11

506 44 0
                                    

***

"Tingnan mo'to," natatawang hinarap sakin ni Step ang laptop niya, bahagya naman akong natawa sa picture ni Ajero nung nasa high school pa lang sila.

"Siya yan?" Di makapaniwala akong tanong.

"Oo, hindi lang halata pero siya yan," sagot naman niya, naka peace sign si Ajero at may suot na cup sa ulo, mukha siyang tambay sa kanto.

Marami-rami na rin ang napakita niyang picture sakin, puro lang ako tawa dahil ang jejemon niya sa mga picture.

"Step!! Tama na yang pangdo-dog show sa mukha ko!" Sigaw ni Ajero mula sa labas ng kuwarto ni Step.

"Wala pa ako tapos," nakasimangot na sabi ni Step.

"Iiyak na yan si Ajero," natatawang si Leo sa labas.

Nakanguso namang sinara ni Step ang laptop niya at hinila na ako palabas ng kuwarto niya, sumalubong samin doon si Ajero at Leo na nagsasakalan, hawak ni Ajero sa leeg si Leo at pilit namang kumakalas sa pagkakahawak si Leo.

Akala ko tutulong si Step pero nilampasan niya lang ito at patuloy akong hinila pababa sa kanilang living room.

"Okay lang ba sila?" Nagtataka kong tanong.

"Magpatayan sila, bahala sila sa buhay nila," sagot niya naman sakin.

Siguro normal na sa kaniya ang ganong eksina kapag kasama ang tatlo. Matagal-tagal din akong nakipag kwentuhan sa tatlong kaibigan ni Ajero, puro siya na nga lang yung topic namin, kung gaano ito kadungol, katalino hanggang sa napunta sa pamilya niya.

"Alam mo rin ba na ang mga magulang niya ay hindi-" Ajero cut Angelo's word.

"Tama na yan, kailangan ko nang ihatid si Xiena," hinila niya agad ako patayo ng banggitin ni Angelo ang tungkol sa family niya.

Wala pa man nakakasagot ang tatlo ay hinila na ako ni Ajero palabas ng bahay.

"Sandali!!" Sigaw ni Step pero hindi siya pinansin ng lalaki at dire-diretso lang na naglakad papunta sa garahe nila.

Pagkadating ay agad niya akong sinakay sa kotse, hindi naman ako nasasaktan dahil maingat niya naman yung ginawa, ang ikinataka ko lang ay bakit kailangan niyang iwasan ang usapin tungkol sa pamilya niya, may family problem ba siya?

"Tumigil ka, Step," sabi niya pa habang umiikot para sumakay sa driver seat, hinabol kase kami ni Step at nagmamakaawa kay Ajero na parang bata na 'wag muna daw kaming umuwi.

Nang hindi manalo kay Ajero ay umatras na si Step para makadaab ang kotse, nakita ko pa siyang kumaway kaya nilabas ko ang kamay ko sa bintana ay kinawayan din siya ang kaso ay agad yung isinara ni Ajero, buti na lang at naipasok ko kaagad ang kamay ko.

Inis akong tumingin sa kaniya at inirapan siya, ayaw ko nang magsalita ng paulit ulit kung 'di rin naman pakikinggan.

Hindi siya nagsasalita hanggang sa makarating kami sa bahay, gusto ko nga sumigaw dahil nakakabingi pero pinigilan ko dahil mukha bad mood siya.

"Thank you," aktong bubuksan ko na ang pinto para bumaba pero may sinabi siya.

"I'm sorry," sabi niya, sorry saan? Taka ko siyang tiningnan pero diretso lang ang tingin niya at ayaw na magsalita.

"Saan?" Tanong ko baka sakaling sagutin niya.

"For everything," sagot naman niya. Hindi ko siya ma gets, pero tumango lang ako bago binuksan ang pinto at tuluyan nang bumaba.

Hindi ko na siya nilingon at dire-diretso lang akong pumasok ng bahay. Tinulungan ko lang saglit si Inay mag handa at nagpaalam na aalis din, hindi ko sinabi na mag ta-trabaho ako dahil alam kong di naman siya papayag.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon