Chapter 12

604 14 1
                                    

Xylus' POV

"So, nasaan 'yung boyfriend mo, Lyn? Bakit mag-isa ka lang dito?" takang tanong ni Maxine at napatingin pa sa paligid.

"Ah, wala na akong boyfriend. Hiwalay na kami," she casually answered.

"Oh, he's the father of the child?" Lyn nodded. "Bakit? Anong nangyari?" curious na tanong ni Maxine.

"Let's just say, it didn't worked out for us."

"Oh, I'm sorry."

"It's okay. Kamusta ka na?" pag-iiba niya ng usapan.

They kept on talking while I think of a way to tell her the truth.

Hindi nagtagal ay kinailangan na rin namin umuwi dahil magdidilim na at ihahatid ko pa si Maxine pabalik dun sa hotel kung saan siya nakacheck-in.

"Uhm, Maxine?" I broke the silence between us. "I have to tell you something."

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalita pero...

"I know everything," pangunguna niya.

"W-what?" I asked, almost in a whispered tone.

"The act. Alam ko," she looked at me with a faint smile.

Itinigil ko muna ang sasakyan sa gilid ng daan bago siya nilingon.

"How?"

"Naalala mo si Emmy?" she asked, still looking at me.

Oh no.

"Nagkita kami sa France bago ako umalis papunta dito," she admitted. "It turns out, she was not pregnant at all. Tapos nung tinanong mo ako tungkol dun, I already have a hunch. I just didn't mind it since I know you won't do it. But I guess, I was wrong," pagkwento niya na mas nagpaawang ng aking bibig.

"Why did you kept silent?"

"I want you to admit it first. Gusto ko marinig sayo mismo na totoo ang nasa isip ko," tears began to flow.

I don't what to say.

Kung kanina, ang dami nang salita na nakahanda pero ngayon, natameme ako bigla.

Napayuko na lang ako bigla habang unti-unti na akong nilalamon ng kunsensiya.

"Naging panakip butas lang ba talaga ako para makalimutan mo si Carlyn?" she suddenly asked making me look at her again.

"Never. I loved you," I answered. "Minahal kita hindi para kalimutan ko si Lyn."

"Minahal mo ako dahil ano? Ako 'yung laging nasa tabi mo? 'Yung laging nangungulit sayo?"

I shook my head.

"Minahal kita nang walang rason. I know I'm an asshole for making you feel that way, but believe me, minahal kita ng buong-buo."

"Pero ngayon, si Lyn na?" ilang minuto pa akong nanatiling tahimik bago unti-unting tumango bilang sagot.

A couple of tears stream down her face as she looks away while whimpering.

"I guess we weren't really meant for each other," she mumbled and faked a laugh. "Alagaan mo siya ng mabuti ha."

"I'm sorry," I whispered.

"No, don't be," she smiled at me. "It's not your fault that we aren't meant for each other. Three years is enough for the suffering, Xy. It's time to let go."

She took a few deep breaths before talking again.

"Masaya akong nakilala at nakasama kita, Xy. That's good enough for me," I could feel my eyes getting wet.

I didn't imagine it will end up like this.

"Take me back to the hotel na. Kailangan ko nang mag-ayos, my flight back to France is tonight."

Hindi na ako nakapagsalita pa at pinaandar na lang ulit ang sasakyan.

Malapit na lang din naman kami sa hotel kaya hindi na kami inabot pa ng ilang oras sa daan.

Sa parking lot na ako pumarada at nang makababa kaming dalawa ay kaagad niya akong dinambahan ng yakap.

I could feel her crying on my shoulder again while hugging me so tight.

Kusa na ring yumakap ang mga braso ko sa kanya habang hinihimas din ang kanyang likod.

"Je vous aime," she whispered in my ear.

(I love  you)

"Je suis désolé."

(I'm sorry)

Makalipas ang ilang minuto ay lumayo na rin siya sa pagkakayakap sa akin tsaka unti-unting naglakad palayo.

...

She really left that night. We cut all our connections with each other after that and she's the one who cancelled our wedding.

I feel sorry for her, she didn't deserve this. But, it's for the best for all of us.

"Bro, ito na 'yung singsing." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at agad bumungad sa akin si Ethan dala ang maliit na pouch bag.

Nang kunin ko sa kanya ito ay agad ko itong binuksan at bumungad naman sa akin ang isang red box at sa loob nito ay isang kumikinang na silver ring.

"Thank you, bro. Handa na 'yung venue?"

"Yup. Handa na ang lahat. Oo na lang niya ang hinihintay." Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"I owe you a lot, dude. Thank you so much."

"It's no big deal. Kung saan ka masaya, suportado ako."

To be continued

______________

I'm officially out of ideas, y'all. All on-going stories will be on-hold for the meantime and maybe I'll start updating again next month? But for now, I'm sorry kung nabitin kayo.

I promise to make it up to you by the time I come back.

That's all for this update, thank you and I'm sorry.

-YourAuthorJaz

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon