CHAP 25

77 2 10
                                    

What the hell? Nananaginip ba ako? Siya ba talaga yung... nakikita ko?

"Hellisha," Oh, hindi na Isha?

Hindi ako umimik at nakakatitig pa rin ako sa babaeng katabi ni Davanni. Alam ko na bata palang ang itsura niya noong huli ko siyang makita, pero alam na alam ko na ganito ang itsura niya. Dahil nagpapakita rin siya sa panaginip ko.

And now, I don't know if this is just a dream or not.

Bigla ko nalang sinampal ang sariling pisnge na ikinagulat nilang dalawa.

"Hey, what's wrong with you?"

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, habang titig pa rin sa mukha niya. Ngunit natigil ako dahil biglang hinarang ni Davanni ang kamay niya sa babae. "Stop what you're doing, Asteria's getting uncomfortable."

I stopped, "Asteria?" Hindi siya si Ainslee? Guni-guni ko lang ba 'to?

"Hellisha, we'll talk later." Davanni said, and he glance at the girl and he took her hand, "Let's go, Asteria." Nakatulala lang akong nakatingin sa kanila na papalayo.

What was just happened?

Hindi ko alam kung paano akong nakapunta sa office ni Uncle, dahil hanggang sa pag upo ko sa couch ay tulala pa rin ako.

Hindi siya 'yun? Sino yun? O baka magkamukha lang sila? Parang gusto ko nalang ulit magpabaril para mawalan nalang ulit ng malay at para magpakita siya.

Masyado na akong delusional, hindi na tama 'to.

"Hello? Earth to Hellisha Abigail, are you there?" Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Uncle. Tinignan ko lang siya at hindi nag response.

"Anong nangyayari sayo?" Kunot-noo niyang tanong habang nakaharap sa akin  at ang pala upuan niya ay nakapatong sa dulo ng table at naka kros ang dalawang kamay nito sa dibdib.

"Kanina ka pa diyan?"

"Obviously?" Sarkastikong sabi nito. Hindi ko nalang pinatulan dahil wala akong sa mood. "What's going on? Kanina ka pa tulala riyan, at hindi mo manlang napansin ang pagpasok ko rito."

"I saw her," I suddenly said.

He frowned, "Who?"

"Ainslee," Saglit pa siyang natigilan at mas lalong kumunot ang noo na parang pinoproseso sa utak ang narinig.

"Your friend? Wala na siya di'ba?"

"Yeah..."

"How come na nakita mo siya?"

"Kanina lang, malapit sa building ng Class-C, magkasama sila ni Davanni."

"Paano mo nasabing siya yun?"

Umiling ako, "I don't know," Napahilamos nalang ako ng mukha at sinabunutan ang buhok dahil sa pagka dismaya, "...Hindi ko alam, hindi nag pa-process sa utak ko ang nakita ko," Hindi siya umimik. "Kitang-kita ng mata ko kung paano siya nawala, kaya kahit ako hindi ko alam kung bakit... paano nangyari yun... na buhay siya."

"Yung nakita mo, dalaga na?" Tumango ako, "Paano mo nasabing siya yun? Bata palang kayo nung huli mong nakita ang mukha niya."

Hindi ako nagsalita, hindi ko maexplain dahil baka hindi niya lang din ako  maiintindihan.

Umiling lang ako, at malakas na bumuntong hininga. Hindi pwedeng wala ako sa tamang pag iisip ngayon. Parang I need to unwind.

"Baka guni-guni ko lang 'yun." Sabi ko kay Uncle para mawala na rin ang pagtatanong niya, at umayos ako ng upo.

Umayos na rin siya ng tayo, "Alam mo kung ano kailangan mo? Mahabang tulog, baka kulang ka lang sa pahinga kaya kung ano-ano ang nakikita mo." Mahabang litanya nito at umupo na siya sa swivel chair niya. Hindi nalang ako umimik, kahit mali naman siya. Puro nga ako tulog simula nung lumabas ako ng hospital.

Living Queen [COMPLETED]Where stories live. Discover now