Sartori is wealthy and has made significant contributions to Philippine society, extending to other countries. Kilala rin ito dahil sa pag gawa nila ng alak, isa ito sa produkto kung bakit umangat lalo ang angkan nila. And they also have many other businesses.
So that's why Asteria Sartori's life is in danger, dahil siya ang magmamana ng lahat. Maraming masasamang tao ang gusto siyang kunin for ransom, gusto rin siyang patayin ng iba para mawalan nang tagapag mana ang Sartori.
Weird. Namana ko na ang lahat sa'kin, pero bakit walang nagtatangka sa buhay ko?
Hindi ako naiinggit ah!
Xyian Asteria Sartori, 17 years old girl, hindi pa pala legal age kaya gusto na siyang patayin habang hindi pa legal. Her mother has passed away, so her father and aunt are now her guardians. She doesn't have any siblings, kaya lahat-lahat talaga ay mamanahin niya.
At ano ang mas nakaka interesado? Kakabigay lang sa'kin ni kuya Andy kanina ang favor ko. And he succeed.
Just what I thought.
"Lalim niyan ah?"
Napatingin ako kay Draizen ng magsalita ito sa tabi ko, "Alin?"
"Iniisip mo," Binalik ko ang tingin sa guro na nasa harapan. Buti at hindi ako tinawag ng guro habang ukupado ang utak ko.
Bakit ako tatawagin niyan kung napalitan ko na lahat. Phase out na lahat ng teacher na namamahiya ng mag-aaral.
Natawa nalang ako dahil si Draizen pa yung natawag ng guro, nakasagot naman ito. Hanggang sa natapos na ang subject, vacant na kaya sabay na kaming pumunta ng lalaki sa cafeteria. Kaming dalawa lang mag kaklase, nahiwalay yung iba.
"Ano order mo? Ako na kukuha, punta ka na sa table." Suhistyon niya, sinabi ko lang ang gusto ko at pumila na siya. I also went to the table where the other leaders were.
Di'ba nga, kailangan na naming magsama-sama, para lang sa babae na 'yon.
"Nag order ka na?" Bungad sa'kin ni Ensley ng makita niyang wala akong hawak.
Tumango ako, "Parating palang, kay Draizen." I sat beside her. Narito na silang lahat, Si Sheero na kausap si Sartori, si Davanni na tahimik na kumakain at napagitnaan nila ni Sheero ang babae, si Kalen na tahimik lang din na kumakain habang busy sa phone, si Sorelle na katabi rin ni Davanni sa kabilang side habang kausap niya ang dalawang alepores niya sa tabi niya.
Tapos si Ensley na mukhang ako ang hinihintay.
"Tagal niya, nagugutom na'ko." Malungkot na sabi ng katabi ko, habang naka pout pa ang nguso.
"Kumain ka na."
"Sigeeee!" Payag niya agad at talagang nag umpisa ng kumain. Gutom nga.
Wala pang lunch, pero itong si Ensley nagkanin, halatang hindi nagbreakfast.
Ilang saglit pa ay dumating na rin si Draizen at inilapag sa harap ko ang pagkain ko, tumabi na rin siya sa'kin.
"Thanks," He just nodded.
"Guys! Nagpapasama pala si Asteria mamayang uwian sa mall, Okay lang sa inyo?" Sheero suddenly announced.
Namayani saglit ang katahimikan, pero kinalaunan ay pumayag din sila. Nakayuko lang ang babae at nakatingin lang siya sa pagkain niya, na parang nahihiya.
"Sama ka, Queen?" Bulong na tanong ni Ensley.
I shrugged. "Tignan ko kung hindi tamarin."
"Ayaw ko sumama, gagawin niya lang tayong bodyguard, sa ganda kong 'to?" Siniko ko siya para tumigil siya sa sinasabi niya dahil baka marinig siya. Katabi niya pa naman si Kalen.
YOU ARE READING
Living Queen [COMPLETED]
AcciónWar is a twist, but death is a true game. Hellisha Abigail, your Queen.