Chapter 11.

11 0 0
                                    

Chapter 11

(A/N: Sorry kung may typos. ^_^V (__ ____") Feel free to Like and Comment! Friendly ako guys, don't cha worry! ^__^V Haha. Anyways, spread niyo na rin sa iba tong story ko. Haha. Thanky! ^__^// )

Pagkalipas ng isang linggo...

"Kuya, bakit po malungkot ka?" Tanong sakin ni Jayjay.

Nandito ako ngayon kila Aling Susan at nakakanlong sakin si Jayjay.

"Ah, wala to. May iniisip lang si Kuya."

"Si Ate po ba?" Napatitig ako bigla sakanya.

"Pano mo nalaman?"

"Kanina ka pa po kasi nakatitig dun sa poster ng Mara Clara."

"Ah? Ganon ba? Hehe." Napangiti ako bigla.

"Miss mo na ba siya Kuya? Ako kasi miss na miss ko na siya kahit isang beses ko lang siyang nakita."

Nginitian ko lang siya. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko para sa isang tao na ilang araw ko pa lang nakasama.

"Jayjay, kelangan nang umalis ni Kuya. Tsaka pagod ka na rin. Kelangan mo nang magpahinga."

"Sige po Kuya. Wag kang mag-alala, babalik po siya. =)"

"Huh?" Tumakbo siya papunta sa kwarto niya. Tiningnan ko lang siya hanggang sa isara niya ang pinto.

~~

Sa bahay...

Kailangan ko na pala uling kumuha ng gamot para kay Jayjay. Siguradong naubos na yung binigay ko dati.

Kinuha ko ang jacket ko at binuksan ang pinto.

"San ka pupunta?" Natigilan ako ng marinig kong may nagsalita. Lumingin ako pero wala akong nakita.

"Ano ba Jelo? Naghahallucinate ka nanaman." Tinapik-tapik ko ang pisngi ko para matauhan ako.

Humakbang ako palabas ng bahay.

"San ka sabi pupunta?" Natigilan ulit ako sa nairnig ko. Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan at sa likuran ko... wala pa rin akong nakita. Ano bang nangyayari sakin? Siguro kailangan ko nang magpatingin sa psychiatrist, baka iba na to. >n<

Pumasok ako sa kotse at inistart ito.

"Bakit di mo ko pinapansin, kanina pa kita kinakausap... di mo man lang ako sinasagot."

Natulala ako sa nakita ko. Nakaupo siya sa tabi ko. Nakangiti at nangungulit nanaman. Bigla ko siyang niyakap sa sobrang tuwa.

"Aaacckkk! J-jelo.. h-hin.di ako maka-ka-hinga!"

"ahem!.." binitawan ko siya at iniwas ko agad ang tingin ko.

"San ka galing? ba't bigla ka na lang nawala?" Tumingin ako sa kanya. "Di ba sabi ko, pag umalis ka ng hindi nagpapaalam, hindi na kita tutulungan?" Nainis ako dahil ilang gabi akong hindi nakatulog ng maayos dahil sakanya.

"Ah.. ehh.. hindi ko alam. Bigla na lang akong nagising sa bahay mo kanina."

"lahat ng lang hindi mo alam. Pasalamat ka wala ako sa mood ngayon para magsungit."

"Talaga? Anong hangin ang nalanghap mo? at bigla ka yatang bumait?"

"Hindi ko kailangang lumanghap ng anumang hangin para lang bumait. Dati na kong mabait."

"Talaga? Medyo halata nga." Nakangisi niyang sabi.

"Sige, inisin mo pa ako, makakatikim ka na sakin!"

Umarte siya ng parang zinipper ang bibig niya at humalukipkip.

Nagdrive ako ng kotse. Napatingin ako sa side mirror at nakita ko ang repleksyon niya. Hindi ko maiwasang mapangiti pero hindi ko alam kung bakit.

____________________________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ghostful Love ღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon