Chapter 4

555 19 1
                                    

Xylus' POV

"Babe, look. What if, dito na lang 'yung reception ng wedding natin?" agad akong nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Maxine mula sa screen.

Napatingin naman ako sa kanya at hawak niya ang kanyang phone habang pinapakita sa akin ang picture ng isang venue.

"It's up to you, babe. I want you to have your dream wedding," I smiled at her.

"God, I love you so much. I can't wait to marry you!" she squeeled and hugged the plushie I gave her.

"By the way, babe. Can I ask for some advice?" I lied. I just want to see hee side.

"Sure. On what?" she curiously asked and looked at me impatiently.

"You know Emmy, right?" she nodded. "Well, she got pregnant and the father of her child ran away," panimula ko.

I know I'm lying...

"Oh, that's sad. Ano nang balita sa kanya?"

"Ayun, natatakot siyang sabihin sa parents niya 'yung tungkol sa bata lalo na't walang tatayo. So, she asked one of her guy friend, si Arvin, para magpanggap na father nung bata."

"Ohh, and then?" curious niyang tanong.

"Pinakilala ni Emmy si Arvin as the father tapos ngayon, nalaman ng girlfriend ni Arvin 'yung tungkol dun and she thought he was cheating. What can you say about it?"

"Well, for me, I get why the girl is mad. Arvin hid it from her instead of telling her the truth. Hindi rin naman siya ang ama so anong kinakatakot niya? He should have just explained the situation to her para wala nang gulo. I just hope they can fix it kasi ang pangit tignan nung mga relasyong nasisira dahil sa maling akala," madamdamin niyang paliwanag.

"Babe, napamahal si Arvin kay Emmy."

"Iyon lang," she chuckled. "Maybe, they aren't meant for each other. As for the girl, makakahanap rin siya ng lalaking magmamahal sa kanya."

"Okay, last question. Paano kung sa atin nangyari 'yon?" I asked. It got quiet for a moment.

"Kung mangyari man sa atin 'yon, syempre masasaktan din ako kasi pagpapanggap lang 'yung usapan kaso nagkatotoo eh. Pero tatanggapin ko pa rin kasi wala naman akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng turuan 'yung puso mo na mahalin ulit ako. But, babe. Please, don't let it happen," pakiusap niya sa huli. "Please, no secrets between us. I want you to be honest, kahit sobrang brutal 'yan, be honest with me."

"Of course, I will never do such a thing to hurt you," kung humahaba lang ang ilong kapag nagsisinungaling, siguro nag-ala
pinocchio na ako.

"I have to go na pala, may gagawin pa akong school project eh. Always remember that I love you so much! Tatawag ulit ako mamayang gabi. I love you, take care!"

"I love you and I miss you, babe. Always take care of yourself," I smiled at her and gave her a wave before ending the call.

I took a lot of deep sighs as I looked at my black screen.

Bakit nabuhay ulit ang akala kong namatay nang nararamdaman ko para sa kanya?

...

"You good?" I asked while tying her hair with a scrunchie.

Bigla na lang siyang nasuka sa kalagitnaan ng klase kaya heto, parehas kaming nasa loob ng cubicle.

Nakaluhod siya sa harapan ng inidoro habang naduwal samantalang ako naman ay nakaluhod din sa may likod niya habang hawak ang buhok niya.

"Do you think I'm okay?!" inis nitong sabi at inirapan pa ako bago muling dumuwal.

Nanahimik na lang ako at hinimas na lang ang kanyang likod habang hinihintay siyang matapos.

"Xylus, this is a girls' restroom," Aika appeared out of nowhere.

"I know. I can't leave her like this!" sabat ko habang nakatingin sa kanya.

"Stand up, ako na ang bahala sa kanya," utos niya at bahagyang pumasok sa loob ng cubicle kaya wala akong nagawa kundi tumayo na dahil siksikan na kami sa loob. "Bumalik ka na sa klase, ako na ang bahala kay Lyn," utos niya at siya na ang humawak sa buhok ni Carlyn.

I just nodded and went out of the restroom but before I could walk away, kusang tumigil ang mga paa ko sa labas lang ng restroom.

Hindi talaga ako mapakali hangga't hindi ko nakikitang okay si Carlyn.

Maya-maya pa ay lumabas na rin ang dalawa at pinupunasan pa ang bibig niya gamit ang tissue.

"Are you okay?" I asked and held her waist.

"Yeah."

"Gusto mo magpunta sa clinic? Pahinga ka muna dun," I suggested but she just shook her head.

"Okay na ako, tara na," she gripped on my arm and started walking.

Nang makabalik kami sa classroom ay kakatapos lang ng naiwan naming klase at pagkapasok namin ay agad kaming pinagtinginan ng mga kaklase namin.

They all know that Carlyn is pregnant and I'm the 'father' but some of them thinks that we're just pretending since they had saw her with her ex before.

Mabuti na lang din at walang nakakaalam sa kanila na may girlfriend ako sa ibang bansa dahil kung nagkataon, matagal na akong nasumbong kay Maxine.

...

"Hey, can we stop by dun sa convenience store malapit sa amin? I'm kinda hungry," pagkuha ni Carlyn sa atensyon ko habang nagmamaneho ako pabalik sa kanila.

"Diba tumawag si tita? Sabi niya, nakapagluto na daw siya. Bakit hindi ka na lang kumain dun?" tanong ko habang tutok pa rin ang paningin sa daan.

"Ayoko ng mga niluluto nila mommy sa bahay. Tsaka may hinahanap ako dun sa convenience store eh."

"Lyn, you know it's not good for you kung palagi kang nags-skip ng pagkain."

"I can't help it. Amoy pa lang, nasusuka na ako."

"What do you want then? I'll cook for you," I volunteered.

Oh wait, I don't know how to cook...

"Weh?" she asked suspiciously.

"Oo nga. Anong gusto mong kainin?" I asked again.

Xylus, you don't know how to cook, you idiot!

"Hmm," she hummed. "Gusto ko ng Sinigang. 'Yung sobrang asim!" parang bata niyang sabi habang nakatingin sa akin.

Mahina naman akong natawa bago iniba ang daan na tinahak. Sa grocery ang diretso ko para bumili ng mga ingredients.

After we bought the goods, we went straight to my home.

Ayaw niya daw umuwi eh.

"Himala, ang linis ng unit mo," komento niya nang mauna siyang pumasok sa condo ko.

"Ang sama naman nito, naglilinis kaya ako lagi 'no!" depensa ko at mahina naman siyang natawa.

Dumeretso na ako sa kusina at nilapag muna sa lamesa ang mga rekado bago kinuha ang cellphone ko at nagsearch kung paano magluto ng Sinigang.

Hindi naman sa hindi ako marunong magluto, it's just, I'm not confident about it.

I can't say that it's good but it's not bad as well.

Aishh, bahala na nga!

Habang abala ako sa paghuhugas ng karne at mga gulay ay nakarinig ako ng parang may tumutugtog sa sala.

Saglit akong sumilip at dun ko nadatnan si Lyn na naggigitara habang naka-indian seat sa sofa.

Did she just took my guitar from my room?

I just watched her strum the strings while mumbling a song. Our song.

God, am I falling for this girl?

Again?

To be continued

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon