Chapter 10

570 17 0
                                    

Xylus' POV

"Dad, I---"

"Mahal mo ba si Carlyn?" kaagad niyang tanong nang makalabas kami ng restaurant.

"What?" patay malisya kong tanong.

"You heard me," mariin niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Do you really want me to answer that, dad? Isn't it obvious?"

"Paano si Maxine?" muli niyang tanong. "Son, kailanman ay hindi ko tinuro sayo na lokohin ang partner mo. Look, naiintindihan ko na noon pa lang ay si Carlyn na talaga ang mahal mo. But why do you have to lie?"

"Balak ko namang umamin kay Maxine, dad."

"How will you pull this off, then?"

"Dad, I'm breaking up with her," walang pag-aalinlangan kong sabi na ikinaawang naman ng bibig niya.

"Ano? Nahihibang ka na ba?"

"No," I answered. "Narealize ko, si Carlyn ang mahal ko. Walang rason kung bakit mahal ko siya. Ikaw na rin naman ang nagsabi sa akin na kapag nagmahal ka, walang rason dapat kasi hindi naman dapat kinekwestiyon ang magmahal. Alam kong masasaktan ko si Maxine pero lalo lang siyang masasaktan kung ipipilit ko pa 'yung relasyon namin," mahaba kong paliwanag.

I know what I'm doing and I know what I want.

I want her.

"Xylus---"

"Dad, please. I know, kumpare mo 'yung ama ni Maxine. Alam ko ring ayaw mong mapahiya sa kanila. Pero, dad, ayoko nang lokohin pa 'yung sarili ko. Ayoko nang lokohin pa si Maxine."

He went quiet for a few seconds until I heard him laughing.

The fvck?

"Finally," he spoke. "Naging totoo ka na rin sa sarili mo," he proudly said that made me confused.

"Huh?"

"Nung naging kayo ni Maxine, I saw how happy you were. Pero nung nagpanggap kayo ni Carlyn, iba 'yung kasiyahang nakikita ko sayo. Iba ang saya mo kapag kasama mo si Carlyn. Iba 'yung ngiti mo kapag nakikita mo siya. You're completely different whenever you're with her, kumpara kapag si Maxine ang kasama o kausap mo," he pointed out every single detail he saw.

Mapanuri talaga 'yung tatay ko.

"I just want to ask you one thing, son," muli akong napatingin sa kanya. "Who's the one who truly fills the empty space in your heart?"

Unang-unang pumasok sa isip ko ay si Carlyn agad.

Just by thinking of her makes my heart go crazy.

Damn, I'm madly inlove with this girl.

"Si Carlyn."

"Kahit may anak na siya?"

"I don't care. Matagal ko nang tinanggap ang bata, dad. Handa akong maging ama ni Xylyn."

"Xylyn?"

"Pangalan ng magiging baby namin ni Carlyn." Napangiti naman siya tsaka ako tinapik sa balikat.

"I'm on your side. Basta alagaan mo sila at wag mong ipagpapalit sa kahit anong bagay o tao dito sa mundo."

"Thank you, dad," I smiled at him and hugged him.

We rarely have this father-son moment when I was a child but whenever we do, it will always be the best thing that had happened throughout my life.

...

"Ingat ka dun ha," bilin niya habang maluha-luhang nakatingin sa akin.

She didn't know that I'm planning to come back right after I fix everything between Maxine and I.

I'm also planning to kneel down infront of her.

I'm not crazy, I'm inlove.

"Ikaw din, mag-iingat kayo ni Baby Xylyn." Nakangiti kong bilin tsaka hinaplos ang kanyang tiyan.

Mabilis lang ako sa dun France. Siguro ay aabutin lang ng tatlong araw o higit pero hindi ko na papaabutin pa ng isang linggo.

I want to end things right away.

"Of course. I'll see you soon?" she smiled with pain in her eyes.

Don't worry, love. I'll make those eyes lit up again.

Hindi na ako sumagot at niyakap ko na lang siya tsaka palihim na hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

Naramdaman ko naman na parang nababasa na 'yung damit ko at naririnig ko na rin ang mga mahihina niyang hikbi.

"Shhh, don't cry. Babalik ako," pag-alo ko dito habang hinahaplos ang kanyang likod.

We stayed in that position for I don't know how long until our friends finally stopped us.

Sumama kasi sila Aika at Ethan sa amin samantalang ang mga magulang ko naman ay hindi ko na pinasunod kasi hindi rin naman ako magtatagal dun sa France at masama rin ang pakiramdam ni mommy.

Humiwalay na rin ako kay Carlyn at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko sa aking balikat tsaka tinignan ang mga kaibigan namin.

Parehas nilang alam kung ano ang pinaplano ko kaya naman ay tila nagkaintindihan kaming tatlo gamit ang mga tingin lang.

"Bye, Xy."

"Bye, Lyn."

I grabbed my baggage and started walking away.

Nag-iisip na rin ako ng mga pwedeng sabihin kay Maxine sa oras na magkita kami.

I don't want to hurt her, may pinagsamahan naman kami pero ayoko nang patagalin pa dahil baka dumami lang ang mga taong masasaktan.

Hindi pa ako nakakapasok ng departure area nang umalingawngaw ang isang napakalakas na boses na isinisigaw ang pangalan ko.

Paglingon ko ay bumungad sa akin si Ethan na humahangos habang papalapit sa akin.

"Shit, bro! Buti naabutan kita!" hinihingal nitong sabi at naghabol pa ng hininga nang tuluyan na siyang nakalapit sa amin.

"Bakit? Anong meron?"

Ang kaninang hinihingal niyang mukha ay agad napalitan ng pag-aalala.

"S-si Carlyn! Dinudugo si Carlyn!" my whole world stopped spinning.

Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatayo dun habang pinoproseso ng utak ko ang sinabi niya hanggang sa napagtanto ko na lang na tumatakbo na ako pabalik kila Carlyn.

Nagkukumpulan na rin ang ilang mga tao dun sa paligid habang ang iba naman ay tumatawag na ng tulong.

"Excuse me! Padaan!" I tried my best to shove them away.

When I reached them, she's already crying while holding her belly.

She's wearing a dress so that trace of red blood on her legs is visible.

Mas lalo akong kinabahan.

Mabilis akong kumilos at binuhat siya tsaka patakbong dumeretso sa parking lot.

Binuksan na rin ni Ethan ang makina at nang maisakay ko si Carlyn sa backseat ay kaagad din kaming umalis ng airport.

I don't know what to do!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at halos lamunin ako ng kaba.

Carlyn's cries is making me suffer so much more.

"We're almost there, don't worry. You'll be fine," I tried consoling her while holding her hand tight.

Nang makarating kami sa ospital ay kaagad kaming sinalubong ng mga nurse dala ang isang stretcher at dun ko binaba si Carlyn bago nila ito isinugod sa emergency room

"What the hell happened?!" Sigaw ko sa dalawa.

Wala pang sampung minuto nung umalis ako, ganito agad ang nangyari?!

"Nung umalis ka, biglang sumakit 'yung tiyan ni Carlyn. Sabi niya, hindi naman daw ganun kasakit kaya akala namin ay sumisipa lang siya. Pero bigla na lang siyang napadaing ng malakas tapos dun napansin ni Ethan 'yung umaagos na dugo sa binti ni Lyn," mabilis na paliwanag ni Aika sabay hugot ng malalim na hininga.

I hope they're safe.

To be continued

Instant Daddy✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon