02

1.6K 17 2
                                    

" Kumain ka " Sabi ni Lia saakin.

Siya ang kumausap saakin ng unang pagkapasok ko sa impernong ito.

" Walang magbabago kung hindi ka kakain.. " Sabi naman ng isang babae.

" Tama sila Chamy.. Kumain kana " Sabi uli nito.

Bumuntong hininga ako at labag sa luob na kumain.

Hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin ni Ate Kaylie saakin! Pinagkatiwalaan ko siya!

" Wala ring magagawa ang iyak mo " Sabi uli ni Lia.

" Ano ba " Inis na sabi ko rito at inilapag ang aking pinggan na wala ng laman.

Ngumiti naman ito saakin at ibinaba rin ang pinggan nito. " Ang gusto ko lang sabihin saiyo magpakatatag ka.. Hindi naman sa okay nako sa destiny ko rito pero ang iba na nagiging amo nila ay mababait at baka magbago ang buhay mo " Panimula nito.

Ano? Anong klase bato? Ano ba itonh pinasuk ko?

Umupo uli si Lia sa kama nito kaya tumabi ako sa kanya. " Ibininta rin ako kagaya mo pero alam ko na ibibinta ako hindi kagaya mo." Sabi nito na kinagulat ko.

" A-at bakit ka naman pumayag? " Takang tanong ko pero tumawa lang ito.

Pilit na tawa. " Alam ko lang pero hindi ako pumayag.. Wala rin naman akong magagawa.. Tiyuhin ko ang nag binta saakin rito " Sabi nito kasabay ng pag patak ng luha niya kaya nataranta ako pero tumawa lang uli ito.

" Kung hindi ako p-papayag, g-gagasahain niya ako at gugulp-puhin " Sabi nito habang humihikbi.

Inilibut ko ang tingin sa iba at nagpapahinga na sila. " Wala kang matatakasan rito " Sabi niya ulit at nahiga.

" Pagpahinga kana dahil narinig namin na bukas na bukas ay kukunin tayo Isa Isa rito " Sabi nito at ipinikit ang mga mata.

Agad akong nahiga sa kama ko habang naka titig sa kesame.

Nanay, Jona, Pasensya na.. Pasensya na talaga..






Naalimpungata ako dahil sa palakas na ingay galing sa pintuan ng kwarto dito.

" Lia, anong nangyayari? " Tanong ko rito ng makitang nag aayos ito ng gamit.

Tinignan ako nito. " N-namumutla ka " Sabi ko at agad na bumaba sa kama perp ganun nalang ang gulat ko ng ilan nalang kaming natira dito.

L-lima.. Lima nalang kami rito! A-akala ko ay bukas pa?!

" Nag iba ang schedule nila Chamy.. " Malungkot na sabi nito at inayos ang suot. " Paalam " Nakangiting sabi nito kasabay ng pagpasok ng malalaking dalawang lalaki.

" L-Lia! Lia! Teka! T-Teka lang naman! " Sigaw ko pero hindi naako nakaabut.

Agad akong napaluhod at ruon umiyak.

Wala pabang ikalalala ang buhay ko?! Katapusan ko naba?! N-nangako ako kay Nanay! Kay Jona na babalik ako. P-paano na sila?

" Mag ayos kana " Gulat akong napatingin sa aking nasa harapan.

" Hayup ka! Bakit mo to nagawa saakin! B-bakit! " Sabi ko sinasabunutan siya!

" Aray! Ano! Bitaw! Bumitaw ka! " Napakalakas ni Ate Kaylie kaya natulak ako nito at nasalampak sa sahig kasabahay ng pag pasok ng isang babae.

Umiiyak rin ito kagaya ng unang beses ko rito at sumisigaw. " Kaylie! Kaylie! A-ang anak ko! Please! Please! Kahit siya nalang! Ipagamot m— kaylie! " Sigaw ito ng sigaw.

CAUGHT IN HIS ARMS ( COMPLETE )Where stories live. Discover now