Carlyn's POV
"Totoo pala ang balita, buntis ang isa sa mga top students!" iyan agad ang narinig ko nang makapasok ako sa loob ng cafeteria.
"Hindi lang sa grades nag-top, bati sa boyfriend!" Tumatawa ng isa pang babae sa mga kaibigan niya.
Of course, kahit anong tago ko sa pagbubuntis ko ay malalaman at malalaman din nila, lalo na ng mga chismosa kong kaklase.
Aalis na sana ako ng cafeteria dahil nawalan na'ko ng gana kumain pero may biglang umakbay sa akin at hinila ako papunta sa bakanteng table.
"Masama sayo ang nags-skip ng pagkain," he casually said.
"Nakakabadtrip kasi 'yung mga babaeng 'yon eh," I crossed my arms as I sat on the chair.
"Sino?" tanong niya at nginusuan ko naman 'yung mga epal na babaeng nakaupo 'di kalayuan sa amin.
"Iyon lang pala eh, I'll take care of it," he winked at me before heading to our other friend, Aika.
May fashion taste, ang ganda ng katawan at facial features pero basagulera, matapang, siga at higit sa lahat, maganda din ang tipo.
May ibinulong dito si Xylus at inabutan rin siya ng pera habang si Aika naman ay biglang ngumisi bago iniwan si Xylus.
I watched her went straight to the bullies' table and splashed a bottle of water in their faces.
"Ay sorry, sadya," sarkastiko niyang sabi habang binabalik ang takip ng bote.
"Aba'y bastos kang--- araw!" Sigaw nung babae nang bigla siyang hampasin ni Aika ng bote sa ulo nang akmang tatayo sana siya.
"Don't talk when you're mouth is full... of trash," Aika smiled at them before walking away.
I get how she can easily do that to them.
Maraming kasalanan ang mga babaeng 'yon sa kanya eh. As in, marami talaga.
Inis namang lumayas ang mga babaeng 'to habang ang mga estudyante dito sa cafeteria ay pinagtatawanan silang tatlo.
"Done, kumain ka na," utos ni Xylus nang makabalik siya sa table namin.
"Ayoko nito," sabi ko nang mailabas ko ang binaon kong pagkain.
"What do you want, then?" he asked.
Tumingin naman ako sa bilihan ng pagkain dito sa cafeteria at kaagad akong natakam dun sa binebenta nilang ulam.
"I want that," sabi ko sabay turo dun sa pork teriyaki.
"Okay, wait here," bilin niya at kinuha mula sa dala niyang bag ang wallet niya.
"Oy, teka---" hindi na ako nito pinansin at tuloy-tuloy lang ang lakad patungo dun sa harapan.
Hinayaan ko na lang siya sa trip niya at kalaunan din ay bumalik sa sa pwesto namin dala ang dalawang order ng teriyaki.
"You don't have to pay for me," I scoffed.
Mahina naman siyang natawa tsaka nilapag sa harapan ko ang pagkain. Nang iabot niya na rin ang mga kubyertos sa akin ay kaagad kong nilantakan ang pagkain ko.
"Wala kang kaagaw," he chuckled.
Nilapag niya na rin sa harap ko ang binili niyang bottled water at nagsimula na ring kumain.
...
Pasado alas-siyete na ng matapos ang huli naming klase.
Halos makatulog na ako sa last class namin at kung hindi pa ako kinurot ni Xylus, malamang ay tulog mantika na ako kanina pa.
"Okay ka lang?" tanong ni Xylus habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.
Nakahawak lang ako sa braso niya at panay ang hikab ko kaya napupuno ng luha ang mga mata ko.
Tumango lang ako sa tanong niya at muling tinakpan ang bibig ko nang muli akong humikab.
Nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya ay kaagad niya rin naman itong pinaandar paalis ng parking lot.
Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe at medyo madilim na rin kaya mas lalong nakakaantok.
Sinamantala ko na iyon at umidlip muna sa upuan ko hanggang sa ang idlip na 'yon ay naging malalim na tulog na dahil nadatnan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kama ko.
Pagtingin ko sa cellphone ay pasado alas-kwatro na ng madaling araw.
Nakapantulog na ako habang ang mga gamit ko naman ay nakapatong sa study table ko.
Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya tahimik akong bumaba papunta sa kusina at tahimik na gumawa ng sandwich.
"Ipinatabi kita ng ulam, iyon na lang ang kainin mo," halos tumalon ang puso ko sa gulat nang may magsalita bigla sa likod ko.
Paglingon ko ay kaagad kong nakita si mommy na naka silkrobe lang at may facial mask sa mukha.
"Okay na 'to, 'mi. Hindi naman ako masyadong gutom," sagot ko na lang dahil ayoko rin namang kainin 'yung niluto nila.
Ewan ko ba pero ang arte ko na ngayon sa mga pagkain. Siguro dahil sa pagbubuntis ko ito, iyon ang sabi sa akin ni doc na mga changes during pregnancy eh.
"Ah, 'mi?" tawag ko ulit sa kanya at naupo sa isang stool.
"Yes?" she asked while making a cup of tea.
"Paano ako nakarating sa kwarto ko?" tanong ko.
Kahit antok na antok ako kanina ay naalala ko pang sa kotse ako ni Xylus nakaidlip.
"Si Xylus. Siya na rin ang nagpalit sayo," halos mabilaukan ako sa kinakain ko dahil sa huli niyang sinabi.
"What?!" I yelled and she laughed.
"Joke lang! Ito naman, masyadong seryoso." Umiiling niyang sabi at uminom ng kaunti sa tsaa.
"Mommy! Seryoso akong nagtatanong dito eh!" I frowned. She giggled.
"Ako ang nagpalit ng damit mo. Loka-loka 'to, sa tingin mo ba ay papayagan ko si Xylus na makita 'yang katawan mo kahit sabay kayong maligo nung bata pa kayo?"
"Mommy!" I yelled again, and she laughed again.
"Ang ingay mo!" sita niya sa akin habang may ngisi pa rin sa kanyang labi. "Ito, serious na. May gusto akong itanong sayo, 'nak."
"What is it?"
"Do you still like him?" natigil ako sa pagnguya ng pagkain ko at matagal siyang tinitigan habang pinoproseso pa ng utak ko ang tanong niya.
"Mhm," I hummed while nodding my head.
"Sabi na eh, iba 'yung mga tingin mo sa kanya," komento niya. I smiled. "Parang may pagnanasa sa kanya," she smirked and my smile dropped.
"Ew!"
"Maka-ew, parang hindi mo pa nagagawa ha!" I could feel my cheeks heating up.
"Mom, you're so kadiri!" naiinis kong sabi pero tinawanan niya lang ako.
"Mana ka sa'kin, so, it's a tie."
Nanay ko ba 'to o tropa?
To be continued
BINABASA MO ANG
Instant Daddy✓
General FictionCOMPLETED STORY "Ano?! Ako? Magiging ama ng anak mo?! Ilang katol ang tinira mo at nasiraan ka ng ulo?!" "Please! I need your help! Itatakwil ako ng mga magulang ko kapag nalaman nilang walang ama itong ipinagbubuntis ko!" ... Carlyn Andrada, a gra...