Chapter 3.

12 1 0
                                    

Chapter 3

"Pwede ba Kuya, wag mo akong sigawan."

[At bakit hindi? Hindi mo lang naman ako sinipot diba, kaya bakit kita sisigawan?]

"Dr. Sebastian, pumunta nga ako diba, kaso dahil don nasiraan ang kotse ko at nakakita pa ako ng m-"

[Ano? Nakakita ka ng multo? For God's sake Jelo! Ganyan ka naman, puro excuses!]

"Now what Kuya? May sasabihin ka pa?"

[Jelo, .... nandito ako ngayon sa New York and --]

"WHAT?!!! Kailan pa?"

[Kanina lang. Nung gabing tinawagan kita, magpapatulong sana ako kaso hindi ka dumating. Jelo, I need you here. Kung hindi mo rin naman matutulungan sina Papa sa ospital, tulungan mo na lang ako dito.]

"I'm sorry Kuya... but I can't."

Pinatay ko na yung cellphone ko pagkatapos kong kausapin si Kuya.

By the way, let me introduce myself. I'm Angelo Sebastian and they call me Jelo. I had a brother. He's Dr. Michael Sebastian. We're Dr. Enrico and Dra. Elena Sebastian's inheritance. Our family owns a hospital but after that incidence, I never had the guts to show my face again inside that building. Kung ano mang insidente yun, malalaman niyo rin. And guess what? I'm doing the most popular profession as of now,

ang pagiging "DAKILANG TAMBAY".

*tok tok tok*

Binuksan ko ang pintuan.

"Hey Lover Boy," bungad sakin ng isang babae na parang pokpok kung magdamit.

"Oh, Hi Cheska!" Biglang kumunot ang noo niya. "Erika?" Mas lalong kumunot ang noo niya. "Uhmmm, Elsa?"

*PAK!*

"It's Melissa! How dare you forget me?" Hinawakan ko ang pisngi ko. Sakit nun ah!

"I'm Sorry but I think I don't know you." Sinarhan ko agad yung pinto bago pa siya makapagsalita.

BLAG! Hala, sinipa pa yata ang pinto. Aba't kasalanan ko bang nakalimutan ko siya, eh sa andami nila. Masisisi ba nila ako kung pinanganak akong GWAPO? -__- Tss.

*Kalabit-kalabit*

Oh hindi! Huwag niyong sabihin na nandito nanaman siya. Hindi ako lumingon at nagpatuloy ako sa paglalakad. Pinipilit kong papaniwalaan ang sarili ko na guni-guni lang ang lahat.

"Pst! Pst!"

'Ano ba?! Hindi mo ba ako tatantanan? Ano bang kailangan mo?"

Tinakpan niya ang mukha niya ng mga palad niya.

"Eh *hikbi* gus-gusto ko lang *hikbi* na-namang mag *hikbi* pat-tulong sayo."

"Hoy, kung akala mo madadaan mo ako dyan sa pag-iyak iyak mo, nagkakamali ka, iba na lang utuin mo, ALIS!!!"

"Ah? Ganun ba?" Tinanggal niya ang mga kamay niya sa mukha niya. Pambihira! Hindi naman pala talaga siya umiiyak. "Eh, ipaglalaba kita."

"Hindi pa rin!"

"Laba + plantsa?"

"Hindi!"

"Laba + plantsa + hugas + linis?"

"Labas na..."

"Please naman..... tulungan mo na ako"

Pinagdaop niya ang mga palad niya at ngumuso.

"Pwede ba, sa ginagawa mo, mas nagmumukha kang nakakatakot. Lumabas ka na sa pamamahay ko kung ayaw mong tumawag ako ng albularyo at baka ipakulong kita sa bote ng hindi oras!"

Sinunod naman niya ako. Nakayuko siyang tumagos sa pinto. Haayy! Sa wakas! Wala na ang problema ko! =)

___________________________________

Ayan na kilala niyo na si Jelo. Si girl naman sa next chapter? hmm. Hehe. Keep reading. God bless!

rate. Vote, Like and Comment! ^__^

-jeaRo :]

My Ghostful Love ღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon