CHAP 31

80 2 13
                                    

I shot the last armed man standing, they are all down and none of my companions were seriously injured. Sa kotse tumakbo ang tatlong babae upang itago si Sartori, hindi rin sila napansin ng mga armado, sa amin napunta lahat ng atensyon nila.

Binitawan ko na ang hawak kong baril at pinagpag ang suot.

"Is everyone okay?" Davanni asked, while looking at us.

Tumango lang kami. Ayos naman silang apat, mga gasgas lang ang natamo nila.

Lumingon ako sa paligid, nilapitan ko ang bangkay ng isang lalaki at kinuha ang dalawang kunai knife ko na nasa magkabilang ulo niya. Swerte niya, kunai ko ang pumatay sa kaniya at hindi ang baril.

Pinunasan ko ito gamit ang damit ng lalaki at umayos ng tayo habang iniikot ko sa daliri ang dalawang kunai.

"Is that yours?" Kalen asked, while looking at what I was holding. I just nodded. He looked amused, "I guess that kind of kunai is expensive here in the country, where did you buy it?"

"I made this." He looked more amused, while his lips slightly parted. Tumalikod na ako sa kanila at binalik ko na sa belt na nasa hita ko ang dalawang kunai at nag umpisa ng maglakad. "Let's go."

Sumunod naman ang mga ito. Naabutan namin ang tatlo habang nasa loob ng sasakyan ko, lumabas sila ng makita nila kami. "Okay na?" Ensley asked.

I nodded, "Yeah, tara na, baka may iba pang sumugod."

"Asteria, ayos ka lang?" Lumapit sa kaniya si Zrott at sinipat kung may iba pa bang nangyari sa babae.

Tumango siya, "Okay lang ako, walang masamang nangyari sa'kin."

Sumakay na'ko sa sasakyan ko at hindi na sila pinansin, baka mag da-drama pa sila. Pumasok na rin ang dalawa sa sasakyan ko. Ganun din ang ginawa ng tatlong lalaki sa sasakyan nila. Tanging dalawa nalang ang natira sa labas, seryosong nag uusap.

"Matagal pa ba ang dalawang 'yan?" Iritang tanong ni Ensley habang nakatingin sa labas, kung nasaan ang dalawang nag uusap.

I shrugged, "Dunno,"

"Businahan mo nga." Ginawa ko naman ang sinabi niya, magandang idea e. Napaigtid naman ang dalawa at parehong masamang tingin ang pinukaw sa'kin.

Nginisian ko lang sila, hindi ko alam kung nakita ba nila dahil tinted ang sasakyan ko. Naglakad naman na sila papunta ng sasakyan ni Zrott at sumakay na. Sunod-sunod ulit kaming nagpausad.

Nakita pa namin ang dalawang kotse na naggitgit sa amin kanina habang naka park ito na medyo malayo sa amin. Wala na ring sakay, kita kasi 'yong loob sa harapan, hindi tinted.

So baka 'yong mga armadong sumugod kanina ang may gamit ng sasakyan na 'to, now it make sense.

Mga ilang minuto bago kami nakarating sa University, nagkaniya-kaniya muna kami upang mag ayos ng sarili, dahil nga sa nangyari kanina.

Nasa locker room lang ako, sinisipat sa salamin na nakadikit sa locker door, kung may gasgas ba akong natamo sa mukha, wala naman kaya sinira ko na. At sa pag sara ko, napaigtid ako dahil mukha ni Sartori ang bumungad sa akin, habang nakangiti siya sa'kin.

"Hi, Hellisha,"

"What do you want?"

"Uhm, wala naman, sinabi lang ni Sheero na tawagin na kita, may sasabihin daw siya." Kumunot ang noo ko ngunit hindi na nagtanong pa. Tumalikod na siya sa'kin kaya sinundan ko nalang. Malay ko ba kung nasaan sila Zrott.

"Hellisha," Napalingon ako sa babaeng nasa harapan ko habang naglalakad, tinawag niya ng pangalan ko habang hindi tumitingin at deretso lang sa paglakad sa hallway.

Living Queen [COMPLETED]Where stories live. Discover now