7

544 46 0
                                    

***

"Bagay kayo," halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni Inay.

"Inay naman parang ano, kaibigan ko lang po 'yan," paliwanag ko, "pasok po muna ako," sinamaan ko ng tingin si Ajero bago ako pumasok sa bahay para mag bihis.

Nandon lang kase sila sa labas at tumatambay, rinig na rinig ko pa ang bungisngisan at tawanan nila.

"Close agad sila?" Sabi ko sa sarili ko at umirap.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin kung bakit kilala ni Yna at Jake si Ajero? Bakit nga ba? Meron ba akong hindi alam?

"Ate!!?" Tili ni Yna pagpasok niya ng bahay.

"Bakit!?" Irita kong tanong.

"Boyfriend mo si Kuya Ajero?" Malawak ang kaniyang ngiti at hinihintay ang sagot ko.

"Teka nga, paano mo ba siya nakilala?" Taka kong tanong at tinigil ang ginagawa ko.

"Oh my god, masyado ka kaseng focus sa pag-aaral mo, wala kang pakialam sa paligid mo, kaya hindi mo siya kilala," umirap pa siya pagkasabi niya non.

Nag cross arm ako at tinaasan siya ng kilay.

"Tss, si kuya Ajero ay isang ba-"

"Yxiena!!" Biglang sigaw ni Inay, galit ata, buong pangalan ko ang binanggit eh.

Dali-dali na akong lumabas at nagulat ng lahat ng pinangbili namin kanina sa supermarket ay nasa harap na ng bahay namin.

Nakangiting lumapit sakin si Ajero dala ang isang karton ng pagkain at inabot sakin. Hindi naman siya ganoong kabigat.

"A-akala k-ko-"

"Para sa inyo po ito," nakangiting sabi niya sa mga magulang ko.

Nang maibigay sa pamilya ako lahat ng pinamili namin kanina ay hinila niya ako malayo sa kanila.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"Here," inabot niya sakin ang isang sobre. Taka ko yung tiningnan kahit alam ko na ang laman non. "Ito na yung unang bayad ko, kompleto yan, kasama yung grocery," nakatingin lang ako don sa sobreng hawak niya at nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba o hindi.

Napansin niya atang ayaw kong tanggapin kaya kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay non sa kamay ko.

Kahit na ayaw kong tanggapin ay wala na akong nagawa ng talikuran niya ako at pumabalik sa pamilya ko.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng maka-alis si Ajero. Ano ba itong nangyayari? Hanggang ngayon hindi pa rin nag si-sink in sakin ang mga nangyari.

Para akong tanga na nakatulala lang sa kisame ng bahay namin dahil di makatulog, ginawa ko na lahat ng puwesto para makatulog, hindi pa din umepekto.

Bumangon ako para lumabas ng bahay, niyakap ko ang sarili ko sa lamig ng hangin na sumalubong sakin.

Madaming bituin sa langit at maliwanag din ang buwan. Huminga ako ng malalim at dinama ang malamig na gabi.

"Anong nangyari sa mata mo?" Bungad na tanong ni Viena pagpasok ko ng room.

"Guess?"

"Sus, binabad mo na naman ang sarili mo sa pagbabasa no'?"

"Mali ka,"

"Eh ano pala?" Takang niyang tanong.

"Di ako nakatulog ng maayos," pag-amin ko.

Inirapan niya lang ako at hindi na ako muling pinansin, don na naman siya sa cellphone niya nakatutok.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon