03

1.1K 11 0
                                    

" Magandang Umaga Ma'am Char— ay naku! Pasensya na po " Gulat akong napatingin sa nag sabi nun at napahawak pa sa dibdib.

Bigla Bigla kasi itong sumusulpot.

At tska Ma'am?

" A-ano po? " Sabi ko pa.

" Ah! Ako po si Ella! Pinaka batang kasambahay rito! Magandang Umaga ulit Ma'am Charmaine " Sabi ulit nito sabay ngiti ng malawak.

" M-Ma'am Charmaine? " Takang sabi ko at bakit Ma'am na?

" Opo? " Nalilito sabi nito. " Asawa ka po ni Sir Azle Kaya Dapat Ma'am Charmaine po ang tawag sayo hehe " Naiilang lang sabi nito.

Ganun ba?

Pagkatapos ng naganap kagabi paglatapos kung permihan iyong papeles ay nagpahinga naako sa magiging kwarto ko. Baka nasabi ni Glen ang tungkol ruon.

" Nga pala Ma'am! Umalis po si sir kasama si Glen, Sila Robert at Jhon raw muna po ang magiging bodyguard ninyo " Sabi naman nito.

Ano? " B-bodyguard? " Takang tanong ko naman.

Bakit hindi nasabi ni Glen saakin iyon kagabi ng ihatid niya ako sa magiging kwarto ko?

" Opo! Si Glen po ang magiging bodyguard niyo pero may aasikasuhin ata silang importante kaya sinama ni Sir si Glen " Sabi pa nito.

Ganito ba talaga kapag naging asawa mo ang isang mayaman? Hindi parin kasi ako makapaniwala.

" Mag almusal na muna po kayo at ipapasyal ko po kayo sa buong mansion " Sabi pa nito. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya papuntang hapag kainan.

" Bakit gusto ni Azle na ikasal agad? " Mahinang sabi ko.

" Po? " Agad naman akong umiling kay Ella at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos ay gaya ng sabi niya ang ipinasyal ako nito. Hindi ko makita ang ganda nito kagabi dahil madilim na at diritso diritso akong pumasok sa luob.

Sa lahat ng lugar rito sa mansion ay ang hardin ang pinaka maganda.. Mahilig ako sa bulaklak lalo na sa sunflower. Napaka ganda kasi.

" Gusto niyo po bang iwan ko kayo sandali.. Ma'am? " Biglang singit ni Ella.

Baka rin may aasikasuhin pa siya kaya tumango nalang ako. At ibinalik ang tingin sa harapan kung saan maraming mga bulaklak.

Azle can change my life? Hindi parin talaga ako makapaniwala ang bilis ng panahon.

May penermahan paakong isang contrata iyon ay ang hindi ipagsasabi sa labas ng mansion ang nangyari saakin. Lahat. Bago ako nakarating dito kapalit ng pagbigay niya ng allowance sa pamilya ko.

Sabi ni Glen ay bali iyon na raw ang sasahurin ko.

Isang Oras rin akong nakaupo bago napagpasyahan ng pumasok dahil mukhang uulan.

Habang papaakyat ako ay binabati ako ng mga katulong. Parang ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Nakakamiss ang magtrabaho sa mansion ng mga tolenteno kahit na anduon si Messha.

Pumasok ako sa kwarto ko at naligo bago lumabas ulit. Tama nga ako uulan at mukhang may bagyo pa.

" Nasaan kaya sila? Bumabagyo na " Mahinang sabi ko habang naglalakad pababa.

" Ma'am " Agad na lumapit si Ella saakin.

Hindi parin talaga ako nasasanay sa pag tawag nila saakin. Nakakailang.

" Baki— " Ganun nalang ang gulat ko ng may mabilis na humarurot na sasakyan hanggang sa harap ng mansion.

" Glen?! " Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanila.

" A-azle? Azle! " Halos mamutla ako ng makitang punong puno ito ng dugo.

A-anong nangyari?!

" N-naku! Glen anong nangyari?! " Agad na sabi ko.

" Asshh! It's nothing! Robert! Robert! " Sunod Sunod na tawag ni Azle sa isang gwardya.

" Bakit po bo— "

" Bring her to her room. Right now! Ack! " Sigaw nito at napasapo sa tiyan dahil sa tama.

Ano?! Agad akong hinawakan ni Robert sa braso at akmang ikakaladlad pabalik sa kwarto perp agad kung binawi ang braso ko.

" Hindi! " Sigaw ko sa gwardya at binaling ang tingin kay Azle na inaalalayan nani Glen paupo.

" Where's that damn doctor! " Galit na sigaw nito at tinanggal ang pagkakahawak ni Glen sa kanya.

" Malapit na raw sila boss " Sabi naman ng isa.

" Fuck! God damn it! Don't watch and go to your room! " Galit na sigaw nito habang nakatingin saakin.

" P-pero— "

" Sige na, ako ng bahala sa kanya " Biglang singit ni Glen.

Anong nangyari? " Ella, pakehatid muna si Mrs. Dale sa kwarto niya " Sabi pa nito.

" Ma'a— " Hindi ko na pinatapos si Ella at naglakad na pabalik sa kwarto.

Gusto kung umiyak dahil sa nangyayari.

Una, Ibininta ako! Pangalawa, Dinala ako rito! Pangatlo, Ikinasal ako sa hindi ko naman kakilala! Pang apat, Umuwi siya na may—may tama!

Nakakabaliw! Nakakabaliw!

Wala akong nagawa kundi ang umiyak uli ng umiyak. Tumigil lang ako ng may marinig na sunod sunod na katok.

Agad ko itong binuksan " Ma'am.. Pinapapunta raw po kayo ni Sir sa kwarto niya " Sabi ni Ella.

Agad akong lumabas at naglakad sa katabing kwarto.

Hindi ako nagaalala kundi kating kati naakong malaman kung bakitt.. Maraming bakit ang gusto kung masagut niya.

" Glen " Agad na sabi ko ng lumabas siya sa kwarto ng amo niya.

" Ms. Charmain— " Agad akong pumasok at nakitang inaayos pa ang binda sa tiyan.

" Get out " Sabi nito sa nurse.

Bumalik na uli ang malamig at walang reaksyon nyang mukha.

" A-anong—anong nangyari? " Sabi ko habang naka tingin sa sugat niya.

" I will give you everything you need and the exchange of that.. You need to be my wife " Sabi nito.

" Tinatanong kita Azle, anong nangyari? " Tanong ko uli pero tinignan lang ako nito ng masama..

" You already sign the marriage contract and that's Final.. Kailangan kita ng isang taon " Sabi nito habang nakatingin parin saakin ng seryuso.

A-ano.. Bakit ba? Isang taon?!

" B-bakit? " Kinakabahan kung tanong dahil seryusong seryuso ito at parang ano mang oras ay gagawin rin niya saakin ang nangyari sa kanya.

Nakakatakot.

" Hanggang sa makuha kuna ang company ko.. Were done talking, go back to your room.. Get out " Sabi nito na agad ko namang sinunod at baka sigawan na ako nito.

Habang naglalakad pabalik nakita ko sa baba nag uusap si Ella at Glen.

" Hindi naman siguro sasaktan ni sir si maam ano? " Tanong ni Ella rito.

Sasaktan? Ako ba ang tinutukoy nyang maam?!

" Ella.. Paranoid ka lang " Agad akong napaatras dahil tumingala si Glen saa direksyon ko. " Baka marinig ka ni Mrs. Dale kaya tumahimik kana, Aalis paako at aasikasuhin ang nangyari kanina " Sabi pa nito.

Ano bang nangyari kanina? Parti ba si Azle ng isang masamang mga tao? Sya ba ang boss?

" Mag iingat ka Glen " Rinig kong sabi ni Ella.

" I will.. Alagaan mo si Mrs. Dale " Sabi nito at aalis na sana ako ng may narinig.

" His watching Ella.. Don't make mistake or else you and Charmaine will die "

I—I'm.. I'm gonna die?!

H-his watching?! Sino!

🌻

CAUGHT IN HIS ARMS ( COMPLETE )Where stories live. Discover now