Chapter 8

448 18 0
                                    

Carlyn's POV

Dismissal time.

Magsasama na naman kami sa isang lugar. Simula nung naghalikan kami nung araw na 'yon ay hindi na ako nabalik sa tamang wisyo.

Lagi na akong kinakabahan sa tuwing kasama ko siya o 'di kaya ay magkausap kami. Ultimo 'yung pagtingin ko lang sa kanya ay halos mamatay na ako sa kaba.

Napasandal na lamang ako sa pader habang hinihintay na dumating si Xylus dala ang kotse niya.

I caressed my tummy and took a deep breath before sighing

I'm already in my fifth month and my belly is bearly noticable since my uniform is quite wide.

Sa susunod na buwan naman ay maraming magaganap.

Graduation namin, gender reveal party ng baby ko at syempre, ang pag-alis ni Xylus at pag-amin ko sa ginawa naming pagpapanggap.

Ayoko siyang umalis. I want him all for myself. Ayokong iwan niya ako.

Abalang-abala ako sa pagmumuni at hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala si Xylus.

"Are you okay?" he asked and took my bag from me.

"Y-yeah," sagot ko at nauna na sa sasakyan niya.

Nang makapasok kaming dalawa sa loob ay agad din niya naman itong pinaandar tsaka kami umalis.

Tulad dati ay tahimik lang kaming dalawa sa loob at parehas lang nakatitig sa daan.

"Lyn,"

"Xy," sabay pa naming tawag sa isa't isa.

"You go first," ani niya.

"No, ikaw muna," I insisted.

"Lyn, uhm," I saw him gulped. "P-please stop avoiding me," tila pakiusap niyang sabi.

"Huh? I-I'm not," sagot ko. "It's just, n-nahihiya ako dahil sa ginawa ko." Nakayuko kong sabi habang nilalaro ko ang mga daliri ko.

He then held my hand and spoke again.

"Ayoko ng ganito," sambit niya at itinigil muna sa tabi ang sasakyan. "Ayoko nang hindi tayo nagpapansinan. Let's just forget what happened that day. Let's just pretend it didn't happen," mungkahi niya habang hawak ang kamay ko at titig na titig sa aking mga mata.

"Please."

...

The whole ride back to my house was total silence.

Walang ni-isa sa amin ang nagsalita.

The ten minute drive back to my home felt like hours.

Nang pumarada na siya sa tapat ng gate namin ay kaagad ko ding inayos ang mga gamit ko at lalabas na sana nang ilock niya ang pinto.

"What the---" I froze in my position when I felt him hugging me tight.

What the fvck?!

"Xy, a-anong ginagawa mo?" I mumbled when I felt his hot breath on my nape.

Patalikod niya akong niyayakap at ramdam na ramdam ko ang pag-iingat ng mga braso niya sa pagyakap sa may tiyan ko.

"Xy," I called him again.

He didn't respond.

"Xylus," may halong pagbabanta na sa boses ko pero hindi pa rin siya nagpatinag.

"Let's have a vacation. Just the two of us."

...

True to his words, here we are, having a break from all the problems we have.

Nasa isang rest house kami na pagmamay-ari ng lolo at lola niya dito sa Batangas.

Dito niya napiling magbakasyon kasi malapit lang at halos dito na siya naninirahan tuwing summer break o kahit anong holiday sa school.

"Ah!" mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pagkilos ni Xylus nang marinig niya akong dumaing.

"What's wrong?! Are you okay? Nahulog ka ba?!" taranta niyang tanong.

Saktong nasa hagdan kasi ako at pababa na sana nang sumakit bigla ang tiyan ko.

"Relax ka lang, wag kang OA," irap ko dito.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong niya at halata pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.

Hindi ako sumagot at kinuha na lamang ang kamay niya tsaka ito ipinatong sa tiyan ko.

"Anong meron---" his eyes widened as I felt another kick coming from my baby.

Nakaawang lang ang bibig niya habang titig na titig sa tiyan ko habang ako naman ay damang-dama ang bawat sipa ng anak ko.

"Oh my god," tila napapaos niyang sabi. "Shit, she's really kicking?" his eyes lit up as he looked at me.

Napangiti naman ako habang siya naman ay muling napatingin sa tiyan ko nang sumipa ulit si baby.

"We still don't know if it's a she," I chuckled while looking at him as he caressed my belly.

"I have a strong a feeling that it will be a girl."

"Ayaw mo talagang bitawan 'yang hula mo ah." Natatawa kong sabi at ngumiti lang siya habang nakatingin pa rin sa tiyan ko.

Nang tumigil na sa paggalaw ang anak ko ay tinulungan na ako ni Xylus na makababa ng hagdan papunta sa sala.

"Do you want something?" tanong niya habang inaalalayan akong umupo.

"Pwede ba tayong mamasyal?" iyan agad ang tinanong ko dahil sobrang nababagot na ako dito sa bahay.

"Sure, pero mamaya na. Masyadong mainit pa sa labas, baka mapano kayo ni baby," he again caressed my belly.

Siguro nag-eenjoy na si baby sa loob ng tiyan ko kasama 'yung mga paro-paro.

...

"Xy, tignan mo 'yon oh! Ang kyut!" nanggigigil kong sabi habang tinuturo 'yung panda stuff toy na nakita ko.

"You want it?" he asked.

"Yes, pero ako na ang magbabayad!" pangunguna ko at mahina naman siyang natawa.

"Okay, fine. Tara na," he held my waist and we both walked towards that store.

Bago ko pa man din malapitan 'yung stuff toy ay agad akong naaliw sa iba pang mga laruan na nandun.

Punong-puno na ng stuff toy 'yung nursery para sa anak ko pero tila gusto ko pa ring bumili para marami siyang malalaro hanggang sa lumaki siya.

Kahit pa gustong-gusto ko kunin 'yung mga stuff toys na nakikita ko ay mas pinili kong pigilan ang sarili at lapitan na 'yung panda na kanina ko pa nakita.

May kalakihan ito at sobrang lambot din kaya sigurado akong mag-eenjoy ang anak ko dito.

As I was grabbing it, another hand landed on the toy.

"Sorry, ako nakauna---" natigil ako sa pagsasalita nang magtama ang tingin namin ng taong nasa harapan ko ngayon.

"Carlyn?" tila gulat niyang tanong habang nakatitig pa rin sa akin.

"Marco?" nag-iba ang itsura ng hayop na 'to ha.

He then looked at my bump with full of amusement.

"Is that..." he pointed to my belly.

"It's not yours," mariin kong tanggi at binitawan ang stuff toy.

"What?" naguguluhan niyang tanong.

"It's mine," buong tapang na sabi ni Xylus nang makalapit siya sa pwesto namin.

"Xylus?" tila mas lalo siyang naguluhan nang makita si Xylus. "Lyn, you were cheating on me?" agad namilog ang mga mata ko dahil sa gulat at mariin itong tinanggi.

"Fvck you," malutong kong mura. "You left me when you found out that I was pregnant with our child. Xylus here is the one who'd been by my side throughout my pregnancy. Simula nung tumakas ka sa responsibilidad mo ay parang pinutol mo na rin ang koneksiyon niyo ng anak ko. So, don't even bother calling this child yours," I held onto Xylus' arm as we both left him standing there shocked.

He deserves every shit in this world, but he will never deserve my baby.

To be continued

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon