Chapter 7
"Bakit ka nagsinungaling sa kanya?" Tanong ko kay multo habang papalabas kami sa bahay.
"Anong ibig mong sabihin?" Lumingon ako sa kanya.
"Hindi naman Mara ang pangalan mo, diba? Sabihin mo nga, ano ba talaga ang pangalan mo?" Tinitigan niya ako sandali.
"Hindi ko maalala pangalan ko eh. Kanina, wala akong maisip na pwedeng isagot kaya yun na lang ang sinabi ko."
"Huwag mo nga akong pinaglololoko! May multo bang naamnesia? Siguro kriminal ka nung buhay ka pa kaya hindi mo masabi kung ano ang tunay mong pangalan."
"Oy ah! Grabe ka naman. Wala talaga akong maalala kahit ano, buhay pa ako. Mamatay man!"
"Huh?!" Humawak siya sa ulo niya.
"Ay oo nga pala, patay na ako. Hehe!" Kung andito lnag ang katawan neto, kanina ko pa siya dinouble dead! =_=
"Kung ganun, makakaalis ka na. hindi kita matutulungan."
"Oy, teka lang naman. Diba um-oo ka na, wala nang bawian yun." Tiningnan ko siya ng masama.
"Kung ganun, paano kita matutulungan kung mismong ikaw, hindi alam kung ano ang totoo mong pangalan. Kung sa prisinto nga, hindi nareresolba ang krimen kung hindi kilala ang biktima kahit sa pangalan man lang, ako pa kaya?" Napansin kong lumungkot ang mga mata niya.
"Ganun ba?... Isa lang naman ang gusto ko eh,..... Sana tulungan mo akong makilala ang sarili ko. Gusto kong maalala ang lahat. Lahat ng masasaya, malulungkot, nakakahiya, nakakagalit at lahat ng mahahalagang nangyari sa buhay ko. Gusto kong maalala kung paano ulit maging tao." Yumuko siya at humikbi.
"Kapag kasama kita, bawal maingay. Kapag sinabi kong ayaw kitang makita, umalis ka kaagad at ang pinaka-importante, pagkatapos ng isang buwan, may malaman man tayo o wala tungkol sayo, kailangan mo nang mawala sa buhay ko, habang buhay."
Natulala siya sa mga sinabi ko. OoO
"Pumapayag ka na?"
"Sa tingin mo?"
Bigla siyang pumalakpak na parang bata.
"Yehey! Thank you soooooo much! \^o^/" Sabay yakap sa akin.
Yakap? O_o Nayakap niya ako? Nakaramdam ako ng init. Parang hindi multo ang yumakap sakin.
"Hoy! Ba't mo ko nayakap?" tanong ko sakanya nang humiwalay siya sa pagkakayakap sakin. Nagkibit-balikat lang siya bilang sagot.
............................................
Nagdesisyon akong pumasok ng bahay at magpaalam na kay Aling Susan ng bigla niya akong tawagin.
"Jelo!" Tumingin ako. "Pwede ba akong humingi ulit ng favor?"
"Oh ano na naman?" Naiinis kong sabi. Aba't na mimihasa na yata 'to ah.
"Uhmmm... pwede bang Mara na lang itawag mo sakin?"
"Bakit naman? eh hindi naman talaga yun ang pangalan mo."
"Please!!! *3*" Ayan na naman siya, ginagawa na naman niya ang kahindik-hindik na pag-nguso at pagpapapungay ng mga mata niya.
"Oh sige na. Bahala ka! Basta itigil mo lang yang ginagawa mo, nababanas ako sayo!"
________________________________________________________
Hihi. Siya si Mara, ang makulit na multo na parang bata. Haha =)
Vote, Like and Comment! =)
-jeaRo25 :]

BINABASA MO ANG
My Ghostful Love ღ
Fiksi RemajaManiniwala ka ba kung sasabihin ko sayong ... maaaring mainlove ang isang tao sa MULTO? *try niyo basahin, para malaman niyo. ;)