Epilogue

923 24 3
                                    

-Five Years Later-

Carlyn's POV

"Mommy!" Napalingon ako sa may pintuan ng kusina nang marinig ko ang malakas na sigaw ng anak ko.

Umiiyak ito habang tumatakbo papalapit sa akin.

"Nak, what's going on?" Pinatay ko muna ang kalan at lumuhod para salubungin siya.

Yumakap ito sa leeg ko kaya naman ay nabuhat ko siya agad.

"H-hindi ako love n-ni daddy!" ngawa nito habang nakabaon ang mukha niya sa gilid ng leeg ko.

"What?" gulat kong tanong.

"He said, he doesn't love me," she mumbled.

"I did not say that," tutol ni Xylus na kakarating lang sa pwesto namin.

"Yes, you did!" agad na sabi ng anak ko.

I looked at him, confused of what is going on.

"Love, I did not say that--- all I said was she can't have anymore chocolates!" he explained.

"That's the same, dad!" reklamo ni Xylyn at mahina naman akong natawa.

Pinakalma ko muna ang anak ko at pinatigil sa pag-iyak bago ko siya ibinaba at kinausap.

"Your dad is right, you can't have anymore chocolates, sweetie. Sige ka, sasakit ulit 'yang ngipin mo. Gusto mo ba 'yon?" she slowly shook her head while sniffling. "Hindi naman pala eh. At tsaka, daddy loves you so much. Why would you think he doesn't love you?" tanong ko at hinaplos ang kanyang pisngi.

Hindi naman siya makaimik at nanatili lang nakayuko.

Lumuhod na rin si Xylus para makapantay ang bata.

"Nak, come here," he held her tiny hand and pulled her closer to him.

"Remember, daddy loves you so much. I'm willing to give you everything. Just not right now, kasi magagalit ang mommy mo tapos ikaw din ang mahihirapan kapag sumakit ang ngipin mo. Kapag pinagbawalan kita sa isang bagay, it doesn't mean that I don't love you. Inaalagaan lang kita para hindi ka magkasakit o mapahamak. Ganun kita kamahal, anak," mukhang naintindihan rin naman ni Xylyn ang sinasabi ng daddy niya dahil agad din itong tumango at yumakap sa kanyang ama.

"I'm sorry, daddy. Please don't hate me," bulong ni Xylyn nang kargahin siya ni Xylus.

"It's okay, my love. And no, I will never hate you. I will always love you no matter how many mistakes you do." Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko nang bigla akong hilain ni Xylus para makisali sa yakap nila.

From the moment that she was born, pinaramdam na agad ni Xylus ang pagmamahal niya kay Xylyn.

Nung mga araw na nagpapahinga ako sa ospital, si Xylus ang nag-aalaga sa kanya. Kapag pagod na pagod naman ako ay inaako niya ang mga dapat kong gagawin.

On those sleepless nights I had, lagi siyang nasa tabi ko, tinutulungan ako sa pag-aalaga sa baby namin.

He was always there for me and for our daughter.

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon