biglang mapatid siya sa isang cable wire. Derecho siyang napabagsak, at nahila din ang electric fan na nakakabit dito. Iniharang ni Darling ang kanyang mga braso pa babagsak na Electric fan subalit sa tiyan niya iyon tumama.
" Ughmm uhmmmm! " Ungol niya na nahihirapan sa sitwasyon. Pinilit niyang tumayo ngunit isang pares ng paa ang tumapat sa kanyang mukha. Duguan iyon, at mapuputla. Sa tulong ng ilaw na patay sindi ay nakita niya iyon ng maliwanag. Sumigid ang malamag na pakiramdam sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang tiningala ang may ari ng mga paa. Madungis ang damit nito na parang kay tagal nang isinuot. Naroon ang mga natuyong dugo. Pinilit niyang makita ang mukha nito upang magimbal lang.
" Waaaaaah! " Malakas niyang naisigaw. Kahit hirap ay pinilit niyang makaurong palayo dito. Abot-abot ang kanyang kaba sa dibdib. Isang multo ng babae ang nasa harapan niya. Naka uniporme ito na parang studyante. Ngunit madumi na iyon at puno ng dugo. Ang mukha nito'y sobrang putla at madaming sugat na nagmimistulang naaagnas. Sa isang kamay ay hawak nito ang cellphone ni Jaqy.
" Tulungan mo ako!! " Malamig na wika nito saka humakbang pa palapit nang palapit kay Darling. Lalong sumigid ang takot sa kanyang buong pagkatao. Tinangka niyang lumayo ulit ngunit may malamig na kamay ang pumatong sa kanyang mga balikat. Halos manginig na siya sa takot. Oo nga't isa siyang Medium pero hindi pa siya talaga actual na nakakakita ng multo. Ngayon pa lang talaga. At sobrang kinikilabutan siya sa nakikita. Pinilit niyang pumikit pero ito pa rin ang nakikita ng kanyang isip. Nang magmulat siya'y halos mawalan na siya ng malay tao pagkat malapit na malapit na ang mukha nito sa kanya, at ang mga kamay nito ay unti-unting humihigpit sa kanyang leeg.
" uhuh! uhuh! " Nahihirapan siyang huminga. Sumigaw siya ngunit walang boses ang lumabas sa kanyang bibig nang biglang tumunog ang ringtone ng kanyang cellphone. Nagulat siya doon at napamulat bigla.
Isang masamang panaginip lang ang lahat. Hinawakan ni Darling ang kanyang leeg. Parang ramdam niya ang lamig doon at sakit ng pagkakasakal sa kanya subalit may nakapa siyang malagkit doon, at nang tingnan niya ang mga kamay ay may dugo iyon at mga buhangin. Napasigaw siyang muli. Hindi na panaginip 'yun kundi reyalidad.
" Waaaahhhhh! " Sabay agad na tumayo sa kanyang inuupuan at nagtatakbo palabas ng inuupahang apartment. Pero tumunog muli ang kanyang cellphone. Naiwan niya 'yun sa lamesa. Napatigil siya't babalikan sana nang may humawak sa kanyang mga paa mula sa ilalim ng isang sofa. Sumigid ang lamig sa kanyang buong katawan kasabay na malakas niya ulit na sigaw ay hinila siya ng kung kaninung kamay ang humawak sa kanya. Derecho siyang bumagsak sa sahig. Nawalan siya ng balanse, at pumutok ang kanyang ulo na tumama dito. Bago siya mawalan ng malay ang nakita pa niyang unti-unting lumalabas ang may ari ng kamay na humila sa kanya. Iyon din ang nasa panaginip niya, saka tumunog muli ang cellphone ni Darling. Naroon na 'yun malapit na sa kanya.
~
" tsk! Tumawag daddy ko! I need to go home... " Nagmamaktol na wika ni Elma sa mga kaibign. Naroon na sila sa funeral kung saan naka burol si Angeline. Tulad ni Jaqy, may takip din ang kabaong nito pagkat hindi na din makilala pa ang mukha at katawan nito. Naroon ang buong pamilya upang ipagluksa ang kaibigan nila.
" hala, akala ko ba nagpaalam ka na sa kanila? " Si Zian iyon..nanlalaki pa ang mata nito na parang nagulat.
" Hmft! Nagtxt na nga ako! Pero sabi ni daddy, umuwi muna daw ako at magpalit ng damit. Kita nyo naman dalawang damit lang dala ko! " Ani Elma sa tanung ni Zian. Umirap ang mata nito, at nagmukmok sa isang sulok habang nakasimangot. Ayaw kase nito umuwi muna. Mas enjo siyang kasama ang mga kaibigan. Pero di naman pwede. Alam niyang pag ang daddy na nya ang tumawag ay talagang dapat na umuwi siya. Kundi makakatikim na naman siya dito. Mabuti pa ang Mommy niya, okey lang dito.
" Pwede naman ah... Balik ka nalang ulit... Saka tama din naman daddy mo..
" Sabat ni Reymark sa dalawang kaibigan pero ang mga mata ay nakatuon sa kabaong at parang may iba pa ito na iniisip.
" eeeh, ayaw ko! Hmp! " Muling maktol ni Elma. May kasama pa 'yung padyak.
" Luh?! Para kang bata dyan! Lika na, hatid na kita sa labas, at papasakayin kita sa taxi... Ako na papara.. " Si Zian. Tumayo na ito sa inuupuan at nilapitan si Elma. Kiniha niya ang kamay nito at hinila na para tumayo. Para namang tamad na tamad ang katawan nito na sumunod. Sinukbit nito ang bag, at inilagay ang cellphone sa bulsa ng blose nito. Umuunggot pa ito kay Zian habang hila palabas ng chapel.
" Kakainis eh! Ayaw ko pa umuwi, Zian! Tatamarin na ako bumalik nyan... " Ani Elma. Nang ganap na silang makalabas. Lukot ang mukha nito, at nakasimangot.
" Sundin mo muna daddy mo, wait ka namin, huh! Cheer up! " Pagpapakalma naman ni Zian dito. Saka sumalampak siya ng upo sa pader na naroon.
Magdadapit hapon na 'yun, at madalang ang dumadaang taxi sa lugar na 'yun. Papasok pa kase ang kalsada. Hindi 'yun ang pinaka highway kaya ganu'n.
Naiwan naman sina Aileen, at Reymark sa burol. Namagitan ang katahimikan sa dalawa. Parang nagpapakiramdaman pa ang mga ito. " Nararamdaman mo siya di ba? " Agaw pansin ni Aileen sa kaibigan. Tumingin ito sa kanya at marahang tumango.
" Pareho tayo! " Dagdag pa niya sa sinabi.
" Ano ibig mong sabihin? " Maang na tanong ni Reymark. Hindi kase siya sigurado kung si Angeline din ba ang tinutukoy nito.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
"ONE MESSAGE RECEIVED"
HorrorPROLOGUE It seem like an e-mail chain letter, started circulating within a group of friends in a school campus. "I'M ZYRA LOPEZ. I DIED LAST YEAR. I WAS FOUND RAPED, TORTURED, AND HANGING IN MY CLASSROOM." Jaqy smirked to herself and hit the page do...