2 moths later..
[LEE HYUN'S P.O.V]
2 months, 2 months nang wala yung baby ko, yung baby na pinaka-iingatan ko. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon buhay pa rin ako. Wala na kong kwenta, wala nakong silbi. Namatayan ako ng anak, sakanya lang naman umiikot yung mundo ko eh.. Sa kanilang dalawa.. Pero ano? Iniwan na nila ko. So ano pang dahilan para mabuhay?
2 months na rin akong nag-iistay sa condo unit ni Nick, i decided na sumama sa kanya, hindi naman sa ayoko nang makita yung 7 dorks, im just.. Ayoko lang talaga makita si Dominique.
"Lee, umiiyak ka nanaman." sabi ni Nick habang nilalapag yung niluto niyang breakfast.
"Ha? Asan?" sabi ko tapos pasimpleng pinunasan yung luha ko.
"Hahaha. Iba ka talaga."
"Ngayon na balik ko sa school diba? Naayos mo na ba yung papers ko?" tanong ko.
"Oo. Ngayon na bakit hindi ka ba nakabihis?" tanong ni Nick.
"ngayon?! As in ngayon? Nick naman. H-hindi p-pako r-ready."
"Hindi pa ready na ano? Na makita si Dominique? Para san pa yung pinag practican natin Lee?" tanong ni Nick.
Sa dalawang bwan na pagsasama namin ni Nick, maramibg nangyari. Tinuruan niya ko on how to act is Dominique is around "The Nick Way" at ngayon yung araw para matest kung naperfect ko ba yung mga ginawa namin. Ugh how i wish hindi ko siya makita.
"Dalian mo na! Magready ka na! Makita mo. Iiwan talaga kita ngayon din!" sigaw niya sakin.
"as if namang kaya mo kong iwan ano po?" sabi ko tapos pumasok na ng kwarto ko.
Madalas akong binibisita nila Kris dito sa unit ni Nick, at sa madalas na yun, never kong nakita si Dominique. Siguro talaga tigilan ko na yung pag-asa na babalik pa siya sakin no? Kasi alam ko namang hindi na e.
"HOY LEE! ANAK NG TETENG NAMAN OH! NAPAKA-BAGAL MONG KUMILOS!" sigaw ni Nick.
"Mahal mo naman." pabulong na sabi ko.
"o talaga tol?" pambabara niya sakin.
Oo, mahal niya ko. Simula palang inamin niya na sakin pero never akong nakaramdam ng pagkailang. Maybe because hindi pa ko nakakamove on kay Dominique. At hanggang kaibigan lang talaga yung tingin ko sa kanya?
"Dalian mo nga puta iiwan talaga kita!"
"kingina mo, e yung school nasa kabilang kanto lang! Ang OA mo ha?!"
"e sa excited akong makita yung mga classmates natin e! Tsaka classmates tayo eh!" excited na sabi niya.
"Sino ba kasing nagsabi na gusto kitang maging classmate?"
"Ako! Para mabantayan kita no! Lalo na't--Tara na nga umalis!" sabi niya sabay hatak sakin. Problema ba ng isang to?!
Habang naglalakad kami papuntang school, nakasalubong ko yung mga classmate ko noon. Binabati nila ko tapos sinasabing namiss daw nila ko, tss as if naman. Mga plastik.
BINABASA MO ANG
Daddy na ko?!
HumorAko si Lee Hyun, babaeng nabuntis at tinakbuhan ng nakabuntis sakin. at sa kasagsagan ng pagluluksa ko, nakilala ko siya. Si Dominique Vargas ang lalaking umako ng responsibilidad sa anak ko at ang lalaking.. nagpatibok ulit ng puso ko.