Hello! JeaRo here! and Newbie at Wattpad. =) First story to post ko po. Hoping na masundan pa. Sana magustuhan niyo. Comment kayo if you have reactions, I won't hesitate to read and reply back to that. Hehe. So, here it goes .. ..
______________________________________________________________________
Chapter 1.
"Pst!"
"Sino yan?"
"Pst! Pst!" Nagpalinga-linga ako.
"H-hindi ako nakikipagbiruan sayo!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Bwisit! Bwisit talaga! Kung bakit pa kasi ako pinapunta ni Kuya sa lugar na iyon, nasiraan tuloy ako. Ang masama pa, nasiraan ako sa gitna ng madilim na kalye. Kanina pa ako naghihintay na may dumaang sasakyan kaso...
...ni bike man lang walang nadaan. =____= Aish! Bakit kaya nagtatayuan ang balahibo ko? Makapal naman 'tong jacket na suot ko. Buti na lang dala ko 'tong cellphone ko, pwedeng gawing flashlight.
*kalabit-kalabit*
Napalingon ako ng may maramdaman akong kumalabit sakin.
"Sino yan?! Pag hindi ka pa nagpakita, uupakan kita!" Hinintay kong may sumagot.
Inilawan ko rin para makita ko kung may tao nga. Wala akong narinig na sagot, baka guni-guni ko lang. TAMA!! Guni-guni lang yun. Inilawan ko ulit sa unahan.
"Aaaaaaahhhhhhh!!!" Pagkaharap na pagkaharap ko, tumambad sakin ang duguang mukha ng isang babae.
"Aray ko naman.." Tinakpan niya yung tenga niya.
"S-sino ka?! Ba't ka ganyan?" Lumayo ako ng konti. Nakita kong marami siyang sugat. Sa tantya ko, nasa 18 years old siya, matangkad siya at maputi. Hindi ko pa masasabi ngayon kung maganda siya, puro kasi dugo ang mukha niya. Nakasuot siya ng light-blue dress na abot sa tuhod niya at nakayapak siya ngayon. Nabahiran din ng dugo ang suot niya kaya nakakatakot talaga.
"Anong ba't ako ganito?" Tiningnan ko siyang mabuti at may napansin ako.
O______________O
"T-teka, nakalutang ka! M-MULTO!!!" Kumaripas ako ng takbo. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Ang mahalaga, makalayo ako sa kanya!
___________________________________________________________________________
Haha. 1st chapter po. Next chapters niyo pa makikilala kung sino talaga sila. Haha. Para may thrill naman kahit papano! :D Sana magustuhan niyo.
I'll appreciate it more kung mag-VOTE, LIKE and COMMENT kayo! =) Thank you!
-jeaRo25 :]
![](https://img.wattpad.com/cover/4438331-288-k198381.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ghostful Love ღ
Teen FictionManiniwala ka ba kung sasabihin ko sayong ... maaaring mainlove ang isang tao sa MULTO? *try niyo basahin, para malaman niyo. ;)