Chapter 6
"Hoy Jelo! Anong ginagawa natin sa bahay ng kapitbahay niyo? Magnanakaw ka na naman ba? Kung nagnanak-"
"Manahimik ka nga!"
Bumukas ang pinto. Narinig yata akong sumsigaw.
"Oh Jelo, Ikaw pala." Bungad ng isang ale sakin. May katandaan na siya at paika-ika kung maglakad. Nagmano ako sa kanya.
"Pagpalain ka."
"Aling Susan, kamusta po siya?" Biglang lumungkot ang mukha niya.
"Ganon pa rin Hijo, walang pagbabago. Halika, tuloy ka." Umupo ako sa isang upuang gawa sa kawayan, ang nakasanayan kong upuan kapag dinadalaw ko siya.
"Gusto mo ba ng inumin?"
"Ah? Hindi na po. Salamat na lang. Idinaan ko lang po to." Kinuha ko sa bulsa ko yung gamot.
"Salamat Hijo. Napaka-buti mo talaga. Kakaubos nga lang nung isang bote kanina at hindi ko alam kung san ako kukuha ng pambili nito. Buti na lang at dumating ka." Hinawakan niya ang kamay ko. "Maiwan muna kita dito, titingnan ko lang yung niluluto ko." Tumango naman ko.
Tiningnan ko siya, kanina pa niya ako tinititigan.
"Hoy! Para sabihin ko sayo, hindi ako kasing sama ng tulad ng iniisip mo."
"Bakit ka kilala ni Manong guard?" Umiwas ako ng tingin.
"(>.>) Friend ko siya sa Facebook."
"Jelo..." Saway niya.
"Eto naman, nagbibiro lang eh. Pamilya ko ang may-ari ng bodegang yun."
"Kung ganunm pano mo sila nagawang nakawan?" Tiningnan ko siya ng mahalata kong umiiyak siya. Bakit ba niya sinasayang ang luha niya para sa walang saysay na bagay? dalawang bote lang naman yun ng gamot, hindi yun malaking kawalan.
"Pwede ba, huwag mo akong artehan dyan. Humingi ako ng maayos sa kanila, pero ipinagdamot nila..... kaya yun ang naisip kong paraan."
"Gaano man kabuti ang hangarin mo, hindi na mababago ang katotohanang masama ang ginawa mo."
"Pwede ba, wag na nating pag-awayan 'to! Kung wala kang sasabihing maganda, manahimik ka na lang!"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kuya?....." Natigilan ako ng may biglang nagsalita. Lumapit siya sakin. Isang batang lalaki, payat at maliit kung ikukumpara sa mga ka-edad niya.
"Jay-jay!" Napangiti ako ng kumanlong siya sakin.
"Kuya Jelo, namiss po kita. Ba't po ang tagal mong nawala?"
"Ah? May inasikaso lang si Kuya." Nagulat ako nung tingnan niya yung multo.
"Eh Kuya, sino siya?"
O_________O
"Nakikita mo ako?" Hindi makapaniwalang sabi nung multo.
"May sakit po ako pero hindi ako bulag." Natawa ako sa sinabi ni Jayjay. Inilibot nung multo ang paningin niyasa buong bahay hanggang sa may nakita siyang poster.
"Masama si Clara, gusto ko mabait..... Tama! Si Mara na lang." Tumingin siya kay Jayjay. "Ako si Mara. :)" Sabay ngiti. Baliw ba to? Ibase daw ba ang pangalan niya sa poster ng Mara Clara?! O_o
"Okay po Ate Mara! Ako po si Jay-jay! ^o^ ... Kuya, sa wakas may Ate na ako. Naiingit kasi ako kay Nelson kasi sabi niya, tatlo daw ang Ate niya, tapos may Kuya pa siya. Buti na lang, andito na si Ate Mara. Di ba Kuya?"
Nabanggit ko bang madaldal si Jay-jay? Kung minsan, natatawa na lang ako sa dami ng sinasabi niya. Hindi mo akalaing limang buwan na lang ang ilalagi niya dito sa mundo.
ngumiti ako saknya.
"eh Ate.... bakit po andami mong sugat?"
"Ahh.. Ehh.. Di ko alam eh.."
"Kuya, gamutin mo si Ate, baka, ma-impeksyon sya."
"Ah, Jay-jay, ayos lang ako. Malakas kaya si Ate Mara!" Nakangiting sabi nung multo.
"Psh! Malakas daw, eh bat kanina halos, maiyak ka na sa kirot ng mga sugat mo?" Napansin kong pinipigil niyang hindi maiyak dahil sa kirot nung mga sugat niya habang nasa loob kami ng bodega kanina. Siguro dahil dun kaya di niya agad nakita si Mang Fernan.
"Ah yun ba? Di ko rin alam kung bakit bigla na lang kumirot ang sugat ko kanina..... Pero ngayon, parang mas mabuti na ang pakiramdam ko... parang nabawasan ang mga sugat ko."
Huh?! Ano daw??
Napansin kong nakatulog na si Jayjay kaya inihiga ko na siya sa kama niya.
________________________________________
Ayan. Siya raw si Mara. Haha. Sorry kung maikli updates ko. hehe ^_^V
Vote Like and Comment! =)

BINABASA MO ANG
My Ghostful Love ღ
Teen FictionManiniwala ka ba kung sasabihin ko sayong ... maaaring mainlove ang isang tao sa MULTO? *try niyo basahin, para malaman niyo. ;)