Chapter 2

640 17 0
                                    

Carlyn's POV

"Ready na 'yung speech mo?" tanong ni Xylus habang nagmamameho papunta sa bahay namin.

I literally prepared a whole speech for my family.

Nagtext sa akin si mommy kanina na kakauwi lang daw nila kaya naman ay inaya ko na agad si Xylus na pumunta sa bahay pagkatapos ng klase namin.

"Relax, it's going to be fine," he reassured me when we entered our subdivision.

Habang palapit ng palapit kami sa bahay ay pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko.

Soon enough, we stopped infront of the gate.

Ilang minuto pa kaming nagtagal dun sa loob ng sasakyan hanggang sa lakas-loob na akong lumabas.

Nauna na akong naglakad papunta sa front door habang si Xylus naman ay nasa likod ko lang at dala ang bag ko.

Kakatok pa lang sana ako pero agad ding bumukas ang pinto at bumungad sa akin si mommy na mukhang papalabas pa lang.

"Oh, finally! You're here!" bati ni mommy at nakipagbeso sa akin tsaka sinulyapan si Xylus. "Hi, hijo. I'm glad you came!" masayang tugon ni mommy at nakipagbeso rin kay Xylus.

"Hi, tita. It's nice to see you again." Nakangiting sabi ni Xylus at bahagyang sinulyapan ako.

"Me too! Oh siya, tara na at nang makapaghapunan na tayo," pag-aaya niya at nauna nang pumasok sa loob.

Walang imikan kaming sumunod ni Xylus hanggang sa makarating kami sa dining room kung saan naghihintay si daddy at sila kuya.

"Mabuti at nandito na kayo. Maupo na kayong dalawa," pag-imbita niya at itinuro ang mga bakanteng upuan.

Throughout the dinner, we casually talked about random stuffs but I never got the chance to squeeze in the news about my pregnancy.

Pagkatapos kumain ay nagtungo naman kami sa sala para ipagpatuloy ang kwentuhan habang kumakain ng dessert.

"Siya nga pala, Lyn," pagkuha ni daddy sa atensyon ko. "Napag-usapan namin ng mommy mo na siguro sa US ka na lang magtrabaho pagkatapos ng graduation mo."

"Since IT naman ang course mo, matutulungan ka ng Tita Ellie mo dun sa Amerika," si mommy naman ang nagsalita.

She's referring to her sister who is also an IT graduate.

Bahagya pa akong siniko ni Xylus na para bang sinasabi niyang aminin ko na.

"U-uh, mom? Dad?" I gulped when they looked at me.

"Yes, honey?" tanong ni mommy.

"M-may sasabihin po ako," panimula ko at tinignan na rin si kuya at ang girlfriend niya.

"Ano 'yon?" tanong ni daddy kaya muling bumalik ang tingin ko sa kanya.

I gulped so many times before saying those two words.

"I-I'm pregnant," mahina kong sabi.

Silence filled the room then suddenly, my mom dropped her fork to the ground along with the cake stuck on it.

"Pardon?" dad asked.

"I'm pregnant," pag-uulit ko pero mas nilakasan ko na ang boses ko.

Again, silence.

My mom then stood up from her seat and went straight to me then slapped me across my face.

No words were coming out of her mouth but her teary eyes already said it all.

She's disappointed.

"Sino ang ama?" dad finally spoke.

Hindi naman ako makapagsalita dahil dinadamdam ko pa ang hapdi ng pisngi ko at ang mainit na mga luha na nagmumula sa mata ko.

"Carlyn, who got you pregnant?!" dad's deep voice echoed through the whole room sending shivers down to my spine.

"Dad, calm down," pag-awat ni kuya kay daddy na kulang na lang ay sumabog na sa galit.

"Carlyn, answer me!" Sigaw niya at tumayo na mula sa sofa.

"Dad---"

"Ako po, tito."

We all looked at him in shock.

"Dad!" sabay-sabay naming sigaw nang biglang sinapak ni daddy si Xylus sa mukha tsaka ito kinwelyuhan.

"Walanghiya ka! Ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko tapos bubuntisin mo lang?!" malutong niyang sabi habang mahigpit ang pagkakahawak sa kwelyo ni Xylus.

My brother and I stopped him from strangling Xylus.

"I trusted you, yet what did you do to my daughter?!" patuloy na pagsigaw ni daddy habang nilalayo siya ni kuya mula kay Xylus habang ako naman ay tinulungan na makatayo si Xylus at dun ko lang napansin ang gilid ng labi niya na nagdudugo na.

"Patawad, tito. Pero hindi ko po iiwanan ang anak niyo. Hindi ko po sila papabayaan," patuloy na pagsisinungalin ni Xylus habang hawak ang panga niya.

Tarantado ka, Xylus! Anong ginagawa mo?!

"Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang mo kapag nalaman nila ito, Xylus? Jusko, santisimo! Aatakihin kami sa inyo eh!" si mommy naman ang nagsalita habang inaawat na rin si daddy sa pagwawala.

We all fought for a few minutes until it ended up in a short discussion and my parents agreed on one thing.

Ikasal ako kay Xylus.

"Aray!" Sigaw ni Xylus habang ginagamot ko ang sugat niya.

"Tama lang 'yan! Sa ating dalawa, ikaw ang mas tanga eh!" panenermon ko dito.

"Excuse me? Hindi ba't ikaw ang nagpumilit na magpanggap ako bilang ama ng anak mo? Bakit mo'ko sinisisi ngayon?" masungit niyang tanong.

"Diba humindi ka? Bakit nag-ala jollibe ka kanina ha?"

"Eh, wala ka nang masagot kanina tsaka naisip ko na baka bugbugin ka pa ng tatay mo kapag sinabi mong tinakbuhan ka ng ama ng batang 'yan," sabi pa niya at itinuro ang tiyan ko. "You should be thanking me!" he added and winced again when I put some ointment on his wound.

"So, anong balak mo ngayon lalo na't desidido silang ikasal tayo sa isa't isa?" I asked again.

"Ituloy natin 'yung plano mo. After graduation, aalis na ako ng bansa at ikaw na ang maglilinis ng pangalan ko," I just nodded in response and continued treating his wound.

Pagkatapos kong gamutin ang sugat niya ay tinago ko na rin nag medkit tsaka siya hinatid pabalik sa kotse niya.

My parents were nowhere to be seen. As well as my brother.

Umalis agad ang mga magulang ko kanina pagkatapos ng pag-uusap namin samantalang si kuya naman ay hinatid pauwi si ate.

"Ako dapat ang ninong nito eh. Naging tatay pa talaga." Naiiling na sabi ni Xylus at bahagyang hinaplos ang tiyan ko.

"Ninong ka pa rin nito kapag ayos na ang lahat. Sa ngayon, instant daddy ka muna," I chuckled, pero binatukan niya lang ako. Mahina lang naman.

"G*go, mauna na nga ako!" masungit nitong sabi at binuksan na ang kotse niya.

"Ingat. Masiraan ka sana," I sarcastically said.

"Fvck you," he said while holding up his middle finger and a grin on his face.

"Back to you!"

He just shook his head then went inside his car and drove away.

Nang hindi ko na makita ang kotse niya ay sinara ko na rin ang gate at pumasok na sa bahay.

Ang chill naming dalawa, parang walang naganap na away kanina ah...

To be continued

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon