Chapter 11

547 16 2
                                    

Xylus' POV

"Bro, nakausap na namin 'yung doktor ni Lyn. Ligtas na daw sila," bungad ni Ethan nang makapasok silang dalawa sa private room ni Lyn.

I watched her as she sleeps so peacefully. Damn, I don't know what will I do if something happens to them.

Hindi ko na sinagot pa 'yung dalawa at nanatili lang nakatitig sa kanya habang hawak ang kanyang kamay.

How can I leave her? Pakiramdam ko ay may mangyayaring masama sa kanya sa oras na iwan ko siya.

"Siya nga pala," pagkuha ni Ethan sa atensyon ko. "Tumawag si Maxine. Tinanong niya kung ngayon ba daw 'yung flight mo," he added.

"Pakisabi sa kanya, may inaasikaso lang ako pero pupunta din agad ako dun."

"Iiwan mo si Lyn?" tanong ni Aika.

"I'll leave after she recovers," I kissed the back of her palm while still looking at her beautiful face.

I can't wait to fix everything.

...

"Hi," malumanay kong bati nang imulat niya ang kanyang mga mata.

"You didn't left?" halos pabulong niyang tanong.

I shook my head and sat on the chair next to her bed.

"Don't worry, ligtas kayo ni baby," pinangunahan ko na siya na agad niya namang ikinangiti. "Do you want anything?" I asked while helping her sit up.

Umiling naman siya at sumandal na sa unan na nasa likod niya.

"B-baka hinihintay ka na ni Maxine," nahihiya niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Nah," I answered and looked at her hand and held it. "You're my priority," I said and kissed her hand.

"Xy," she mumbled. "Ano ba talaga tayo?" saglit akong natigilan nang ibato niya ang tanong na 'yon sa amin.

Ano nga na kami? Friends with benefits?

Ito na ba 'yung oras para umamin?

"Parallel lines," sagot ko at halos matawa ako nang biglang kumunot ang noo niya.

"Please, graduate na tayo. Wag mo na akong pahirapan," pakiusap niya at dun na ako natawa.

"Well," I cleared my throat. "We are like parallel lines. Kailanman ay hindi nagtagpo ang landas nating dalawa. We're friends, yes. But our paths never cross each other's heart. You're more than just a friend to me, Lyn."

I stopped for a minute as I felt my cheeks heating up.

"I... like you," I feel like I'm blushing. "I have been liking you for a very long time. Sounds cheesy but that's what I feel," tuloy-tuloy kong pag-amin.

She remained quiet while looking at me, shocked.

"Now, I don't like you," agad kong pinigilan ang namumuong tawa sa sistema ko nang makita ang kanyang itsura na tila ba binagsakan ng langit at lupa.

"T*ngina mo ba?" parang naiiyak na niyang sabi.

"Let me finish first," giit ko at iniwasan ang paparating na hampas mula sa kanya. "I don't like you anymore 'cause I love you," I smiled but all I got was a hard punch on my arm.

"Corny mo, g*go!" by this time, she's already crying.

I couldn't help but laughed at her and eventually hugged her to calm her down.

"Mahal kita," I whispered while her face is burried on my chest.

"Mahal din kita," I completely froze because of what she said.

Mahal niya din ako...

Shit! Mahal niya din ako!

"Hoy! Ano ba? Nag-lag ka ba?" pang-aasar niya at nag-angat ng tingin.

I looked down at her and stare directly into her teary eyes.

Gosh, it's pulling me into a deep fantasy. She suddenly smiled and my heart went mad.

Ang lakas ng charm ng babaeng 'to sa akin.

...

"What?" she asked while she's eating some fruits.

I was literally staring at her and didn't even realized it.

"Nothing," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

Pangatlong araw niya na dito sa ospital at sabi ng OB niya ay pwede ko na siyang ilabas mamaya.

Parehas kaming napalingon sa pintuan nang biglang bumukas ito at bumungad sa amin ang mga magulang ni Lyn.

"Oh, thank goodness, you're okay!" tila nabunutan ng tinik ang mommy ni Lyn nang makita ang anak nito na nasa maayos na kalagayan.

Ngumiti lang si Lyn sa kanyang ina at tinanggap ang mainit na yakap nito habang ang daddy niya naman ay lumapit sa akin.

"Akala ko, aalis ka na, hijo?" bulong niya para hindi maistorbo ang mag-ina.

"I can't leave her, tito. Pina-resched ko na lang 'yung flight ko pabalik ng France."

"Sigurado ka na ba talaga sa gusto mong mangyari?" tanong niya at agad akong tumango.

"Nothing can change my mind, tito. Sigurado na po ako sa anak niyo," desidido kong sabi habang nakatingin kay Lyn.

...

"Bro, nasaan ka?"

"Papunta kila Lyn. Bakit?" tanong ko habang hinahanap ang susi ng bahay ko.

"Si Maxine," panimula niya.

"Kinausap ko na siya. Next week na ako pupunta ng France," agad kong sabi at kinuha na 'yung mga dadalhin ko para kay Lyn tsaka naglakad patungo sa front door.

"Nandito siya sa Pinas," saktong pagbukas ko ng pinto ay agad siyang bumungad sa harapan ko na kakatok pa lang sana.

"Maxine?" I made sure that I wasn't imagining things.

"Hi, babe!" masigla nitong bati at agad akong dinambahan ng yakap.

"B-babe, what are you doing here?" tanong ko at agad pinatay ang tawag.

"Well, I came to visit you! Sabi kasi ni Ethan, baka next week ka pa makapunta ng France so here I am!" nagagalak niyang sabi habang malawak na nakangiti.

Maya-maya pa ay napatingin siya sa mga hawak ko at ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagtataka.

"Oh, where are you going with those..." she pointed to it. "Baby stuffs."

"U-uhm, they're for..." I lift them up. "They're for Lyn. You know her, right?"

"Oh yeah. Really, she's having a baby?" I nodded. "Good for her! I didn't knew she has a boyfriend."

"She had," pagtatama ko. "Come on in, mamaya ko na ito dadalhin kay Lyn," pag-imbita ko sa kanya at mas nilakihan ang bukas ng pinto.

"Why don't you bring it now? I'll come with you. Gusto ko rin makita si Lyn eh," she insisted.

Gusto ko pa sanang umayaw kaso mukhang ayaw magpaawat ni Maxine kaya isinama ko na lang siya papunta kila Lyn.

Mamaya ko na sasabihin sa kanya, when I have the chance.

"Lyn!" masigla niyang bati kay Lyn nang buksan niya ang pinto at si Maxine ang unang bumungad sa kanya.

Nang yakapin siya ni Maxine ay gulat akong tinignan ni Lyn na para bang tinatanong kung alam na niya.

I slowly shook my head while Maxine released her from her hug.

"Congratulations, Lyn! I'm so happy for you!" Nakangiting sabi ni Maxine habang hawak ang mga kamay ni Lyn.

"T-thank you, Maxine," sagot naman ni Lyn at alanganing ngumiti. "Pasok muna kayo."

Parehas naman kaming tumango at nauna na ang dalawa pumasok habang ako naman ay nakasunod lang sa kanila.

Maxine was clinging on Lyn's arm while talking about something.

God, how can I tell it to her?

To be continued

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon