27

408 36 0
                                    

A/N: Enjoy the sem brake guys, here's the another update, balak ko talagang tapusin itong book this week kase mahaba-haba ang time ko lara magsulat, pero inaatake na naman ako ng writer's block kaya baka next next week pa siya matatapos HAHAH pero don't worry ilang chapter na lang tapos na ang Unfinished Love hehe, enjoy reading guys, mahal ko kayo muahh😚❤️

***

"H-huh?" Tanong ni Ace. Tinuro ko yung dala niyang kulay dilaw na bulaklak. "Ah ito ba? May nakita kase akong nagbebents kaya binili ko na lang, ang cute pala ng ganitong bulaklak, ngayon ko lang nahawakan," natatawa niyang sambit.

So, hindi siya?

"Ngayon ka lang nakahawak ng ganitong bulaklak?" Tanong ko na ikinatawa niya, tumango naman siya bilang tugon.

"Oo, hindi kase ako mahilig sa mga ganito, sa'yo na lang," matapos mag-usap ng saglit ay nagpaalam na ako na babalik na sa mga magulang ko.

Hindi pa ako nakakabalik ay may humarang na naman sa akin.

"May nagpapabigay sa'yo?" Inabot sa akin ng hindi ko kilala ang crochet flower na naman, iba't ibang kulay yun at may letter pang kasama.

"Kanino na naman ito galing?" Nagkibit-balikat lang siya at umalis na.

To: Yxiena Monroe
Congratulations Xiena, sabi ko naman sa'yo kaya mo eh, good luck sa next journey mo, sana mahanap mo na din ang lalaki para sa'yo, joke lang yung para sa'yo kaya 'wag kana maghanap dahil nasa harapan mo lang ako haha.
~AL

Corny.

Corny siya pero napangiti niya ako, inilibot ko ang paningin ko pero wala namang kahina-hinala.

Nang nakabalik ako ay nag-aya si Itay na libre niya raw kaya masayang masaya naman kami.

Minsan lang kami makalabas kaya naman sulitin na. Hindi din naman kami nagtagal at umuwi na rin dahil may trabaho pa si Itay.

Saktong pag-uwi naman namin ay ang pagtawag sa akin ni Viena.

["Celebrate daw,"] bungad niya pagsagot ko. Napatingin naman ako kay Inay at tumango siya.

"Sige, sunduin niyo ako dito," natatawa kong sagot.

"Otw haha," nagulat ako doon at dali-daling nagbihis.

Ang bilis naman.

Kung ano-ano pang binilin ni Inay na 'wag daw masiyadong magpakalasing at tumawag kaagad kung saan pupunta o matutulog.

Minsan kase hindi ako nakakauwi dahil doon ako kay Viena natutulog.

"Inay, paniguradong kay Viena muna ako matutulog," sagot ko dito.

"Oh sige, mag-ingat kayo ha," huling bilin niya bago ako nakarinig ng busina sa labas ng bahay.

Dali-dali akong tumakbo dahil baka sigawan na naman ako ni Viena pero halos gusto kong bumalik sa loob ng bahay ng makita kung kaninong kotse ang nasa labas ng bahay.

"Kuya Ajero!" Sigaw ni Jake at tumakbo papalapit sa lalaki. Kung mamalasin ka nga naman.

"May pasalubong ako sa'yo," kinuha ni Ajero ang paper bag sa loob ng kotse niya at iniabot ito kay Jake, "hati kayo ni Ate Yna mo ha," tumango naman ang bata bago humalik sa pisnge ng lalaki.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon