Untitled Part 7

78 4 0
                                    

 Binilisan ni Reymark ang kanya paglalakad. Wala pang mga staff ng funeral ang nandoon. Kundi ang guard lang nasa may entrance, at ang nag iisang duty sa may info desk. Hindi pamilyar si Reymark sa kanyang nilalakaran. Pero natatanaw niya ang ang isang pinto na may sign ng banyo. Kaya mas lalo pa syang nagmadali, subalit may biglang dumaan ng mabilis sa kanyang harapan.

" Huh, ano 'yun? " Aniya sa sarili. Kasabay ng paghabol niya ng tingin dito kung saan pumunta. Sa gawing kanan niya na may kadiliman. Wala siyang maaninag doon. Kinusot-kusot pa niya ang mata dahil baka 'di lang niya makita ito. Ngunit wala talagang senyales na may tao doon, o hayop man.

Minabuting balewalain iyon ni Reymark, at nagpatuloy nalang sa pagpunta sa banyo. Subalit nakakailang hakbang pa lamang siya'y biglang umihip sa gawi niya ang may kalakasang malamig na hangin. Kasabay nu'n ay isang hikbi ng babae ang kanyang narinig. Kahit may kahinaan ay dinig niya iyon pagkat napakatahimik sa buong gusali.

Natigil na rin si Reymark sa paghakbang, at tumingin sa pinanggagalingan ng hikbi. Subalit wala talaga siyang maaninag man lang. Patuloy ang pagsimoy ng napakalamig na hangin sa katawan niya. Tila may kasama iyon na yelo pagkat sobrang lamig, at nanunuot talaga sa kanyang kalamnan. Noon lang nakadama ng ganu'n kalamig na hangin Reymark. Nalimutan niya ang kanyang sadya, at humakbang patungo sa pinagmumulan ng iyak ng babae. Habang palapit siya doo'y unti-unting nakikilala niya ang boses nito.

" S-Si A-Angeline?! Angeline ikaw ba 'yan? " Naibulalas ni Reymark kahit 'di niya makita ito. Patuloy siyang lumapit doon. Subalit biglang nagbago ang tinig nito. Parang bahaw ang boses ng pag iyak, at animo'y napaka lalim ng pinagmumulan nito.

Biglang natigil si Reymark sa paghakbang. Pinanayuan siya ng balahibo, at nakadama ng takot sa kanyang pagkatao.

" Gelyn! Gelyn! Ikaw ba 'yan? Akala ko ba umuwi kana? " Naitanong pa niya, subalit nanginginig na ang kanyang boses.

Muling humakbang si Reymark. Sa pagkakataong iyon ay nangangatog na ang kanyang tuhod. Patuloy ang pag hikbi na naririnig niya. Nang biglang may dumantay na kamay sa kanyang balikat mula sa likod. Hindi siya agad nakagalaw. Tila naparalisa ang katawan niya, at tumigil ang kanyang mundo. Parang wala siyang iba na naririnig kundi ang malakas na tibok ng kanyang dibdib. Kaba na may halong takot. Napapikit siya sa kanyang sitwasyon na iyon. Hindi siya ang taong madaling matakot, pero ng oras na iyon ay para binabawi na ng kanyang pagkatao, dahil natatakot na siya. Idagdag pa kung nasaan siyang lugar ng mga oras na iyon.

Ayaw na nyang malaman pa kung kaninung kamay ang nakapatong sa kanyang balikat. Gusto na nyang kumaripas ng takbo pabalik sa mga kasamahan. At kalimutan ang nangyaring iyon. Pero isang nakasisilaw na liwanag ang tumanglaw sa mukha ni Reymark. At isang boses ng lalaki ang kanyang narinig.

" Hoy, ikaw! Bakit andyan ka sa dilim? Madaling araw pa ah!

Saan ka ba pupunta? " Ani boses kay Reymark.

Iyon ay ang security guard ng funeral, at nagroronda. Papalapit ito sa kanya na may dalang flashlight.

" Huh? " Tanging naitugon ni Reymark. Parang 'di pa siya makapaniwala na wala na ang nangyari kanina lang sa kanya.

" Pinaglalaruan 'ata ako ng imahinasyon ko, ah?! " Ani sa isip pa niya. Umayos siya sa pagkakatayo. Nangalay na pala ang kanyang mga binti. Hindi niya alam kung ilang minuto ang nangyari sa kanya kanina.

" O, ano? Bakit 'di ka nagsasalita dyan?! " Muling pagkausap sa kanya ng security guard. Sa pagkakataong iyon ay nasa tabi na niya ito, at nakapameywang pa. Sukbit sa balikat ang flashlight dahil derecho ito na may sling.

" A-Ano po kase magbabanyo sana ako, pero naligaw po ako dito, 'di ko kase alam kung saan po. Maari nyo ba ituro s'kin? " Sagot ni Reymark dito na medyo may nginig pa sa boses. Sinulyapan niya ang kanina sanang pupuntahan subalit iba na ang kanyang nakita. Kwarto pala iyon para sa pag aayos ng kanyang bangkay.


Nagpatiayon nalang si Reymark sa security guard. Pasalamat siya dito sa pagdating nito kanina, pero mas pinili niyang 'wag nang sabihin pa ang nangyari. Hindi din naman ito maniniwala sa tingin niya. Malamang pagtawanan lang siya nito, o isipin na nababaliw.

" O, dito ang papuntang banyo. Derecho ka sa hallway na 'yan, sa dulo kumaliwa ka may maliit na daan doon, at kumanan ka naman sa dulo n'un, huh! " Ani security guard kay Reymark.

" O-Oho, salamat! " Tanging naisagot naman ni Reymark dito, pagkat 'di pa siya ga'nu maka move on sa nangyari kanina. Ang tibok ng kanyang puso ay hindi pa man lang bumabalik sa normal.

" Sige, at ako'y magtse-check pa ng ibang lugar dito. " Tugon pamamaalam naman ng guard kay Reymark. At nauna na itong humakbang pabalik kung saan sila nanggaling kanina.

Hindi naman makahakbang si Reymark. Parang ayaw na niyang tumuloy pa, at bumalik na lang sa mga kasama. Pero talagang puputok na ang pantog niya sa pagpipigil. Kaya kahit kinakabahan ay pinili na rin niyang dumerecho.

~

Maagang nagising si Angeline. Kukunin niya kase ang kotse sa dormitory nila Zian na naiwan niya kahapon. Tamang-tama, at natutulog pa ang kanyang mga magulang. Dadalian na lamang niya para hindi siya abutin na gising na ang mga ito. Naka ordinary blouse na blue lang siya, at short na white. Susi lang ng kotse, cellphone, at pan taxi ang kanyang dala. Mag-aalas kwatro pa lang 'yun ng madaling araw. Babawi na lamang siya ng tulog mamaya pagbalik niya.

Madali naman siya nakakuha ng taxi, dahil twenty-four hours ay may naka abang na taxi sa entrance ng subdivision nila. At ilang sandali lamang ay nakarating agad siya sa pupuntahan. Dahil maluwag naman ang lansangan, at wala pa masyadong trapik. Pang umagang hangin na malamig ang sumalubong kay Angeline pagka-baba niya ng taxi. Hindi na niya pinag abalahan pa na tumingin sa paligid. Hawak kase niya ang kanyang cellphone, at naka headseat pa, kaya wala siyang marinig man lang. Subalit napakalakas...

itutuloy...

"ONE MESSAGE RECEIVED"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon