Chapter 17

246 11 13
                                    

LEE'S POV

Nagising ako dahil naka-ramdam ako ng gutom.

Huh? Ospital? Bakit ako nasa-ospital? Ano bang nangyari pagkatapos nung nangyari samin ni Nick?

Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Kinapa ko yung part ng tummy ko. Bakit parang ang gaan? Bakit feeling ko wala nang laman yung tummy ko? Di kaya gutom ako? Oo. Gutom lang ako.

Baby. Jan ka lang ha? Kakain tayo para mabusog.

"A-aray." Sabi ko tsaka ko hinilot yung ulo ko.

Dahan dahan akong tumayo papunta dun sa table kung nasan yung mga pagkain.

"ARAAAAAY!" Hinanap ko kung sino yung sumigaw. Imposible naman na galing ibang room yun.

Napatingin ako sa sahig at nakita ko sila Ren, Oliver, Nick, Ryu, Kris, Kevin, at Jerome na natutulog sa sahig.

Ewan ko ba, parang may kumurot sa puso ko nung di ko nakita so Dominique.

Alam niya kaya yung nangyari sakin? Baka naman wala talaga siyang paki?

Did he even try to visit me here when im asleep? Ugh! Ano bang iniisip ko?!

Nilibot ko yung paningin ko sa buong paligid. Nakita ko rin si Jamaica at Eloisa na naka-higa sa may mini sofa.

Binabantayan ba nila ko?

"Lee?! Gising ka na?!" Gulat na tanong ni Ryu tsaka ko niyakap.

Bakit ganon? Bakit parang anvawkward ng atmosphere? May nangyari bang hindi ko alam?

Nagsigisingan na rin yung iba at tinanong kung okay na ba ko. Kung may masakit daw ba sakin tsaka ano dw bang nararamdaman ko. Sinabi pa nilang papatayin daw nila yung nangidnap sakin.

"Okay lang ako! Okay lang kami ng baby ko!" Sabi ko sabay ngiti.

Ineexpect ko ngingiti sila pabalik pero hindi. Yumuko lang sila at nanahimik.

"B-bakit? May nangyari ba?" Nauutal na tanong ko.

Nag-eexpect ako ng sagot. Pero wala ni-isang sumagot.

"M-may nangyari ba?! Nick! May nangyari ba?" Sabi ko. Ewan ko ba bakit ako naluluha. Para talagang may iba e.

"M-magpahinga ka na Lee." Sabi ni Nick tsaka ko inalalayan pahiga sa kama.

"Ayoko! Ano bang problema?!" Sigaw ko.

"Y-yung b-baby m-mo." Pagkasabi ni Eloisa nun tumulo agad yung luha ko.

"A-anong nangyari sa baby ko?" Tanong ko.

"W-wala n-na s-siya." Sagot ni Ryu.

"A-ano?" Tanong ko ulit.

"Wala na ang baby mo Lee. Wala na yung anak natin." Sabi ni Ryu na nagpaguho ng mundo ko.

B-bakit? Ginawa ko lahat para sa anak ko! Marami akong sinakripisyo t-tapos mawawala lang? Bakit? Ang sakit sakit. W-wala na yung baby ko.

"I-iwan niyo muna ko." Sabi ko sa kanilang lahat.

"Lee, mas kailangan mo kami ngayon." Sagot ni Kevin.

"Ano bang salita sa IWAN NIYO MUNA KO ang hindi niyo maintindihan?!" Sigaw ko kaya lumabas silang lahat.

Bakit ang unfair ng mundo sakin?! Lahat ginawa ko para sa anak ko. Tapos kukunin siya sakin ng ganun ganun nalang?! Nasasaktan ako. Ayoko ng ganito. Di ko na kaya.
--

Daddy na ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon