Chapter 13

504 14 1
                                    

Carlyn's POV

"Mag-isa ka yata ngayon?" tanong ni doktora habang nililigpit niya ang mga gamit niya.

"Ah, eh may inaasikaso po kasi si Xylus kaya hindi niya ako nasamahan," pagdadahilan ko at bumangon na mula sa pagkakahiga.

Sa totoo lang, hindi na kami nakapag-usap ulit ni Xylus simula nung bumisita sila ni Maxine sa bahay. And that wad four days ago!

Lagi akong inuunahan ng hiya sa tuwing gusto ko siyang makausap.

Nahihiya ako kasi malamang ay alam na ni Maxine ang nangyari at sigurado akong sinisisi niya ako dahil sinira ko ang relasyon nila.

I can't blame her, kasalanan ko rin naman.

"Konting buwan na lang at makikita niyo na rin ang baby niyo." Nakangiting ani ni doktora. "Have you thought of a name?"

"Xylyn Sapphire Asuncion."

"Meron na, dok. Pero hindi pa sure 'yon," hindi naman talaga ako sigurado kung apelyido nga ba talaga ni Xylus ang mapupunta sa anak ko.

"Well, you still have a few months to decide. Sa ngayon, doble ingat ka ha," bilin niya na ikinatango ko naman.

Saglit pa akong nanatili dun sa opisina niya at nang makuha ko na ang bago kong reseta ay tsaka lang ako nakalabas ng silid.

Lumilipad pa nga ang utak ko sa kawalan habang naglalakad palabas ng ospital.

Pagkalabas ko ng exit ay nilabas ko na rin ang phone ko para sana tawagin ang sundo ko nang may pumaradang sasakyan sa harapan ko.

Sasakyan ni Xylus...

Kaagad bumukas ang pintuan sa driver's seat at lumabas mula dito si Xylus na may dalang boquet.

"Hi," bati niya nang lapitan niya ako.

"What are you doing here?" iyan agad ang una kong nasabi habang gulat pa rin sa presensiya niya.

"Sinusundo ka. Diba, bilin ni doktora, wag kong pabayaan ang mag-ina ko?" he smiled and handed me the flowers.

"P-paano si Maxine?"

"We already went on our separate ways. Now, it's only you and me," he held my hand. "And our baby," he caressed my belly.

"Sigurado ka?"

"I'm a man of my own words. You know that."

It sounds so random but I want to cry. I'm actually tearing up right now.

"Don't cry, my love. Sige ka, mararamdaman 'yan ni Baby Xylyn," pananakot niya at mahina naman akong natawa.

He leaned closer and kissed my forehead while holding both of my cheeks.

I am so damn lucky.

...

"Love?"

I don't know, but something about that endearment always give me butterflies.

"Love, what are you doing?" Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses niya dun.

"Uh, inaayos ko lang 'yung crib ni baby," sagot ko habang pinapagpag ang unan.

Malinis at maayos naman talaga ang nursery para sa anak ko, hindi lang talaga ako mapakali at wala rin akong magawa kaya heto, nagkukunyaring busy.

"Aren't you suppose to be resting now?" tanong niya at napatingin pa sa wrist watch niya.

"Hindi naman ako pagod. At tsaka, kanina pa ako nakahiga sa kwarto eh."

"Hays, ang kulit talaga ng asawa ko," fvck?

Tila nanigas ang buong pagkatao ko dahil sa gulat hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit niyang hininga na tumatama sa batok ko samantalang ang mga kamay niya naman ay nakayakap sa bewang ko.

"A-asawa ka diyan!" ani ko dito at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.

"Why? Bagay kaya. Mrs Carlyn Analyn Asuncion. My surname perfectly fits your name," mabagal niyang sabi na tila ba ninanamnam pa ang bawat salitang binibigkas niya.

Maging ako ay natutuwa rin sa aking naririnig kaya hindi ko na napigilan ang angat ng magkabilang kanto ng aking labi.

"Gusto ko akong pakasalan?" I asked while laying my back against his body.

Hindi siya nagsalita at naramdaman ko na lang na gumalaw ang isa niyang kamay na para bang may kinuha siya sa kanyang bulsa.

"I want to ask you the same thing," he put his arm back where it was earlier but this time, he's holding something.

Napatayo ako ng tuwid at agad ding humarap sa kanya.

"A-are you serious?"

Ngumiti lang siya at umatras ng konti para makaluhod.

Wala pa nga siyang sinasabi pero naiiyak na agad ako.

"Oo na agad!" I yelled and we both laughed.

"Wala pa nga eh," giit niya at hindi pa nga nabubuksan ang maliit na box na hawak niya.

"Oo na! Papakasalan kita!" kahit mangiyak-ngiyak na ako ay nagawa ko pa ring ngumiti.

I then saw a tear escaped his eye as he stood up while pulling out the ring from the box.

Kinuha niya ang kamay ko at tsaka isinuot ang singsing sa daliri ko. Pagkatapos nun ay hinalikan niya ang palad ko tsaka ako niyakap.

"I love you, my soon-to-be wifey."

"I love you more," I whispered while hugging him.

To be continued

_________________

A short update for today, guys. Honestly, hindi ko na talaga alam kung paano ito tatapusin pero yeah, let's just go with the flow.

Anyways, I hope you enjoy reading!

~YourAuthorJaz

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon