Lunis nanaman kaya buong araw nanaman akong bubugnutin. Papasok na ang dalawang babae kaya nung bumaba ako sa kusina ay nag uumpisa na silang mag agahan. Hindi manlang ako hinintay.
"Morning, Queen." Sabay nilang bati. Tinanguan ko lang at umupo na para kumain.
"Hayyy.... Papasok na naman, nakakasawa na." Biglang reklamo ng ni Ensley, "Mauulit lang din naman yung pag aaralan natin. Wag na tayo pasok Shim?"
"Wag mo'kong idamay sa katamaran mo." Walang ganang tugon ni Shimie habang tutok pa rin sa kinakain. Bumusangot naman lalo ang isa. "Kahit shopping lang?"
"Kakashopping lang natin kahapon ah? Hindi ka ba nagsasawa?" Pikon na saad ni Shimie.
"Hindi,"
"Pwes ako sawang-sawa na." Inirapan lang siya nang babae. Aga-aga pambibwisit na namn ni Ensley ang bungad.
After we ate, we all went to our room to get ready at the same time. I didn't wait for them and went ahead to the car to leave. Ang tatagal kasing kumilos.
Pumunta muna ako sa Dean's office para sa mga report ng mga Head, may gaganapin palang fest dito sa susunod na buwan, aba hindi ko alam na nagkakaroon pala ng ganiyan sa University ko.
Isa siyang foundation na kung saan iba't-ibang club or sports ang sasalihan ng mga mag aaral, nakakalaban din nila ang ibang University na malapit lang din dito. Hindi sinali ni Dean ang BOTA (Battle of the arena) dahil alam niyang hindi ako papayag at labag sa batas na malaman ng taga labas ang tungkol dito. That's my rule.
Sa susunod na buwan pa naman kaya hindi ko muna tinuonan ng pansin. Habang andito ako sa office ay nadaan ang dalawang babae, kinuha ang schedule. Hindi ko na sila pinansin dahil halatang hindi naman nila ako nakita dahil si Dean ang kinausap nila.
Malapit ng mag start ang unang klase ko kaya umalis na'ko at pumunta ng building room. Kumatok ako ng pinto dahil sarado na ito. Aba hindi porket masama ugali ko ay hindi na ako rerespeto.
"Come in!" Sigaw ng nasa loob, halatang lalaking matanda, yung prof ata. Pag open ko ng door ay sumalubong sa akin ang matandang lalaki, si prof nga. Halatang terror siya sa subject pero mukhang mabait naman sa mga studyante.
"Morning, sir." Simpleng pagbati ko sa kaniya.
Tumango lang siya. "What's your name?"
"Hellisha,"
"Miss Hellisha sit beside Mister Davanni."
"I don't know who's Davanni." Agarang sagot ko sa kaniya dahil hindi ko naman talaga kilala kung sino yun.
"Ouch pre, tanggal angas mo dun ah."
"Hala? Hindi nya kilala si Aidan? The nerve?"
"Gaga, eh transferee yan di'ba, malamang hindi niya kilala."
Mga naririnig kong bulungan ng classmate ko. Eh? Hindi ko nga kilala ulit-ulit naman, familiar lang, Pero ang lastname lang alam kong Davanni hindi pangalan ng tao.
"Miss, dito!" Sigaw ng isang lalaki sa bandang likod. Siya ba yung Davanni? Pero may katabi naman siyang iba. Tinuturo niya ang bakanteng upuan sa kaniyang likod. "Maaari ka ng umupo, hija." wika ng prof, tumango lang ako at pumunta kung saan may bakanteng upuan. At sa paglapit ko, napansin ko ang lalaking nasa tabi ng bakanteng upuan. Baka siya si Davanni?
Habang tumatagal ang atensyon ko sa kanya ay unti-unti ko siyang namumukhaan. Siya yung lalaking nakabungguan ko sa parking lot nung nakaraan! Anak ng!
"Done checking my face?" Nabalik sa ulirat ang aking diwa nang magsalita siya. Nangunot ang aking noo ko sa kaniyang sinabi. Kapal ng mukha.
YOU ARE READING
Living Queen [COMPLETED]
AcciónWar is a twist, but death is a true game. Hellisha Abigail, your Queen.