank you," sabi ni Leo bago ako itulak sa pool, buti na lang napalapag ko na ang cellphone ko sa lamesa.

"Hayop ka Leo!!" Sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.

"Ayaw mo pa kaseng maligo eh," sagot naman ni Step, inirapan ko lang siya bago hinubad yung cover na nakatakip sa katawan ko.

Napa wow naman sila ng makita ang katawan ko, maganda naman ang katawan ko kaya hindi na rin ako nahiya, sunod na itinulak ni Leo ay si Ajero na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

Galit ba siya? Ede sorry kung napagkamalan ko siya. Gusto ko lang naman talagang malaman kung sino ang nag-iiwan ng bulaklak sa table ko, hindi naman masama magtanong eh.

Natawa naman si Ajero ng itulak siya ni Leo, mabilis na sumakay sa kaniya si Knox at Angelo kasunod nito si Step at Leo, tumawa lang kami ni Viena sa gilid habang pinagmamasdan silang naglalaro na parang bata.

"Ang cute tumawa ni Ajero," puna ni Viena na halata namang pinariringgan ako.

"Tapos? Anong gagawin ko?" Inirapan ko siya at hinampas naman niya ako.

"Anong gagawin mo? Balikan mo siya, umamin ka na mahal mo pa rin siya kahit wala nang kayo," lumayo siya sa akin at nakisali sa laro nilang lahat.

"Shuta ka!" Sigaw ko naman sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Mag-isa tuloy ako sa gilid at walang kasama dahil nagkakasiyahan sila doon, ang awkward naman kung sasama ako sa harutan nila 'di ba? Kaya ang ginawa ko ay umahon pero umupo lang ako sa pool habang ang mga paa ko ay nasa tubig at pinapanuod sila.

Aaminin kong naiinggit ako, pero ayaw kong makisali, napatingin naman sa akin si Angelo bago lumapit sa akin.

"Ayaw mong sumali?"

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon