Hindi sila nagyayang lumabas ngayong uwian dahil alam na nilang delikado para kay Sartori, kung kailan naman handa na akong sumama, tsaka naman sila umatras.
Sumabay na ako kanina kay Kalen papunta sa classroom, dahil sabi niya wala namang prof. Nabanggit niya rin kanina na hinahanap ako ni Sheero, dahil kanina pa ako missing in action.
Mag update nalang kaya ako sa kaniya lagi? Para hindi na siya nag ooverthink kung saan ba ako pumupunta.
Dagdag pa ni Kalen, hindi naman daw galit si Sheero, talagang hinahanap niya lang ako. Wala rin naman daw nangyaring masama ngayong araw, lalo na kay Sartori. Syempre, nalinis ko muna ang kalat bago ako umalis.
Pagkakita ko nga sa babae kanina nang pumasok ako sa room, halatang pikon siya, kahit nga si Kalen na kinausap siya, hindi niya pinansin. Dahil siguro sa ginawa ko, hindi ko sure.
I'm sitting next to Shimie, she's quiet and reading her notes, pero nilapitan ko pa rin "Walang nangyari habang wala ako?" Pabulong na tanong ko sa kaniya na tanging kaming dalawa lang ang nakakarinig.
Umiling siya at hindi tumingin sa'kin, "Wala naman, pero diyan sa babae parang mayroon," Saglit siyang lumingon kay Sartori at binawi niya rin agad. "Kanina pa badtrip, kahit ako sinungitan na." She added.
I frowned, "Anong ginawa niya?"
She just shrugged, still looking at her notes, "She just answered the prof incorrectly, so I corrected her but in a polite way, but then she yelled at me. Kung hindi lang siya inawat ng prof, baka nasampal niya na ako."
I laughed because of what she said, then shook my head, "Ayaw niyang tinatama siya."
"Pansin ko nga."
Pumatong ako sa likod ng chair ko at tumingin sa harap, "Tignan mo mamaya, pagsasabihan ka ni Zrott tungkol diyan," Nakangising sabi ko. Expected na 'yan.
She nonchalantly shrugged again, "Wala naman akong pake."
Natapos ang huling oras, as usual sabay-sabay ulit kaming palabas ng building upang ihatid na si Sartori, last mission ngayong araw, buti nalang din at hindi na sila nagkayayaang lumabas, nakakatamad kasi talaga.
"Queen, nag update si Elara, goods na raw ang lahat." Sabi ni Ensley habang naglalakad kami sa hallway papunta sa garahe.
So far, nag uumpisa ulit ang company ko sa France, dahil pinabagsak ko lang naman 'yon dahil sa ibang dahilan. At ang dahilan ay si Jaysher Nox, stepfather nila Cvion, member din ng Tradiskana Clan si Jaysher Nox pero hawak ni tita Cynthia ang kasong ito. Meaning, hindi ko na siya kailangan pang galawin at pakialaman.
Kaya hindi rin nagpapakita sa'kin ang dalawang magkapatid na Castre, busy ata sila sa problema nila.
Tumango lang ako kay Ensley bilang response. Nagkita-kita kami sa parking lot, kay Zrott naman sumakay Sartori, napapansin ko rin na mas close silang dalawa.
Nabaling saglit ang tingin ni Zrott sa'kin pero wala naman itong sinabi, sadyang tumingin lang tapos inalis din, hindi ko rin alam kung bakit. Nagkibit-balikat nalang ako.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at ganun din ang ginawa nila. Tulad ng dati, lagi akong nagpapahuli at hinihintay na mauna silang umalis, hanggang sa sasakyan ko na ang nagpatiusad.
Hindi pa ako tuluyang nakalabas nang parking lot ng mapunta ang tingin ko sa isang sasakyan, familiar kasi ito sa'kin, parang kotse ni Sorelle, nasa unahan ko siya. Hindi naman namin siya kasama kanina, kaya nagtataka ako kung bakit bigla namin siyang kasabay ngayon.
And I was more confused because she headed to a different destination. So hindi talaga namin siya kasama ngayon? At parang hindi niya kami pansin, or sadyang ayaw niya lang sumama sa amin?
YOU ARE READING
Living Queen [COMPLETED]
AcciónWar is a twist, but death is a true game. Hellisha Abigail, your Queen.