Chapter 9

470 16 0
                                    

Carlyn's POV

"It's a girl!" masigasig na sigaw ng lahat matapos magkalat ng mga pink confetti na nagmumula dun sa itim na lobo na pinaputok namin ni Xylus.

"I knew it!" Sigaw ni Xylus at halos magtatatalon na sa tuwa bago ako dinambahan ng yakap.

Muling nagpaputok pa ng mga confettis ang mga kasama namin pero hindi ito pinansin ni Xylus at patuloy lang sa pagyakap sa akin.

Halatang-halata talaga na sobrang saya niya.

The party went on for hours.

Samut saring congratulations ang natatanggap namin mula sa mga kamag-anak namin samantalang si Xylus naman ay halos mapunit na ang labi kakangiti kanina pa.

At ngayong gabi na ay hindi pa rin siya nauwi. Nasa kwarto na sila mommy at daddy habang lahat naman ng bisita ay kanina pa nakauwi at kami naman ni Xylus ay nakatambay lang dito sa sala.

I sat on the sofa and Xylus knelt infront of me and burried his face on my lap.

Kanina pa siya ganito at tila gusto nang matulog sa kandungan ko.

Habang nasa ganoong posisyon siya ay malumanay ko namang hinahaplos ang kanyang buhok habang nanonood ng palabas hanggang sa bigla akong nakaisip ng pwedeng pangalan ni baby.

Paano kaya kung ipagsama namin ang pangalan namin ni Xylus?

Xylyn...

"Xylyn would be a good name," he suggested, his head is still on my lap.

"Paano mo nalaman 'yung iniisip ko?" I curiously asked.

Kusa bang gumalaw 'yung bibig ko habang nagmumuni-muni ako?

"Huh?" he lift his head up. "You thought of the same name?" he chuckled.

Twin telepathy yarn?

"Oh, I guess she likes it," sambit ko nang maramdaman ko ang pagsipa ni baby.

Kaagad siyang kumilos at maingat na inilapat ang kanyang tenga sa tiyan ko.

I heard him chuckled when the baby kicked again.

"Xylyn Sapphire Asuncion," tila tumigil ang ikot ng mundo ko nang marinig ang ibinulong niya.

He used... his surname.

I know it's not a big deal, but... Is he willing to give his surname to my child?

"Do you like that?" muli akong napatingin sa kanya at saktong nagtama ang tingin naming dalawa. "Xylyn Sapphire."

"I love it," I commented and he smiled.

Are we inlove?

...

"Graduate na tayo!" maligalig na sabi ng iba naming mga kaklase nang makuha na namin ang mga diploma namin.

Yes, graduate na kami. Next up, ang pag-alis niya.

"Graduate na tayo." Nakangiti kong sabi kay Xylus nang harapin ko siya.

"Yeah." Nakangiti niya ring sabi pero halata sa tono niya ang lungkot.

Nang makuha ng section namin ang diploma naming lahat ay tsaka kami bumalik sa mga upuan namin para makakuha naman ng diploma 'yung ibang estudyante.

Maya-maya pa ay patapos na rin program at oras na para dun sa pagbabato ng cap sa ere.

This is what I've been waiting for. For four years of hardwork, it finally paid off.

"Congratulations, Class A!" Sigaw naming lahat kasabay nang pagbato namin ng mga cap namin sa ere.

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon