Ensley greeted me with a smile in the dining room, as if she had seen Axelle.
"Morning, Queen!" I just nodded at her, siya lang ang tao rito ngayon sa loob, wala yung isa, nagpaalam sa'kin kagabi na aalis siya.
"Nagpaalam sayo si Shimie, Queen?" tanong ng babae na nasa harap ko habang kumakain.
"Hm," sabay tango.
"Where did she go?" she asked.
I looked at her with a furrowed forehead, "You don't know? Poor you." Sa akin nagsabi, tapos sa babaeng 'to hindi? Fake.
"Duh? Wala siyang sinabi sa akin."
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ulit upang mag ayos, dahil monday ngayon, papasok na kami sa Halston University.
Hindi na ako natuloy sa Japan, bigla akong tinamad, nagpupumilit si Gab na sumama sa akin, ayun siya nalang pinapunta ko mag isa, bida-bida e.
Sasakyan ko ang ginamit total dalawa lang naman kami ni Ens, syempre ako nag drive, akin 'to e. Halston University is somewhat distant from my university, so it took us about fifteen minutes to get there.
When we arrived, I parked in their garage and exited at the car, syempre dahil bago kami rito, normal lang na tignan kami ng mga students ng Halston, at halatang hindi kami taga rito dahil naka sibilyan lang kami, para na rin sa pagkakakilanlan namin na outsider kami.
Tsk, I hate this set up. Anong silbi ng pagpapatayo ko ng paaralan dito kung sa ibang paaralan kami papasok? Malagyan nga ng ultra mega pro max security ang University ko, ewan ko nalang kung may makapasok pa.
Hinayaan na namin sila at pumaroon na kung saan ang room namin, total tumitingin lang naman sila, walang bulungan na naganap at wala ring naghahamok. Ang babait nila ha, nakakainggit.
"Saan room natin?"
"Doon sa building na yun," turo ni Ens, "Fourth floor." tinanguan ko lang, at gumayak na kami.
Marami naman kaming nakikita na naka sibilyan, kaya mukhang maraming pumayag na maki sit in dito, nawa'y ayusin nila ang ugali nila. Nakausap naman na sila ni Uncle, pag may nakaaway or nang amok, auto expelled sa Senvion University. Slay Uncle.
The uniform at Halston University is also quite nice. A white polo shirt on the inside, Tarrytown Green for the blazer color, matching green for both the tie and the women's skirt above the knees, and slacks for the men. Cute.
Mula ng makalabas kami ng sasakyan hanggang ngayon na umaakyat kami ng hagdan ay palinga-linga ang babae, alam ko naman kung sino hinahanap niyan, pero nakakairita na, ang gulo.
"Tsk, tumigil ka nga, wala siya rito, hindi yun papasok!"
Natigil nga siya at tumingin sa akin, "We? Bakit mo alam?"
"Binulong niya."
Nagpapadyak nalang ito habang tuloy lang sa pag akyat sa hagdan, "Queen naman!"
Normal naman kaming pumasok sa classroom, ang hindi lang normal ay magkakasama pa rin kaming galing sa Senvion dito sa iisang room, parang walang bago, teacher lang.
At kasama namin ang mga leader, pumasok din pala silang lahat, include na yung alepores ni Sorelle.
We just exchanged greetings at them and then Ens and I looked for seats on the right side, where the leaders were seated, marami pang bakante banda roon dahil sino ba ang magtatangka na tabihan ang mga spoiled brat leader na 'to.
As soon as I sat down, someone suddenly bark.
"Sino nagsabing pumasok ka rito? I thought wala ka ng pake sa pag aaral mo." Maarteng salita nito habang ang mga kamay ay nakapaikot sa boyfriend niya.
YOU ARE READING
Living Queen [COMPLETED]
ActionWar is a twist, but death is a true game. Hellisha Abigail, your Queen.