Chapter 2.

23 1 0
                                    

Chapter 2.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Nakakasilaw kasi inilibot ko ang paningin ko. Ibig sabihin, nananaginip lang ako kagabi? Nandito na kasi ako ngayon sa loob ng kotse ko. Haaaayy ..... Nakahinga ako ng malalim.

"Ui, gising kna pala."

"Anak ng baog na kambing!!!"

"Huh?! Pwedeng magkaanak ang baog na kambing?" Humawak siya sa baba at umarteng nag-iisp.

"Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka!! Alis . . . alis!" Tiningnan niya lang ako. 

Panaginip. Oo, panaginip lang 'to. Pumikit ako at huminga ng malalim. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Wala na siya. Effective!

................................................................................

May kumalabit sa gilid ko kaya lumingon ako.

"Excuse me, dapat siguro maghanap ka na ng mag-aayos dito sa kotse mo."

"Andito ka pa? Lumayo ka sakin!" Sobrang nakakatakot ang mukha niya kaya sinipa ko siya. tumagos siya palabas ng kotse kahit alam kong sira.

"Nananawagan po ako sa lahat ng Diyos at Diyosa sa ngalan ng mga ninuno ko, parang awa niyo na, tulungan niyo po ako, gusto ko na pong makaalis dito!"

VROOOOOOOMMMMM!!!! (sound effect ng kotse :D)

_____________________________________________________________

Short update lang chapter 2. Hehe. Sorry. Maybe sa next chapter dun na yung pagpapakilala ko sakanila.

VOTE, LIKE and COMMENT! =)

-jeaRo :]

My Ghostful Love ღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon