Chapter 16

199 12 6
                                    

LEE'S POV

"Hindi pa ba gising yan?"

"Hindi pa po boss."

"Ts. Napaka-batugan talaga."

Nagising ako dahil sa sobrang ingay ng mga lalaki sa harap ko. Hindi pa ko dumidilat, nakikiramdam lang ako.

"Gising!" Napadilat ako bigla nung bigla niya kong sampalin ng malakas.

Parang namanhid yung pisngi ko sa sobrang lakas ng sampal niya.

Hindi ako pamilyar sa kanya. Hindi ko siya kilala at ang mas matindi pa. Lalaki siya.

"Putangina! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi ako maka-kilos dahil naka-tali yung kamay at paa ko sa upuan. Tumingin tingin ako sa paligid. Medyo maliwanag na. Ang tansya ko 4am something na.

Parang vacant lot tong lugar na pinagdalhan nila sakin.

"Aba. Sinisigawan moko?!" Tanong niya.

"Hindi! Binubulungan kita. Tanga." Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Kailangan kong magpanggap na malakas ako, kailangan di ko indahin yung sakit.

Baby. Kapit ka lang jan ha? Kaya natin to.

"Gago pala to e." Sabi niya tsaka ako sinabunutan.

Feeling ko matatanggal na yung buhok sa anit ko. Grabe, naaatim niyang manakit ng babae? Tindi mo kuya.

"Ano bang kasalanan ko sayo?"Tanong ko.

"Wala kang kasalanan sakin. Pero sa taong mahal ko? Malaki." Sabi niya.

Napaisip ako bigla. Taong mahal niya? Ts. As if naman kilala ko yun diba? Tska wala akong natatandaang ginawan ko ng di maganda!

"Wala akong ginagawang masa-" napahinto ako sa pagsasalita nung bigla niya ulit akong sinampal.

"Manahimik ka!" Sigaw niya tsaka hinawakan ng mahigpit yung panga ko.

"W-wala ka bang nanay kuya? O kaya kapatid na babae? Bakit nakakaya mong manakit ng babae? Babae rin ako. Buntis pa. Isipin mo, pag yung taong mahalaga sayo ganito din yung nangyari sa kanya?" I said between my sobs.

Hindi ko naman ginusto to. Gusto ko lang umalis sa bahay nila Kris para makapag-bagong buhay. Para hindi na rin sila magkaroon ng sakit ng ulo.

B-bakit ganito yung nangyayari sakin? Ano bang kasalanan ko para mangyari sakin to?
Nahihirapan nako. Gusto ko nang mag-give up pero iniisip ko yung magiging anak ko.

Napatigil si kuya tsaka siya lumapit sakin. "Lumabas muna kayo." Utos niya sa dalawang lalaki, sinunod naman nila agad yun.

Akala ko okay na. Akala ko nagbago na yung isip niya. Akala ko papakawalan niya na ko. Pero akala ko lang pala yun.

Kinuha niya yung baso sa tabi niya tsaka siya humarap sakin.

"Wala akong nanay! Wala rin akong kapatid! Kaya dont you dare tell me those shits." Sabi niya tapos binuhusan niya ko ng alak.

Napa-pikit ako bigla. Sht! Ang hapdi. Kinagat ko yung lower lip ko para maibsan yung sakit.

WALA MAN LANG BANG TUTULONG SAKIN?!

Sabay kaming napalingon ni Kuya nung maka-rinig kami ng putok ng baril galing sa labas.

Dati parang napapanood ko lang to sa movie pero ngayon ako na yung nandito.

Daddy na ko?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon