Back to school and back to headache na naman, discussion lang ang naganap ngayong umaga, bukod lang sa isang eksena na may nagwala raw sa hall. Syempre sino pa ba, edi si Sorelle, nalaman niya kasi na natanggal siya bilang leader ng class-A.
Kasama ko ang dalawang babae at sabay kaming nagsilipat sa susunod na subject. Ang bilis kumalat ng balita dahil lahat ng mag aaral ay alam na ang buong nangyari, hindi ko alam kung paanong nalaman nila, kaya ngayon hindi sila makatingin sa amin, hmm mas okay 'yun walang nakakairita.
And the four men, they haven't shown up since that scene ended, at wala naman akong pakialam, baka nagtatago na dahil sa kahihiyan, ano kaya ang erereak ng mga magulang nila pag nalaman nila ang nangyari.
"Queen, may good news ako sayo!" Bulong sa akin ni Ensley habang may nag didisscuss na guro sa harapan.
"Ano?"
"Miss Devastro and Miss Galvez, can you share here in front what you are talking about?" Sarkastikong wika ng guro, grabe, yun palang naging topic namin napuna agad.
Bwisit talaga.
"Sorry Prof." Sagot ng babae, napairap nalang ako sa guro ng patago, bakit ganito mga guro sa paaralan ko? Strikto at matatapang ang kailangan ko hindi nagpapahiya.
Mapalitan nga kayo.
Nakinig nalang kami at hindi na muling nag usap pa. Pagkatapos ng lecture ay vacant na, nauna na ako sa cafeteria dahil daraan pa raw ng locker ang dalawa.
"Yow, Hell," Boses ng isang lalake na may dalang trey ng food at ito'y umupo sa tabi ko.
"Zup."
"Nasaan ang dalawa?" He asked while eating his food.
"Nasa locker daw. Saan ka nga pala nagtagong gago ka? Nabalitaan ko na hindi ka raw nagpakita sa mga leader ah?"
"Ex-leader," Pag tatama niya. "...At hindi naman ako nagtago, busy lang talaga, mommy makes me do a lot, parang nakalimutan niya na studyante rin ako." he complaint.
"Isumbong kaya kita kay tita?" Pag aasar ko, nag iba naman ang kaniyang itsura, sa salita lang talaga magaling 'tong lalaking 'to. "Joke lang."
"Ang pangit mo talagang magbiro ano?" Tinawanan ko lang siya. "Nga pala, nabalitaan ko rin ang ginawa sayo ni Sheero, ayos ka lang? masakit?"
"Hindi naman."
"Unti nalang maiisip ko na kambal kayo ng kapatid kong bubwit." Hindi ko na siya pinansin dahil nag eenjoy ako sa pizza ko.
"Ano ang gagawin mo pag may biglang bagyo na dumating?" Cvion asked suddenly, where did he get that question?
I frowned at him. "What do you mean?"
He just shrugged, "Wala lang, may paparating na kasi e." Mas lalong kumunot ang noo ko sa kaniya, tumingin lang ito kung saan at sinundan ko nga ito.
Isang babaeng nag nagtatangis ang bagang habang papalapit ito sa akin, at marami na namang mga mag aaral ang nagbubulungan.
Lagi nalang may gulo dito sa cafeteria ah.
"Bitch! You bitch papatayin kitang bwisit ka!" Kung hindi lang pumagitna si Cvion ay baka natambangan na ako ng babae. "Umalis ka d'yan! Wag kang mangialam, papatayin ko yang babaeng yan!"
Now I know what Cvion means.
"Ano nanamang kailangan mo?" Mahinahong tanong ko.
"Tangina mo! Dahil sayo natanggal ako sa pagiging leader! kasalanan mo ang lahat, you ugly whore!" Nanggagalaiti niyang sigaw. Si Cvion naman ay ginawang shield ang sarili para hindi ako malapitan ng babae.
YOU ARE READING
Living Queen [COMPLETED]
ActionWar is a twist, but death is a true game. Hellisha Abigail, your Queen.