01

3.7K 20 0
                                    

Halos Tatlong oras din ang pagaayos namin sa mansion bago ako nakauwi. Nakapagdala rin ako ng subrang ulam.

Hindi ko narin nakita si Manuel o si Messha habang nag aayos sa mansion.

" Ano kaba naman Vanessa! Nuong nakaraang buwan paako naniningil! Binigyan na kita ng isang buwan at kalahati at sapat na iyon! " Agad akong pumasok sa bahay ng marinig ang sigaw ni Manang Paula ang mayari ng bahay na tinitirahan namin.

" Paula, isang libo lang kasi ang mayruon ako... Nagamit ko ang iba sa pagaaral ni Jon- "

" Vanessa naman. May sarili rin naman akong buhay at may mga anak rin! "

" Manang Paula! " Agad na sabi ko at pumagitna sa kanila.

" Oh! Andito na pala ang panganay mo. Nabalitaan ko ay may okasyon sa mansion ng mga Tolenteno, baka may mang bayad na kayo? Mag dadalawang buwan na Cham- " Agad kung kinuha ang isang libo sa mesa at inilabas ang dalawang libo sa aking bag.

" T-tatlong libo na muna Manang.. Hanggang katapusan po.. Magbabayad ako uli " Agad na sabi ko. Bumuntong hininga naman ito at kinuha ang pera sa kamay ko.

" Siguraduhin mo lang Chamy, wala naakong pasensya sa inyo dahil paraming delayed ang mga bayad niyo. Pag wala sa katapusan sa labas na agad kayo matutulog " Sabi nito at agad na lumabas ng bahay.

Hay!

" Anak "

" Ate Chamy " Agad akong lumingon sa kanila at ngumiti.

" Huwag kang magalala Nay, Jona.. Hindi tayo aalis rito.. " Sabi ko at inayos na ang dalang ulam.

" May dala akong subrang ulam galing mansion.. Kumain na po tayo.. Jona mag ayos kana ng mesa " Utos ko naman sa kapatid.

" Raya Anak. " Mahinang sabi ni Inay.

Agad ko naman syang nilingon. " Saan naman tayo makakahanap ng trabaho? " Nagaalalang sabi nito.

Umiling ako at inalalayan syang umupo na. " Ako ho ang mag tatrabaho " Mahina kung sabi.

" Raya "

" Nay, wala kana pong lakas para makapag trabaho " Sabi ko naman.

" Kaya ko pa naman "

" Kung mag kasakit ka Nay, dagdag gastuhin lang ho yun " Sabi ko at tinulungan nasi Jona sa mesa.

" Si Ate Kaylie ho ay may alam na trabaho sa maynil- "

" Luluwas kang maynila ate?! " Agad na singit ni Jona na ginantihan ko lang ng ngiti.

" Raya anak, pwede ka namang rito nalang maghanap ng trabaho " Sabi naman nito.

Alam kong ayaw ni Inay sa desisyon kong mag trabaho sa maynila dahil galing narin siya ruon at mahirap raw ang mamuhay sa maynila.

Hindi ko sinagut si Inay at kumain nalang ng tahimik. Pagkatapos nuon at lumabas muna ako ng bahay para makalanghap ng hangin.

Bukas na bukas rin ay aalis naako. Na contact kuna si Ate Kaylie nuong nakaraang araw at sabi niya ay may naghahanap na kasambahay ruon at malaki magpa sweldo. Maasahan naman si Ate Kaylie dahil kaibigan ko rin ito nung nag aaral paako.

19 years old naako at dapat 1st year college na pero dahil nga kapos sa pera ay tumigil nalang at tumulong nalang kay Nanay mag trabahao dahil nga rin maagang namatay ang Tatay.

" Alam mo naman ang napagdaanan ko sa Maynila Raya " Mahinang sabi ni Nanay habang naglalakad papalapit sa kinauupuan ko at tumabi saakin.

Nilingon ko naman ito. " Wala namang nabubuhay sa mundo na walang ring sinasakripisyo Nay " Panimula ko.

CAUGHT IN HIS ARMS ( COMPLETE )Where stories live. Discover now