Disclaimer;
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.All Right Reserved © 2022
Started : December , 27 , 2022.
Ended : January , 22 , 2023
--" Magandang Umaga! " Agad na sigaw ko pagkalabas na pagkalabas ng bahay at sumalubong kaagad saakin ang yakap ng bunso kung kapatid.
" Ate Chamy! Magandang Umaga! " Nakangiting sabi nito.
Hinalikan ko naman ito sa pisngi. " Magandang Umaga Jona! Oh- Manuel? " Sabi ko ng matanaw si Manuel habang may dala dalang mga puting plastic bag.
" Good Morning Charmaine Raya " Sabi naman nito. Sumimangot naman kaagad ako.
Charmaine Raya.
" Chamy nga sabi " Mahina kung sabi at pumasok nasa luob. Hindi naman sa ayaw kung tinatawag sa pangalan ko pero hindi kasi ako comportable!
" Ate, umalis muna si Nanay.. may okasyon raw na magaganap sa mansion nila Kuya Manuel kaya tumutulong syang maglinis ruon " Biglang sabi ni Jona saakin kaya lumipat ang tingin ko kay Manuel na naka upo na sa bangko.
" That's why I'm here.. I want to invite you " Biglang sabi nito na kinagulat ko.
" Tumigil ka nga Manuel " Seryusong sabi ko habang nag aayos ng mesa para sa umagahan.
" Charmaine " Sabi naman nito kaya inis ko syang tinignan.
Bahagya paakong napapikit at bumuntong-hininga. " Tutulong ako kay Nanay sa inyo mamaya kaya hindi ako pwede ngayon " Sabi ko at bumalik sa ginagawa.
Sanay naakong iniimbintahan niya pag may okasyon sa mansion nila dahil rin matagal na kaming nagtatrabaho sa kanila at magkasundo rin naman kami ni Tita Hannah at Tito Miguel.
" Kung iyon lang ang sasabihin mo, mabuti pa bumalik kana sa inyo.. Panigurado hinahanap kana ng mommy mo " Sabi ko naman. Narinig ko ang pag tayo nito ay paglakad papalapit saakin.
" I want to eat here " Sabi naman nito kaya napalingon uli ako sa kanya sabay turo sa mesa namin.
" Dito? Kumakain kaba ng prinitong talong at Esda? " Sabi ko.
Nilingon niya naman ang laman ng mesa namin at parang nag-iisip. " Oo naman " Mahinang sabi nito.
" Kuya Manuel, Wala po kaming mamahaling pagkain na ipakakain po saiyo.. Tamang Tama lang po ang sweldo ni Nanay sa ganitong pagkai- "
" I want to eat here! Hindi ko naman sinasabing ayaw ko eh! Ano ba kayo! " Nakangiting sabi nito at naunang ng umupo.
" Sabi mo eh " Sabi ko at nilagyan ng kanin at ulam ang plato nito.
Masarap naman daw ang ulam kaya naubos niya rin ito. Si Manuel lang ang nakilala kung hindi pihikan sa pagkain lalo na't mayaman ito.
Pagkatapos kumain ay sumabay naako sa kanya na bumalik sa mansion nila dahil tutulong paako kay Inay.
" Salamat " Sabi ko pagkababa sa kanyang sasakyan.
" Welcome, see you around " Sabi nito at nauna ng maglakad.
Sa likod naman ako ng mansion nila pumasok dahil paniguradong naruon si Nanay.
" What the- Vanessa! What are you doing! Look at my dress! You ruined it! " Agad akong tumakbo papuntang kusina ng marinig ang nakakarinding sigaw na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/329755169-288-k959642.jpg)