Chapter 5
"Hoy Jelo! Anong ginagawa natin dito?"
"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Narinig ko nung nakipag-usap ka sa Kuya mo. Ano nga ang gina-"
"Ano pa, eh di magnanakaw!" sabi ko habang tinitingnan ang mga label ng gamot.
"Ha? Masama yun! Alis na tayo dito!"
"Pwede ba, wag kang maraming arte. Pagbutihin mo na lang ang pagbabantay mo dyan. Pagnahuli ako....... ipapakulong kita sa bote, naintindihan mo?"
Malungkot niya akong tiningnan. Ipinagpatuloy ko ang paghahanap. Medyo madilim dito sa bodega kaya mas nahihirapan ako. Ang daming gamot. -___-
"Uhmmm, Jelo, pwdeng magtanong?"
"Oh? ano nanaman?"
"Anong kulay nang damit ng mga security guard dito?"
"Orange, bakit?"
"Ah, kasi .... may nakatayong mama na naka-orange sa likuran mo."
"Walangya! Ba't ngayon mo lang sinabi??"
Buti na lang si Mang Fernan lang ang nakakita sakin. Medyo gurang na kaya madaling patulugin. Ibinulsa ko yung nakuha kong mga gamot at tumakbo ako palabas ng bodega.
"Tigil!!" May sumigaw na lalaki mula sa likurn ko. Bwisit! Makita niya ako. Tumakbo lang ako na parang walang naririnig. " Sir Jelo, tumigil po kayo!"
"Ui, kilala ka ni Manong guard!" Nakalimutan kong may kasama pala ako.
"Bakit tumatakbo ka rin?" Humihingal kong sabi.
"Kasi, baka multo ako?"
"ULOL ka ba? Di ka naman niyan makikita, bat takot kang mahuli?"
"Oo nga nuh?"
TT__TT
Pinaandar ko kaagad yung sasakyan at bumalik sa lugar namin.
*kalabit-kalabit*
"Jelo, nakalampas tayo sa bahay mo."
Tiningnan ko lang siya ng masama. Bumaba ako sa kotse at tuloy-tuloy na pumasok sa gate.
________________________________________
Sino kaya yung pinuntahan nila Jelo? Haha. Yan lang muna.
Vote, Like and comment! Thank you =)
-jeaRo25 :]
BINABASA MO ANG
My Ghostful Love ღ
Novela JuvenilManiniwala ka ba kung sasabihin ko sayong ... maaaring mainlove ang isang tao sa MULTO? *try niyo basahin, para malaman niyo. ;)