Chapter 4.

11 0 0
                                    

Chapter 4

Dumiretso ako sa kwarto ko para matulog.

Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko. nang...

Huhuhuhu...

Umalingangaw ang pag-iyak ng isang babae sa buong kwarto. (O___O) Nagtayuan bigla ang mga balahibo ko. Leenchuss na multo yan, hindi talaga ako tinatantanan. Kumuha ako ng earphone at isinuksok sa tenga ko. d(-_-)b Itinodo ko rin ang volume. Kala niya ha, mautak yata to chong!

Bumukas bigla yung pinto tapos biglang sumara. Bigla ring umihip ang malakas na hangin, kaya gumagalaw yung kurtina. Bumukas din yung tv.

"FINE!!! Pumapayag na ako!" Langya, ngayon pa lang nagsisisi na ako.

"Talaga? YEYY!!! \^O^/" Pumalakpak pa siya. At sa wakas. Tumigil na siya sa pang-iinis.

"Oh?! Labas na! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo!!"

"Yes! Sir! Yes!" Nagsaludo pa ang ulol bago lumabas. Aishh!! Por Dios por santo!! Ano tong pinasok ko?!?

....................................

"Hello! Good morning!!!"

"Aaaaaaaahhhhh!!! Nananagip lang ako! Hindi totoo yung kagabi!" Pinikit ko ulit ang mga mata ko at unti-unti akong dumilat.

(=_=) >> (-_o) >> (o_-) >> (o_o)

"Anong hindi totoo??"

"Aaahh! Ilayo mo ang mukha mo sakin!" Muntik na akong atakihin sa puso!

"Huh? O_o Anong mali sa mukha ko?"

"Kelan ka ba huling humarap sa salamin?" Humawak siya sa baba niya.

"Kelan nga ba?" Mababaliw ako sa multong to!!

Lumapit siya sa nakasabit na salamin dito sa kwarto ko.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!!! A-ako ba yan?? (O__O)" Sabay turo sa salamin.

"Aba malamang! Alangan namang repleksyon ko yan! ULOL!" Makalabas na nga dito, bago pa ako tuluyan masiraan ng bait. =_=

"Hoy! San ka pupunta?"

"Tatae, sama ka?!" Sarkastiko kong sabi. Nakakainis na siya!

Kelangan kong makakuha nun ngayon. Siguradong ubos na yung binigay ko sa sakanya. Naligo muna ako bago pumunta sa bodega.

_______________________________________

So, ayan. Pumayag na si Jelo sa kakulitan ni girl. Haha. Ano kaya sunod na mangyayari? ;)

Vote, Like and Comment!

-jeaRo :]

My Ghostful Love ღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon