***
"Alamin mo na lang kay Ajero," hindi ko na siya natanong pa dahil dumating na yung guro namin.
Anong kinalaman ng lalaki sa Fiona na yun? Ang dami ko tuloy tanong sa isip ko, hindi na nga ako naka focus sa pinag-uusapan namin, buti na lang walang quiz dahil wala ng time.
Mabilis kong kinulit si Viena pero ayaw niya talagang magsalita, nacu-curios tuloy ako kung bakit kailangan ko pang itanong kay Ajero, gusto ko sana siyang e text kaso baka privacy niya yun o kaya naman baka 'di niya rin sabihin.
Malalim ang inisip ko ng biglang may nag text sa'kin.
From: Ajero
Sunduin kita mamayang lunch.Pinalitan ko na pala yung pangalan niya, napaka corny kase nung nilagay niyang name eh. Mabilis naman akong nagreply.
To: Ajero
K.Itatago ko na sana kaso nag message na naman siya.
From: Ajero
Nagtitipid kaba sa letters?To: Ajero
Yes po, mahal kase ang letter's ngayon lalo na kapag sa'yo ibibigay😊From: Ajero
Pati ba naman letters may bayad?To: Ajero
Wala na pong libre sa panahon ngayon 🙄From: Ajero
Meron.To: Ajero
Ano?From: Ajero
Yung puso ko, libre ko lang ibibigay sa'yo, walang labis walang kulang, matamis na 'oo' mo lang ang kailangan, pati bahay n'yo mapupuno ng langgam.To: Ajero
Corny.Hindi ko na siya nereplyan dahil napaka corny niya, ganito niya ba kinuha ang loob ng mga babae niya?
"Hoy, ba't namumula ka?" Agad akong napatakip sa mukha ko dahil sa hiya, shitt namumula ako? Mabilis na kinuha ni Viena ang cellphone ko at binasa yung conversation namin ni Ajero. "Ang lakas ng tama mo ah," natatawa niyang sabi.
Pilit kong kinuha yung cellphone ko sa kaniya pero bago ko pa nakuha ay nabasa niya ng buo, inirapan ko siya dahil patuloy lang siya sa pangangasar sa'kin, hindi man lang tumahimik.
Hindi ko na siya pinansin at nagbasa na lang ng libro, pero 'di ako maka focus dahil may text na naman akong na received, hindi ko na sana papansinin dahil baka si Ajero lang pero hindi, si Pres.
From: Pres
Practice tayo mamayang lunch.To: Pres
Yes boss.Naalala kong susunduin ako ni Ajero, kaya mabilis ko siyang tenext na wag na akong sunduin dahil may practice ako, hindi naman siya nagreply, baka makita niya rin mamaya.
Nang matapos ang klase namin ay nagpaalam na ako kay Viena na maun na akong bumaba, nagulat pa ako ng makasalubong ko si Knox na paakyat ng building namin, hindi niya ata ako napansin dahil nakangiti siyang nakatingin sa dala-dala niyang box. Para kanino kaya 'yun?
Binalewala ko na lang yun at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa club, pagkadating ko naman doon ay si Pres pa lang ang naabutan ko.
"Good noon, Pres," bati ko dito, matamis niya naman akong nginitian.
"Good noon din, dalawa lang ata tayo ang magpapractice, may lalakaran at gagawin daw yung iba," sagot niya naman.
"Huh? Ano ba yan," reklamo ko naman.
"Hayaan mo na, tutal hindi mo pa rin naman gamay ang gitara, tuturuan nalang kita," kinuha niya yung gitara niyang pinahiram sa'kin dati, yun ata ang gagamitin namin.
BINABASA MO ANG
Unfinished Love- Student Series #2 ✓
Novela Juvenil[COMPLETE] Ajero Luis Marfori and Yxiena Monroe Dalawang pinagtagpo ng tadhana, dahil sa isang aksidenteng halik na binigay ni Ajero kay Xiena dahil sa pagtakas nito sa mga babae niya. Ang kwentong babago ng mundo ni Ajero at Yxiena, ang kwentong t...