4

595 50 0
                                    

***

"Anong sinalihan mong Club?" Tanong agad sakin ni Viena pagbalik ko sa room.

"Music?" Patanong kong sabi at pinakita sa kanya ang gitara.

"Oh my god? Marunong ka?" Napahawak pa s'ya sa bibig nya na animo'y manghang mangha sakin.

"Tanga hindi, pinahiram lang sakin para daw makapag practice ako." Umupo na ako sa upuan ko at ayun, kinuha nya agad ang gitara at kinalbit yun.

Tumugtog lang sya don at naki sabay naman ang mga kaklase kong umawit, habang ako naman ay tulala pa rin at iniisip kung anong mangyayari mamaya.

"Date tayo," di ako naka kilos ng sabihin nya yun.

"H-huh?"

"Sabi ko date tayo, babayaran naman kita ng 500, pero pumunta ka muna ng court pag tapos ng klase mo, nandon lang ako naglalaro ng basketball." Ginulo nya pa ang buhok ko.

Umiling ako ng tatlong beses at nag pasiyang puntahan na lang s'ya, sayang din yung 500 noh, makakatulong pa yun sakin.

Gaya ng plano ay dumeretso nga ako doon sa court at naabutan silang nag lalaro, dala-dala ko ang gitara pag pasok ko.

Pinanuod ko silang mag laro, at hindi nga ako nagkakamali dahil magaling ang lalaki mag basketball, laging three points eh, he's wearing he's jersey that fit on his muscle.

Hindi naman ako na-attract sa kanya, maybe kase kilala ko na s'ya, pero yung ibang mga babae kung maka tili kala mo naman artista yung tinitilian.

Umupo muna ako sa bench at hinintay silang matapos.

"Pre, girlfriend mo." Tinulak pa s'ya nung isa at pawis na pawis s'yang lumapit sakin. Kinuha ko yung tubig na dala ko at inabot yun sa kanya, medyo nagulat pa s'ya pero tinanggap nya rin.

"When kaya ako magkakaroon ng girlfriend?" Tanong ng isa nyang kasama mag laro.

"Di kana mag kaka jowa Angelo, yung nililigawan mo nga 3 year's na di kapa sinasagot," natatawang saad naman nung isa. Binatukan naman s'ya nung Angelo at Naghabulan na nga sila sa court.

"Sorry, yun si Angelo at Leo, kaibigan ko." Pinunasan nya ang pawis nya habang nakatingin sa dalawang nag aasaran.

Tumango lang ako sa kanya at tumayo na, "Saan tayo?" Tanong ko.

"Kung saan nandon ang mga babae ko," naka ngisi n'yang saad.

Aba, walangya, ginawa pa talaga akong third wheel ha, at hindi lang isa 'mga' daw.

"Okay," tanging sabi ko at nauna nang lumabas ng court, sumunod naman sya sakin dala-dala ang bag nya, inagaw nya naman sakin ang gitara at s'ya ang nag dala.

Paglakad namin ng campus ay ganon na lang ang gulat ko dahil nag sigawan ang mga babae ng makita s'ya.

Yan na nga ba sinasabi ko eh.

"Una na ako sa kotse mo, dami mong fan's eh." Inagaw ko sa kanya ang gitara at aalis na sana, ang kaso hinila nya ako palapit sa kanya kaya nabunggo ko ang matipuno nyang pandesal.

The heck? Ba't ang tigas?

Umiling ako sa inisip ko at taka s'yang tiningnan. Parang di ako nakikita nung mga babae kahit yakap yakap na ako sa bewang ni Ajero.

Obsessed na obsessed sa lalaki, ano bang meron diyan? Tao lang din naman s'ya, tsk mas pogi pa yung crush ko na si David Licuaco.

"Girls, pwede bang padaanin nyo kami ng girlfriend ko? Meron pa kaming date." Sinenyasan nya lang yung mga babae at kusa ng nahati ang daan. Hindi nya inalis ang pagkakahawak sakin at tuloy tuloy lang na nag lakad.

Unfinished Love- Student Series #2 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon