Chapter 1

325 8 0
                                    

 "tok tok tok!", napapitlag si Jaqy sa katok na iyon.

"Gezzzz! Nakakagulat naman 'yun?!", bulong niya. Tumayo sa kanyang study table. Inayos ang sarili. Hawak pa rin ang cellphone na pumunta siya sa pintuan.

"O, Zian! Ikaw lang pala! Ginulat mo ako, huh!", aniya pagbukas ng pinto. Classmate niya si Zian sa pinapasukang University, at malapit na kaibigan. Pareho sila ng dorm na tinutuluyan nito, kaya anytime pwede silang pumunta sa isa't-isa. May itsura ito, kahawig ng international singer na si Billy Crawford. Medyo moreno lang ang balat nito. May kaya ang pamilya nito, katulad nila Jaqy, that's why he afford the school where they went. Pang-mayaman ang University kung saan sila pumapasok. Mga kilala,at may sinabi sa buhay lang ang nakakapag-aral doon.

"Huh, katok lang nagulat kana?!", wika naman ni Zian. Derecho itong pumasok sa kanyang rented room, at humilata sa sofa. At home na ito sa kanyang kwarto.

"Eh, nagulat nga, anong paki mo!",sagot na papilosopo ni Jaqy sa kaibigan.

"Psssh, sungit!

Nga pala, may assignment ka na ba?"

"Wala! 'di pa ako tapos, kakauwi ko lang kaya?!"

"Huh, bakit? Maaga naman tayo pina-out, ah?!"

"Eeeeeeh, dumaan ako sa bookstore, may binili ako, kaya natagalan po ng uwi!"

"Aaaah! So gagawa ka?"

"I try! But not sure..

Afternoon subject pa naman natin 'yun 'di ba?"

"Oo, pero mabuti na 'yung sigurado!"

"Eh, ba't mo tinatanong? Mangongopya ka na naman? Ganu'n?"

"Huh, 'di no! Sige na nga, d'yan kana! Kala ko nakagawa kana, eh!"sabay tayo nito sa sofa, at derecho muli sa pinto, para lumabas. Kakamot-kamot pa ito sa ulo.

Naiiling naman si Jaqy sa kaibigan. Kilala na niya ito. Mangongopya nga yun, kaya ganu'n!

"Haist, gawa ka ng sarili mo!''habol pa niyang bulong. Pero di na iyon narinig pa. Bigla na namang tumahimik ang paligid. Naalala niya ang hawak na cellphone, at tiningnan muli niya ang binabasang message, habang isinasara ang pinto. Subalit paghawak niya dito'y may humawak din ng kamay niya sa likod nito. Nagulat si Jaqy sa nangyari. Akma sana niyang hihilahin iyon nang mapagtantong maputla ito. Nu'n din lang niya naramdamang napakalamig niyon. At sa tulong ng liwanag sa kanyang study table ay naaninaw niya kung anong anyo nito. Duguan, at puno ng alikabok.

Kusang gumalaw ang pinto pasara, habang hawak pa rin si Jaqy ng kamay na 'di nya alam kung kanino. Napaangat siya ng tingin. Pina-ilaw ang kanyang cellphone, at doon na siya labis na nasindak.

Isang duguang babae ang naroon. Galit ang mga mata nitong nakatuon ng tingin sa kanya.

"Waaaaaaah!!!", nakaririnding sigaw ni Jaqy, bago pa tuluyang gumalaw ang babae, at lumapit sa kanya. Dire-derecho siyang napaurong. Nangangatog na ang kanyang tuhod sa takot. Malakas na rin ang pagtambol ng kanyang dibdib.

"WAAAAAAH!! Waaaa!", ilang ulit niyang sigaw pero nilamon lang iyon ng katahimikan.

Hawak pa rin nito ang kanyang kamay. Habang ang isa'y itinataas at akma siyang sasakalin. Palapit na ito nang palapit. Naamoy na ni Jaqy ang 'di kaaya-ayang agnas nang katawan nito. Patuloy lang siya sa pag-atras. Pero isang hakbang niya'y wala na siyang aatrasan pa dahil napasandal na siya sa dingding ng kanyang kwarto. Gahibla nalang ang layo ng kamay nito sa kanyang leeg nang malakas na mag-alarm ang kanyang orasan. Napamulat siya bigla, at nagtaka siya kung bakit umaga na agad.

"Tss, nightmare?! Uhrg!! Pa'nung nakatulog ako kagabi nang 'di ko alam? Haist, 'di tuloy ako naka-", naputol ang anumang sasabihin sana ni Jaqy sa sarili dahil napatingin siya sa kanyang study table. At mula doon ay kita niya ang kanyang notebook na may sagot na ang kanyang assignment. Naguguluhang napalapit siya doon, para i-check kung 'di nga ba siya dinadaya ng kanyang paningin. Nang mabasa ay nasigurado nga niya na nakagawa siya. Pero pa'nu? Isang malaking katanungan sa kanyang isipan. Naalala niya ang message na nareceived kagabi. Hinanap ang kanyang cellphone. Nadaganan pala niya ito sa pagtulog. Pagtingin niya sa screen nito'y naroon pa rin nga ang message ng isang Zyra Lopez. Pero nakakapagtakang may name agad ito pagkareceived niya, eh wala naman siyang natatandaang sinave na ganu'ng pangalan.

"THE NEXT DAY, SHE DIE!!", iyon ang huli niyang nabasa bago niya idelete ito.

"Psssh, go to hell, asshole!! Wala ka siguro magawa kaya nangpa-prank text ka!",wika ni Jaqy sa message na iyon. Naasar siya, pagkat hanggang sa panaginip ay nadala na ito.

Nag-ayos na siya ng sarili, para pumasok. Nang makalabas siya ng dorm ay may napaka-lamig na hanging umaga ang sumalubong sa kanya. Around six thirty pa lang kase iyon. Makulimlim ang langit, at madalang pa ang mga tao sa lansangan. Nang biglang may dumaang babae sa kanyang harapan. Mabilis iyon na parang hangin. Pero sigurado siya nakita talaga niya ito...

Itutuloy...

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon