Chapter 5

502 13 0
                                    

Carlyn's POV

Nakailang buntong hininga na ako? Isa? Tatlo? Lima? Sampu?

Bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Bakit ganito 'yung pinaparamdam niya?

"Pasok!" Sigaw ko habang nakatihaya pa rin sa kama.

Unti-unti namang bumukas ang pinto kaya lumiwanag ang paligid at agad kong natanaw ang anino ng pumasok.

"'Nak?" Napabangon ako nang marinig ko si mommy na nagsalita.

"Po?" I asked and lay down again.

"Kanina ka pa matamlay, what's wrong?" tanong niya at naupo sa gilid ng kama.

"Wala 'to, 'mi. Pagod lang ako," pagdadahilan ko para hindi na siya mag-alala pa.

"Wag ako. Alam na alam ko 'yang mga galawan mo. Inlove ka na?" kahit madilim ay natanaw ko ang ngisi niya.

"Laking tulong mo, 'mi," pilosopo kong sabi.

"Seryoso ako, tangeks. Ano nga? Bet mo na?"

"Sino ba kasing hindi mahuhulog sa kanya, 'mi? Ang gwapo na, maalagain na, mabait pa. Full package na!"

"Ayun, signs of being inlove," she held my chin.

"Eh, ano nga'ng gagawin ko, 'mi? May girlfriend na siya. Ayoko namang lokohin si Maxine." Bumangon na ako habang si mommy ay hinawakan naman ang kamay ko.

"It's up to you if you want to risk it or not. Every decision has its consequence, anak. Kahit maganda man 'yan o hindi, laging may kapalit 'yan. But for me, I don't want you to get into trouble. Alam natin pareho na mahal ni Xylus si Maxine at ganun din si Maxine sa kanya. It hurts to say it but, wala kang laban."

"I know, mom," I sighed. "Why is it so unfair? I mean, they get to have someone who will love them and me? My loser ex left me with our child."

"Hey, hindi kita pinalaki para maging miserable. Nandito kami ng daddy at ng kuya mo na nagmamahal sayo. And that child you're carrying," she caressed my belly. "Malay mo, siya ang magbibigay ng pagmamahal na hinahanap mo," she smiled at me and held my cheek.

"Hindi lahat makukuha mo, Lyn. Minsan, 'yung bagay na gusto mong makuha, lalong inilalayo sayo. Pero hindi ibig sabihin ay ayaw ng Diyos na sumaya ka. Kaya niya 'yon inilalayo ay dahil may mas maganda siyang ibibigay sayo na alam niyang dun ka mas sasaya. Never settle for less, honey. You are more worth it than you think you are."

...

"Can you hear the heartbeat?" tumahimik siya saglit para mas marinig ko ng maayos ang tibok ng puso ng baby ko na nagmumula sa machine.

I flashed a smile while looking at my baby through the monitor.

"Tears of joy?" she chuckled when she glanced at me.

Mahina naman din akong natawa tsaka pinunasan ang luhang pumatak mula sa mga mata ko.

Ilang saglit ko ding tinitigan ang monitor hanggang sa parehas kaming lumingon sa may pinto nang may kumatok dito at agad din namang binuksan nung kumatok.

"Doktora, nandito po 'yung asawa ni ma'am," pagbibigay-alam ng nurse sa amin at agad ding pumasok 'yung tinutukoy niya.

"Sorry, I'm late," tila hinihingal niyang sabi at lumapit sa akin tsaka nakipagbeso sa akin sa pisngi.

"Oh, it's nice to finally meet you. I am Dra. Morano, Ob-gyne ni Carlyn," pakilala ni doktora at naglahad ng kamay habang si Xylus naman ay mabilis din itong tinanggap.

"Xylus Asuncion. It's nice to meet you too, doc."

"Oh, are you not married yet?" she asked with curiousity.

Siguro napansin niya na magkaiba ang mga apelyido namin.

"Not yet, doc. Pero ngayong taon po ang kasal namin," he casually answered and caressed my head.

"Well, congratulations in advance for the both of you."

Ngumiti lang kami parehas sa kanya at halos sabay na tumango.

Pagkatapos ng checkup namin ay dumeretso naman kami sa mall para bumili ng mga supplies para sa project namin sa school.

"Okay ka lang, Xy?" tanong ko nang mapansin kong hindi mapakali si Xylus habang naglalakad kami.

"U-uh, yeah," pilit siyang ngumiti habang nakatingin sa akin.

Something's off...

Hindi ko na lamang ito pinansin at nanahimik na lang hanggang sa makarating kami sa bilihan ng mga school supplies.

Konti lang naman ang mga binili namin kaya mabilis kaming umalis dun at papunta na sana sa parking lot nang may madaanan kaming store na nagbebenta ng mga baby stuffs.

"Gusto mo tumingin?" tanong niya nang saglit akong matigilan sa harap ng store.

Bigla naman akong na-excite kaya agad akong tumango at hinila siya papasok sa loob ng store.

"Good afternoon po!" masiglang bati sa amin ng mga saleslady.

Binati rin namin sila pabalik at nagsimulang magtingin-tingin ng mga gamit.

"Xy, tignan mo 'to oh! Ang kyut!" nanggigigil kong komento nang lapitan ko ang isang pink and white colored crib.

"I have a feeling that it will be a girl," hula ni Xylus habang nakangiti tsaka lumapit sa akin.

I do hope that it is a girl.

Hindi pa namin alam kung anong gender ni baby pero sabik na sabik na akong bumili ng mga gamit.

Next checkup pa namin malalaman kung anong gender ni baby pero sabi ni dok, hindi pa 'yon fully accurate.

"Kunin na natin?" tanong bigla ni Xylus habang pinagmamasdan ko ang crib.

"Ha? Eh, wala akong dalang pera."

"Ako na, gift ko na 'yan para kay baby?" Pagprisinta niya at nagtawag ng empleyado.

"Ha? Sure ka?" alanganin kong tanong.

"Yup." Nakangiti niyang sagot tsaka nilingon 'yung empleyadong na lumapit sa amin.

Nang makakuha na kami ng crib ay dinala na 'yon sa cashier habang kami naman ay tumingin-tingin muna ng iba pang mga gamit para alam ko na kung ano ang babalikan ko sa susunod na bumalik kami dito.

"Lyn," I turned around when I heard my name and saw him holding a teddy bear almost half his size.

Napangiti naman ako at kaagad lumapit sa kanya tsaka hinaplos ang laruan.

"Do you like it?" tanong niya habang nakatitig ako dito.

I want it.

Balak kong bumili rin ng playpen para kay baby tapos dun ko ilalagay 'yung ibang mga laruan niya.

Malaki-laki rin naman ang inihanda naming nursery room dun sa bahay kaya kasyang-kasya ang mga gamit niya dun.

"I guess that's a yes," muli siyang nagsalita at hinawakan na ang kamay ko tsaka ako hinila papunta sa cashier.

"Teka lang---"

"We'll buy it," maawtoridad niyang sabi.

Edi shing.

To be continued

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon