CHAP 27

77 2 21
                                    

"Iba schedule ko now. So basically, si Hell muna ang makakasama ni Asteria mamaya." Sheero announced.

Hindi na ako nag react, at tumango nalang, dahil totoo namang ako lang ang makakasama ni Sartori ngayon dahil same kami ng schedule, which is I don't have any problem with that.

We're here at the bench, with a table, near the auditorium. Dito lang din namin naabutan ni Ensley at Shimie si Sheero kasama si Sartori, wala pa yung iba.

"Goods lang, Hell?" Sheero asked.

I nodded, "Of course."

"Ayos, sa cafe nalang tayo magkita-kita mamaya."

Naghintay pa kami ng ilang minuto bago pumunta ng kaniya-kaniyang room, at magkasabay nga kami ni Sartori. Wala namang problema, hindi rin naman awkward dahil hindi na ako nagpapaapekto, kung ano man ang gusto niyang gawin at kung ano gusto niyang mangyari, wala ng may pake.

Hindi kami nag usap hanggang sa nakarating kami sa room. Hindi na rin ako nagtaka nang tumabi siya sa'kin. Masyado niya atang ginaganapan ang pagiging bantay namin sa kaniya. Wala naman sigurong mang aano sa kaniya rito sa loob ng room.

Or baka nakikipag close lang sa'kin? E ano naman? Wala naman akong pake.

"Uhm, Hi, Hellisha?" Lumingon ako sa babae ng magsalita ito, "Wala pa tayong maayos na pagpapakilala...So, I'm Xyian Asteria, you can call me anything you want!" She said anxiously with a bit of shyness, I guess?

I just nodded, "Hellisha,"

"Hellisha Abigail, right?" I frowned. "Nasabi lang sa akin ni Sheero ang full name mo." She explained, so I nodded in response. "So, can I call you anything I want? Like...Abigail?"

Shit!

I stayed silent for a moment, but automatically slightly shook may head, "No," I answered, coldly.

"Oh," Napawi ang ngiti nito at umiwas nang tingin, hindi ko na pinansin at inalis na rin ang tingin ko sa kaniya.

Nananadya ba siya kasi may alam siya? Ano ba talaga gusto niyang mangyari? Tsk. Kamukha niya na nga, gusto niya pang gayahin kung paano ako tawagin ng kaibigan ko. Si Ainslee lang naman ang tumatawag sa akin ng second name ko.

At siya? Kahit kamukha niya pa kaibigan ko, hinding-hindi niya ako matatawag sa pangalang 'yan.

Okay, ang oa.

"Hey," I glance at her again, "Uh, can I ask?" She hesitantly asked. She's asking na nga e, hindi pa tinuloy.

I nodded, "Sure, shoot."

"Bakit ayaw mo?"

I paused. Bakit nga ba ayaw ko? Alangan namang sabihin ko sa kaniya ang totoong rason?

"Kasi ayaw ko." Pinakawalang kwentang sagot ko.

She slightly raised her brow but she removed it immediately and smile at me, "Oh, okay, I'll call you Hell then." She smiled more.

I just nodded in response and avoid my gaze at her. She didn't know that I noticed that huh.

Hindi na ulit kami nag usap simula nung dumating ang prof ng first subject. Napapansin ko rin na kanina pa siya sumusulyap sa akin, na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang masabi. Pero hinayaan ko nalang, kung hindi niya masabi, problema niya na yun.

Pansin ko rin na active siya sa pag recite, nakailang volunteer na siya sa pagrerecite pag walang may gustong sumagot sa tanong ng prof. Marami na rin tuloy ang pinupuri siya at natutuwa sa kaniya dahil na sasave niya ang mga classmate namin na hindi makasagot.

Living Queen [COMPLETED]Where stories live. Discover now