Hindi ako makapaniwala na halos magiisang taon ko ng kasama si Azle.. Malaking parte ang nangyari saaming dalawa.. At talagang nag bago ang pakikitungo niya saakin.
Hindi ko rin alam pero hindi kuna nakikita si bethany.. Hindi ko rin naman magawang mag tanong kay Azle.. At ayokong mag away uli kami dahil sa kanya.
Si Azle-Malambing siyang asawa.. At kung nuon ay binabawalan niya akong lumabas dahil delikado ay sinasamahan naako nito para mas mapanatag raw siya. Pero kapag busy ito ay ako lamang mag isa.. Halos iyon nga ang nangyayari umaalis ako ng bahay na mag-isa.. Nababahala si Azle pero sinasabi ko naman sa kanya na mag tetext o di kaya ay tatawag kapag may nangyari.
Ilang araw nalang at magbabagong taon na. At ngayong araw ay kaarawan ko. December 21.
" May sakit kaba Azle? Bakit na mumutla ka ata ngayon? " Nagtatakang tanong ko.
Papunta kasi kami ngayon sa magiging bahay namin. Ayoko ang ganuon klase bahay.. Nagmumukha kasi akong magisa dahil sa laki ng mansion niya kaya nagpatayo kami ng magiging bahay namin.
Simple at mapayapa.. " No- I'm fine.. Tired lang sa work , love." Malambing na sabi nito.
Tapos umalis pa kami para makita ang bahay? " Bakit hindi mo sinabi? Sana ay hindi na lang tayo pumu- " Nalulungkot na sabi ko.
Nakukunsensya kasi ako. " No.. Love.. Today is our special day.. It's your birthday- And I can still drive so don't worry ok? Ohh were here " Hininto ni Azle ang sasakyan sa harap ng magiging bahay namin.
Hindi pa iyon tapos. " I prepared this for you " Sabi nito at inabut saakin ang isang malaking-malaking bouquet ng rosas.
Napangiti tuloy ako. Nakakakilig naman. " Are you happy? " Sabi nito tumango naman ako.
Subra Azle.. Hinalikan ako nito sa noo at niyakap.. " I love you Raya- I love you , love " Nanigas ako dahil sa sinabi nito.
Sinabi niya bang mahal niya ako? Mag iisang taon na kaming magkasama at oo nararamdaman ko naman ang pagmamahal niya pero ngayon niya lang sinabi na mahal niya ako.
Nakakabigla. " Why? " Nagaalalang sabi nito.
Agad akong umiling at pilit na ngumiti. Naaalala ko tuloy ang relasyon nila ni Bethany. " W-Wala.. Tara? Kain muna tayo! " Sabi ko at hinila na sya papunta sa kubo.
Alam kung gusto niya lang itanong kung anong problema at ganun ang reaksyon ko.. Hindi naman manhid si Azle para hindi makita ang naging reaksyon ko pero pinagsawalang bahala ko nalang.
" Sinasabi mo bang ikaw mismo ang pumili saakin? " Natatawang sabi ko.
" Yes.. Yup.. " Sabi nito ang tumango tango pa saakin.
Sabi niya ay nung araw na dinala ako ni Ate Kaylie ay anduon din siya.. At ng makita ako ay sabi niya ay maganda at gusto niya raw agad akong maging asawa.. Para daw bang love at first sight. Nababaliw na ata siya eh kung ano anong pinagsasabi.
" Don't look at me like I'm lying! It's true wife! I Immediately text my people to fetch you... Maganda ka kasi " Sabi nito at hinalikan ako sa labi.
" Nako! Nambubula nanaman " Sabi ko at sinusubukang ilayo ang pagmumukha niya saakin pero hinawakan niya ang bewang ko at binuhat para makaupo ako sa lap niya.
Mabuti na lang at siradong sirado ang kubo at hindi kami nakikita ng mga nag tatrabaho sa labas.
" Ano ba Azle! " Natatawang sabi ko at pinalo pa ang braso niya.
" A-Ah don't move wife.. Ginigising mo naman siya eh " Sabi nito.
A-Ano raw! Hala!
Tinakpan ko naman ang bibig niya kaya natawa siya. " Baka may makarinig sayo! " Sabi ko.
