31

403 35 0
                                    

***

"Ako na," pagmamatigas ko kay Ajero.

"Ako na nga sabi,"

"Babayaran ko yung binili ko, babayaran mo yung binili mo," sabi ko pa sa kaniya.

"Miss, ako na magbabayad ng lahat," doon ko lang napansin na halos lahat pala ng malapit sa amin ay nakatingin, nakakahiya tuloy.

Hinayaan ko siyang bitbitin niya yung binayaran niya, deserve niya yan, makulit siya eh, ang dami pa naman din noon, halos lahat ata ng nadaanan ko kanina na hindi ko mabili kinukuha niya.

Naghintay lang kami ni Ajero sa parking lot kung saan nakapark ang kotse niya. Pumasok siya sa loob pero ako nakatayo lang sa labas, kahit subrang init. Ayaw ko nga siyang makasama, bahala siya diyan, kahit naka move on na ako hindi pa rin tamang nasa iisang lugar kami.

Naglakad ako palayo sa kotse niya ng tumunog ang cellphone ko, tumatawag kase si Step.

["Girl, anong plano mo bukas? Birthday na ng ex mo?"] Bungad niya kaagad pagkasagot ko ng tawag niya.

"Bibig mo beh walang pakundangan? Hindi muna tinanong kung okay ako?" Sagot ko naman sa kaniya.

["Oh? I'm sorry, how are you pala?"] Natatawa niyang tanong.

"Inis na inis ako kanina pa, I'm with him, kaninang-kanina pa at gusto ko ng umuwi," pag-amin ko ng totoo.

["Oh my god, nagkabalikan na ba kayo?"] Gulat niyang tanong.

"Hoy babae, hindi na mangyayari 'yun, hindi ko na siya gusto at matagal ko ng tinanggap na single na ako forever," sagot ko naman.

["Wag ako Xiena, alam kong may feelings ka pa rin kay Ajero, so ano ng plano mo bukas?"]

"Matulog,"

["Hindi ka pupunta sa party niya?"]

"Malaman na lang siguro 'yan," sagot ko naman, Mommy niya naman ang nag invite sa akin kaya bahala na.

Pinatay ko na ang tawag matapos makipag bulahan kay Step, kahit kailan talaga itong babae na'to bwisit.

Ano nga bang magandang regalo sa kaniya?

Bakit pa ba ako nag-iisip ng maganda? July 14 pala ang birthday niya, pwede ko naman siyang regaluhan ng kamote haha. Natawa ako sa naisip ko kaya lang nawala din 'yun ng makita si Ajero na nakatingin sa akin.

"Problema mo?" Mataray kong tanong sa kaniya.

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo," sagot ko naman, inis niyang nilagay ang kamay niya sa magkabilang bulsa niya.

"Xiena-"

"Pwede kung walang kwenta din namab yang sasabihin mo, pwede bang 'wag mo ng ituloy?" Paki-usap ko sa kaniya.

"Xiena, gusto ko lang-"

"Pwes hindi ko gusto, tama na Ajero, pabayaan mo na ako." Inis akong umalis sa harapan niya at pinuntahan si Inay na kalalabas lang ng Mall.

Hinatid naman kami ni Ajero sa bahay, iniwan niya rin sa akin yung mga binili niya na para daw sa akin, hindi ko na sana tatanggapin pero siya na ang naglagay noon sa loob ng bahay, napansin ko ring nilibot niya ang paningin sa bahay, malamang na nanibago siya dahil hindi naman ganito nung huling punta niya.

Excited na excited si Inay sa party na magaganap, ganoon din si Jake at Yna, samantalang ako parang ayaw kong pumunta dahil paniguradong makikita ko na naman doon si Fiona, maiinis at mag-aaway na naman kami.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon