Carlyn's POV
"Oh, 'yan. Tanga," iyan agad ang sabi sa akin ng walanghiya kong kaibigan nang makita niya ang resulta. "Bakit naman kasi hindi kayo gumamit ng proteksiyon? Jusme, limang box 'yung binili ko para sa inyo tapos hindi niyo ginamit?!" panenermon nito habang hawak pa rin ang PT kit.
Limang pt kits ang binili ko at lahat ay sinubukan ko, nagbabakasakaling mali lang pero positive ang lumabas sa lahat.
"Lasing kami, okay? Parehas kaming nawala sa wisyo."
"Kahit na! Lyn, alam mong red flag 'yang hayop na 'yan. Color blind lang?" sarkastiko niyang tanong habang palakad-lakad sa harapan ko.
Parang siya pa nga 'yung mas kinakabahan kaysa sa akin eh.
"Ano nang balak mo? Paano mo 'yan sasabihin nila tita at tito? Sa kapatid mo? Jusko, lagot ako dun! Ipinagkatiwala ka ng pamilya mo sa akin tapos mabubuntis ka lang ng adik mong boyfriend?" ay, kaya naman pala kinakabahan.
"Xy, pwede ba? Wag kang lakad ng lakad! Nahihilo ako sayo eh!" reklamo ko dito at hinawakan ang pulsuhan niya para patigilin siya sa paglalakad. "Chill ka lang, ako dapat 'yung kinakabahan, hindi ikaw!"
"Eh, ano bang balak mong gawin?!"
Ano nga ba?
Nag-aaral pa ako at hindi pwedeng malaman ng mga magulang ko na buntis ako! Kundi, itatakwil nila ako!
"Magpanggap ka kaya na ama ng dinadala ko?" tanong ko na labis niyang ikinatigil.
"G*go ka ba?" tanong niya at pekeng tumawa. "Magagalit si Maxine, baliw!"
Si Maxine 'yung ka-LDR niya for over three years.
"Sige na, Xy! Baka ibitin ako patiwarik ng mga magulang ko kapag nalaman nila na buntis ako tapos walang ama!"
"Ba't hindi mo iharap sa kanila 'yung nakabuntis sayo?"
"Tinakbuhan nga ako diba!" pagpaalala ko sa kanya. "Nung sinabi kong buntis ako nung isang araw, nalaman ko na lang bigla na pinaalis siya ng mga magulang niya papunta sa ibang bansa."
"Carlyn naman kasi! Hindi ka nag-iingat eh!" patuloy niyang panenermon at muli na namang tumaas ang boses niya.
"Aba'y malay ko bang ganito ang mangyayari!" pagtatanggol ko pa sa sarili ko kahit alam kong ang immature pakinggan. "Sige na, Xy! In five months, graduate na rin tayo ng college! Pagkatapos nating grumaduate, ituloy niyo 'yung kasal niyo ni Maxine sa France. Ako na ang bahala sa amin ng anak ko."
"Edi pinatay na'ko ni tito kapag nalaman niyang 'tinakbuhan' kita," sambit pa niya at itinaas baba ang dalawa niyang daliri.
"Don't worry, after graduation, lilinisin ko ang pangalan mo sa kanila. Aaminin kong hindi naman ikaw talaga ang ama ng anak ko. Please! I need you to pretend, para hindi nila ako patigilin sa pag-aaral! Sayang 'yung mahigit tatlong taon na ginugugol ko sa pag-aaral kung hindi naman ako makakagraduate dahil nabuntis ako!" mahaba kong paliwanag pero hindi pa rin siya sumagot at nanatiling nakatitig lang sa akin.
"Paano 'yung girlfriend ko, sige nga?" he finally broke the silence.
"Hindi niya kailangang malaman. Diba hindi naman 'yon uuwi dito sa Pinas? Sa France kayo magkikita diba? At kung sakaling malaman man niya, we can explain to her na hindi naman talaga ikaw ang ama. Sige na, Xy! Please!" patuloy kong pakikiusap sa kanya at halos lumuhod na ako sa harapan niya para lang mapapayag siya.
"No, Lyn!" walang pag-aalinlangan niyang sagot.
"Xy, please!"
"I'm sorry, hindi ko kaya 'yang pinapagawa mo!" pagdadahilan niya. "Tutulungan kitang sabihin 'yan kay Tita Angelina pero hindi ko magagawang magsinungaling sa kanila."
"Okay, pero pwede favor?" tanong ko habang may luha sa mga mata ko.
"Ano?"
"Wag mo'ko iwan," he immediately nodded.
...
Nasa Batangas ngayon sila mommy kasi may outing sial nung mga high school friends niya at sa sabado pa ang uwi niya.
Ayokong sabihin sa kanila through phone call or text dahil baka mapauwi sila ng maaga at salubungin ako ng malulutong na sampal.
"Pwedeng samahan mo akong sabihin sa kanila sa sabado?" tanong ko kay Xylus na ngayon ay abala sa binabasang libro.
"Sige," sagot niya at inilipat ang pahina ng libro. "Pero sabihin mo na sa kapatid mo ngayon din para matulungan ka rin niya."
"Out of town din si kuya kasama 'yung girlfriend niya diba? Halos sabay-sabay lang silang uuwi sa sabado eh."
Napabuga naman siya ng hangin at marahang hinilot ang sentido niya.
"Sumasakit ang ulo ko sayo, Lyn." Napapailing niyang sabi habang nakapikit.
"Tulungan mo na lang kasi ako!"
"Hindi nga pwede! Kapag nalaman ito ni Maxine at naghiwalay kami, ako ang magsasabit sayo patiwarik!" pananakot niya at medyo napalakas ang boses niya kaya pinagtinginan tuloy kami ng mga tao dito sa library.
Napatingin pa kaming dalawa sa paligid at sabay na nagkatinginan sa isa't isa bago naghilaan palabas ng library.
"Mabait naman si Maxine ah? I'm sure, she'll understand," muli akong nagsalita nang makalabas kami.
"You don't get it, Lyn. Galing si Maxine sa isang broken family diba? Her dad got her mistress pregnant and left her and her mom. Maxine is an overthinker person, kapag nalaman niya ang pinapagawa mo sa akin, baka iba ang isipin niya kahit pa iexplain ko sa kanya na nagpapanggap lang naman tayo," paliwanag niya at halata na rin ang pagkairita sa boses niya.
Gosh, I envy Maxine.
Kung katulad lang ng boyfriend ko si Xylus, siguro hindi ako natataranta kakaisip ng solusyon.
Magkakilala na rin naman kami ni Maxine. I once met her one summer.
Nagbakasyon siya dito sa Pinas nang ilang linggo para makasama si Xylus at minsan ay nagb-bonding din kaming dalawa.
Malaki ang tiwala niya sa aming dalawa dahil alam niyang kaibigan at parang kapatid lang ang turingan namin ni Xylus at alam niyang may nobyo na rin ako nung mga oras na 'yon.
Kilala ko na si Xylus simula sampung taong gulang pa lang kami at halos sabay na rin kaming lumaki.
Isa rin sa mga dahilan kung bakit malaki ang tiwala sa akin ni Maxine ay dahil ako ang tumulong kay Xylus para maging sila.
Sa tuwing natatambaka ng mga school works si Xylus ay ako ang laging nag-aasikaso ng mga regalong ipapadala niya para kay Maxine. Tapos sa tuwing may special occassion silang dalawa at tambak siya ng gawain sa school ay ako lagi ang sumasalo ng mga school works niya, makapagdate lang sila virtually.
Xylus did a lot for me too in the past. He even helped me escaped my parents' house one night just to see my boyfriend.
I admit that I do have a crush on him when we were kids but I was always afraid to tell him my feelings thinking that I will get rejected and it can tore our friendship.
Pero ngayon, masaya ako para sa kanila ni Maxine.
She's the most kind person I had met. Hindi niya deserve ang masaktan.
To be continued
BINABASA MO ANG
Instant Daddy✓
General FictionCOMPLETED STORY "Ano?! Ako? Magiging ama ng anak mo?! Ilang katol ang tinira mo at nasiraan ka ng ulo?!" "Please! I need your help! Itatakwil ako ng mga magulang ko kapag nalaman nilang walang ama itong ipinagbubuntis ko!" ... Carlyn Andrada, a gra...