33

426 34 0
                                    

***

Nagising ako ng wala na akong katabi sa higaan, kaya mabilis akong napabangon pero wala talaga si Step, hinawakan ko ang ulo ng kumirot ito. Hindi naman ako masiyado uminom ah?

Habang naghihilamos ay biglang tumunog ang cellphone ko, nakita kong tumatawag si Viena through video call kaya mabilis ko yung sinagot at mukha nila ni Knox ang nakita ko.

"Nakita ko na naman ang mukha mo, sira na naman ang araw ko," bungad ko dito, napairap siya bago pasilip-silip.

["Nasaan ka? Wala ka sa kuwarto mo eh, bakit maganda ang background?"] Tanong niya pa habang nakataas ang kilay.

"Makainsulto ka naman sa kuwarto ko," reklamo ko sa kaniya.

["Nasaan ka nga?"] Tanong niya ulit.

"Nandito ako sa bahay nila Ajero," nanlaki ang mata niya dahil sa sagot ko.

["Sinasabi ko na nga ba eh, tama yung narinig ko kagabi kay Step, nagbalikan na kayo?"] Gulat na tanong niya, umiling naman ako bilang sagot. Nagkatinginan silang dalawa bago umiling.

"Ano na naman?" Irita kong tanong.

["Hayst, alam ko namang mahal mo pa siya, bakit hindi mo pa balikan? Engaged kana tuloy sa kaniya kahit hindi pa kayo nagkaka-ayos, baka nga hindi pa kayo nag-uusap eh,"] sabi naman ni Knox, umiling lang ako at hindi sumagot.

Hinayaan ko lang silang sermonan ako doon, ang almusal ko tuloy ang payo nilang dalawa, nagpalit na lang ako ng damit matapos silang maka-usap, mayroon kaseng damit dito sa kuwartong pinahiram sa akin ni Tita, kaya lang yung pantulog na sinuot ko ay kay Ajero daw, wala naman akong choice kundi gamitin 'yun. Pati itong pinahiram kay Ajero din.

Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Leo na may hawak ng kape.

"Morning," bati niya habang nakahawak sa ulo niya. Napatingin pa siya sa suot kong oversized t-shirt ni Ajero saka pilyong ngumiti.

"Inom pa," natatawa kong sabi sa kaniya, tinawanan niya lang din ako bago umupo sa sala.

Naglakad ako papunta ng kusina at nakasalubong ko si Step kasama si Angelo at may dala ding kape.

"Masakit ba ang ulo niyo?" Natatawa kong tanong, inirapan ako ni Step at umiling naman si Angelo, pareho din silang napatingin sa suot ko at ganoon din ang reaction kay Leo bago umupo sa sala.

Anong magagawa ko? Wala akong damit dito, pasalamat sila may stock silang damit dahil halos dito na sila tumira, itong Step kase naubos na ang damit kaya wala na akong nahiram sa kaniya.

Hindi ako mahilig mag-kape kapag umaga, kaya ang tinimpla ko ay Milo, buti na lang mayroon sila dito.

Habang nagtitimpla ako ng kape ay bigla na lang umupo si Ajero sa upuan malapit sa akin.

"Kape?" Tanong ko na ikinagulat niya, nakapanghalumbaba siya bago tumango. "Matamis o matapang?" Tanong ko ulit, hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang pagkagulat niya.

Hindi ba siya makapaniwalang kinaka-usap ko siya?

"Sweet?" sagot niya at kunot noong tinanggal ang kamay sa kaniyang baba. Iniabot ko sa kaniya ang kape matapos kong matimpla.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon